macklin celebrini has autism

oozey mess
ojovivo

tannertan36
I'd rather be in outer space đž
RMH
hello vonnie
Mike Driver
tumblr dot com
Game of Thrones Daily
we're not kids anymore.
đ
Sweet Seals For You, Always
Keni

#extradirty
NASA
No title available
đ©” avery cochrane đ©”
let's talk about Bridgerton tea, my ask is open
YOU ARE THE REASON

seen from Austria
seen from United States
seen from Malaysia

seen from Germany
seen from United Arab Emirates
seen from United States

seen from United States
seen from Canada

seen from United States

seen from Malaysia
seen from United Kingdom
seen from Malaysia
seen from New Zealand

seen from Netherlands
seen from Ireland

seen from Singapore

seen from Germany

seen from United States
seen from United States

seen from Finland
@wndrlstx
I Admire People whoâs full of Wisdom
How do they do that? How can they be positive all the time? How does their brain work?
They resolve problem without overthinking too much. Theyâre so compose all the time and they wont even get upset even if the world throws ball at them, instead, they would just sit as if itâs nothing.
Thereâs not a problem that they could not find a solutionâ they take risk on everything even if its only 30%.
They view life differently as if they understand that people has their own world and we live separately from that. Theyâre sensitive but not sensitive. They just have these aura that youâll feel different from other people.
I know a few, they were my mentor and professors and as in theyâre so amazing! Whenever I talk to them I feel so blessed lol
I just received a Job Interview today (or tonight? lol its literally midnight) all I can say is Amen!
Gusto ko ng Magandang Trabaho
â âyung hindi lang âsapatâ ang kinikita kundi malaki at kayang makaipon upang mabili ang mga bagay na kahit hindi naman kailangan ay nagpapasaya sa akin.
Ayoko ng sapatâ ayoko ng kulang. Ayoko nang maranasan ang mga bagay na âyan. Kaya kahit mahirap, pinipilit ko ang sitwasyon, pinagdadasal ko na sana ay makiayon ang panahon.
Pagod na ako sa hirap. Kung sumpa pa man iyan, puputulin ko na.
Magandang trabaho. Magandang paligid. Mabait na katrabaho.
Is It Wrong to Want More?
What if Iâm going in the wrong direction?
Was there such thing as ârightâ or âwrongâ path? What if the world is giving me signs yet I refused to give in because I had this thing that you donât close door for just one room. The opportunity is there yet Iâm still searching for another. Is it wrong? Is it wrong to want more? To not be contented? Because what if there is something more beyond those walls? Iâm so confused with all the decisions Iâm making. I feel so stuck.
Whatâs 24 supposed to be like?
Iâm someone whoâs easy to be around, but difficult to truly know.
People probably see me as talkative, loud, sometimes masungit, maarte, or even intimidating. But those are just the layers I let people see first.
Underneath that, Iâm much more sensitive than I want others to know. Small things affect me more than people realize. I remember words, tone, little acts of kindness, and moments that other people have probably forgotten.
I care deeply about the people I love, but Iâm not always good at showing it with words. I show it through small gifts, remembering details, listening, and trying to make their lives a little easier.
I have a habit of carrying things on my own. Even when Iâm struggling, Iâd rather figure it out myself than feel like Iâm burdening someone else. I want people to know whatâs happening in my life, but not necessarily whatâs happening inside my heart.
I crave reassurance more than I admit. I want to know Iâm doing well, that Iâm enough, that the people I care about are proud of me. Sometimes I rely too much on other peopleâs opinions because my own is often the harshest.
I compare myself quietly. I donât want to be better than other peopleâI just wish I could become the version of myself I imagine in my head. Sometimes that gap makes me feel like Iâm falling behind.
I love deeply in theory, but vulnerability scares me. I dream about being loved for who I am, yet I also wonder if anyone would still choose me after seeing all the parts Iâm insecure about. So I keep some parts of myself hidden, even from the people closest to me.
I value loyalty, honesty, and genuine relationships. Once someone breaks my trust, itâs hard for me to look at them the same way again.
I overthink. I analyze myself constantly. Sometimes Iâm so busy trying to understand who I am that I forget to simply live.
But if thereâs one thing I know about myself, itâs this: I donât stop caring. Even when Iâm tired, disappointed, or questioning myself, I still want the people I love to be okay. I still hope for a meaningful life. I still keep trying, even if I donât always give myself credit for it.
