Kung bibigyan mo ng marka ang pamunuan ng Batangas Port pagdating sa pagpapahalaga at pagmamalasakit sa mga pasahero na bumibyahe, ipagpalagay na 5 ang pinakamataas at 1 ang pinakamababa na marka, ano ang ibibigay mo?
Salamat at mayroong inilaan na WAITING AREA ang pamunuan ng BATANGAS PORT. Pero sa pagkahaba-haba na ba naman ng panahon, hindi man lang nila malagyan ng bubong ang lugar. Kung maganda ang panahon, walang problema. Pero paano kapag umuulan?
Sa di kalayuan ay makikita ang maaring milyong halagang istruktura na ginagawa sa Batangas Port kumpara sa “TULDA” na kanilang itinayo para sa WAITING AREA ng mga susundo.
Walang kwenta ang mahaba at maraming hilera ng upuan kapag umuulan. At pag nagkataon, saan nila dadalhin ang mga tao? Magsisiksikan na lamang sa unahang bahagi ng kuhanan ng ticket.
Pwede rin naman nilang sabihin na “wala namang pupunta sa Pier kapag naulan”. Oo nga naman. Pwede naman nga. Ang kaso mo, paano kung maraming pasahero nasa pier na at doon naman inabot o doon nagsimulang umulan? Naisip ba ng administration ng Batangas Port ang bagay na yun?
Buti sila, ayos na ayos ang pwesto sa kanilang mga building at naka-aircon pa. Samantalang mga kinita din naman galing sa mga pasahero ang kanilang ginagamit sa mga kuryente at aircon nila. Kung hindi man direkta galing sa pamasahe ng mga biyahero, pwede naman sabihin na galing sa mga renta sa Port ng mga barko na nag-ooperate sa Port. Pero kung susumahin at babalikan, biyahero pa rin ang pinanggalingan.
Dulong kanang bahagi ng waiting area malapit sa tindahan at likuran ng CR. Wala din bubong.
Paano na kung may kasamang bata o baby ang pasahero? Bubuksan ba ng mga Bossing ang kanilang magagarang opisina para pasilungin ang mga matanda, ina, at bata na mababasa ng ulan? Ano yun, pabayaan na lang nila dun sa hilera ng upuan sa WAITING AREA?
Isa pa. Salamat at mayroong WAITING AREA sa itaas na pinaghihintayan ng mga pasahero bago sumakay ng barko papuntang Mindoro. Komportable naman talaga, may TV pa at tindang lugaw na masarap sa taglamig at tag-ulan. At kapag sasakay na ang pasahero sa barko, may maayos na daanan na may bubong papunta sa dock area. Ayos yan. Saludo tayo dyan!
Makikita sa itaas ng kaliwang bahagi ng larawan ang pathway ng na dinadaanan ng mga sasakay sa barko papuntang Mindoro. Sa baba nito sa kabilang bakod naman nadaan ang mga bumaba ng barko galing Mindoro.
Pero naman kapag bumaba na ng barko galing Mindoro? Nganga!. Ayun, dadaan ang pasahero sa baba at makikipagpatintero sa mga sasakyan. Meron namang barricade para sa tamang daanan ng pasahero. Ang tanong uli natin dyan ay “paano kapag naulan?”.
Paglabas ng dock area ng pasahero, sa may gilid naman ang kanilang daan. Paano uli kapag naulan? So ang nagsisilbing bubong sa daan ay iyung pathway sa itaas na dinadaanan ng pasahero kapag sasakay ng barko papuntang Mindoro. At sa ganung taas, hindi nun mapoprotektahan ang pasahero sa malakas na bagsak ng ulan.
Sasaludo ako kung ang mga nakaupo sa magagarang opisina ay lalabas para payungan ang mga matatanda at bata na naglalakad at nababasa ng ulan pabalik sa mga sakayan ng jip/tricycle at sa lugar kung saan naghihintay ang mga sundo nila. PERO MALAKING EWAN KUNG KAYA NILANG GAWIN YAN. SUNTOK SA BUWAN!
Nasasabi ko ito dahil napakaraming beses ko na itong naranasan. Hindi pwede na maghintay sa barko hanggang tumigil ang ulan. Paaalisin at paaalisin ang pasahero para naman sa panibagong loading.
Kung makikita nyo ang puting bubong, yun naman ang WAITING AREA na nai-provide ng Batangas Port para naman sa mga naghihintay ng kanilang susunduin.
Pangalawang bagay na natin itong ipinananawagan. Una na yung MABAHONG DAANAN AT WAITING AREA na mukha namang nagawan na nila ng paraan dahil hindi na ganun katindi ang baho nung huling bumiyahe ako. Ngayon e eto naman sana ang inyong bigyang pansin.
TRIBU OCCIDENTAL MINDORO|Bubong Sa Waiting Area Ng Batangas Port August 6, 2017 Kung bibigyan mo ng marka ang pamunuan ng Batangas Port pagdating sa pagpapahalaga at pagmamalasakit sa mga pasahero na bumibyahe, ipagpalagay na 5 ang pinakamataas at 1 ang pinakamababa na marka, ano ang ibibigay mo?