YOURS TO POSSESS Naughty or Nice: A Collection of Red-Hot Christmas Stories - pre-orders Malia Ortega Nagulat ako talaga dito, kasi ang funny at easy ang delivery. Naloka ako sa unang ending kaya hanggang ngayon, binu-bully namin si Teddy tungkol dito. Naging mas mapagpatawad na siya sa ending nang sunod niyang story. Nyaha! Excerpt: “Sa may bahay ang aming awit… Merry Christmas ang aming bati…. Ang pag-ibig, ‘pag s’yang naghari… araw-araw ay magiging Pasko lagi!” Napangiti siya. Mukhang pinaghandaan ng mga bata ang pangangaroling, ah! Kumpleto sa improvised music instruments. At in fairness, magaganda ang mga boses! Magaan ang pakiramdam na dumukot siya sa bulsa ng shorts niya para sa kanyang coin purse. Pero pagbukas, napangiwi siya nang makitang limang piso at dalawang beinte singko ang tanging mga lamang barya. May mga singkwenta at ilang one hundred-peso bills. Alangang magbigay siya ng singkwenta pesos? Hindi siya rich ngayon. Magpa-Pasko na nga pero wala pa rin siyang trabaho. Iniabot ni Sandy ang limang piso sa pinaka-leader ng limang tsikiting. “Heto ang limang piso. Hati-hati kayo. Walang lamangan, ha?” Nagkatinginan ang mga bata na halatang mga nadismaya bago sumulyap sa malaking bahay sa likod ni Sandy. “O, bakit? May problema ba?” aniya. “Wala po!” sabay-sabay wika ng mga carolers. “May kanta pa po kami sa ‘yo, ate,” sabi ng isa sa mga bata. Touched siya sa narinig. At dahil doon ay dadagdagan niya ang limang piso. May mga baryang nakaipit sa ilalim ng figurine ni Mama Mary. Hindi naman magagalit ang poon kasi sa mga batang masisipag naman mapupunta iyon. “Sige nga,” todo ngiti niyang sabi. “Thank you! Thank you! Ang barat mo po – thank you!” kanta ng mga ito bago sabay-sabay nagtakbuhan. Masama ang loob na bumalik sa loob si Sandy, ngumunguto. Dadagdagan naman niya, eh. Nakakainis ang mga batang ‘yon, masyadong judgmental! https://www.instagram.com/p/Bwn2SMig_zD/?utm_source=ig_tumblr_share&igshid=1wqpk8igisqpm