Iâm not as strong as people think I am. But Iâm probably stronger than I give myself credit for.
someone who cares so deeply about becoming a person she can be proud of that she sometimes forgets sheâs already someone worth being proud of
TUMBLR SCAM: BE AWARE
Canât believe there are people who does this kind of scams here on tumblr. Be aware because tumblr donât even use third party account such discord. If someone tries to do this kind of tactic to you, block that account immediately or report it. ACCIDENTAL REPORT SCRIPT is so yesterday, shame on these scammers!
"Ano ang dream job mo?"
Wala. Wala akong maisagot sa tuwing may nagtatanong niyan. Paano ko nga naman sasagutin kung maging ang sarili ko ay hindi alam kung ano ang gustong gawin sa buhay? Nakakapagod ding mag-isip, lalo na kung paulit-ulit ngunit wala naman akong mahanap na sagot. O baka naman... wala talaga?
Marami akong gustong gawin at marami ring pangarap na lugar na gustong puntahan. Pangarap kong tumira sa ibang bansaâsa Switzerland, Turkey, London, o saanman sa Europa at Amerika. Gusto ko sa countryside, pero pwede rin sa siyudad. Nahahati kasi ang puso ko sa kapayapaan ng kalikasan at sa ganda ng mga ilaw sa lungsod. Ah basta, saan man diyanâpwede na akong humimlay.
Minsan nakakalito rin ang personalidad ko. May mga araw na gusto kong maging "sweet girl" o isang "ray of sunshine." Pero madalas, mas gusto ko ang "dark feminine" na aura. Ewan ko ba, hanggang ngayon ay may identity crisis pa rin ako. Kaya siguro hindi ko malaman kung ano ba talaga ang gusto ko; pakiramdam ko ay nasa akin ang problema.
Nakikita ko naman ang sarili ko bilang isang guro, pero hindi ko alam kung ito ba talaga ang gusto ko. Baka kasi wala lang akong choice kaya ito ang naiisip kong takbuhan. No choice na nga nang piliin ko ang kursong ito, pati ba naman ngayon, ganoon pa rin?
Sinubukan ko rin naman sa corporate job. Noong unang beses kong ma-interview, tatlong beses pa akong na-endorse sa ibaât ibang posisyon, pero sa huli ay "ligwak" pa rin. Ngayon, naghahanap ako ng trabaho. Pero paano ko ito mahahanap kung hindi ko rin alam kung ano ang aking hinahanap?
Ano nga ba ang dream job ko? Hindi ko alam...
Hindi na ako Bata, ano nang Pangarap Ko?
Wala
Wala akong pangarap sa buhayâ hindi katulad ng iba na may titulo na nakatali sa kanila. Kaya siguro kahit anong halughog ang gawin ko sa utak ko ay hindi ko maalala kung ano ang mga sinabi kong pangarap noong bata pa ako.
Marami akong kaibigan at marami din silang pangarap. Alam nila kung ano âyung gusto nilang gawin, alam nila kung saan sila nararapat, at higit sa lahat alam nila ang tatahakin nilang landas upang maabot âyon.
Pero ako,
Hindi ko alam kung anong gusto kong gawin sa buhay. Ilang motivational quotes, videos, at speech ang binasaât pinanood ko para pagaanin ang loob kong nalilito, pero hanggang ngayon bumabalik pa rin ako sa tanong na âAno bang gusto kong gawin? Anong bang pangarap ko?â.
Bukod sa magandang buhay at komportableng bahayâ ano ba ang pangarap ko?
Hirap na hirap akong humanap ng trabaho kasi tangina hindi ko alam kung anong gusto kong gawin. Hindi naman porket mahirap hindi na pwedeng magreklamo, hindi na pwedeng maging choosy. Tao ako, natural âyon.
Kaso naalala ko, nasa Pilipinas ako.
Hindi pwedeng nakasalalay sa âPangarap mong magingâ ang kaginhawaan ng buhay. Dahil kahit may pangarap ka, nasa kalahating porsyento lang ang success nito.
Wala akong pangarap, walang generational wealth, walang pera, at lalong walang back up kapag natalo. Walang sasalo kapag nabigo.
Kaya nga ang motto ko ay âTake the Risk or Lose the Chanceâ, sige lang ng sige kasi baka mag work diba? Kasi kung hindiâ baka hindi para sa akin. Nakakatawa kasi; ano bang para saakin? Kaya nga kahit hindi ko aminin, kahit itago koâ takot ako sa Rejection.
Isampal mo sa akin ang totoo, âyan ang sinasabi ko. Ang hindi nila alam, iniiyakan ko âyan.
Hindi na ako bata pero okay lang naman siguro na hanggang ngayon ay wala pa rin akong pangarap.
Sanay ako sa Sigawan, peroâŠ
Lumaki ako sa bahay na maingay. Sa lugar na puro ingay. Sa umaga, gigisingin ka ng tilaok ng manok, tahol ng mga aso, at boses ng magtataho. Susundan ito ng malakas na tunog ng speaker ng nagtitinda ng Malunggay Pandesal, ang kaluskos ng walis tingting sa labas, boses ng mga kapitbahay, at ugong ng mga motor. Pagdating naman ng hapon, maririnig ang ingay ng mga bata sa labas na naghahabulan at nagsisigawan, kasabay ng boses ng mga nangangalakal at naglalako. Sa gabi, ang maingay na aso ng kapitbahay ay sasabayan pa ng sarili naming alagang aso.
Ganyan na ang kinagisnan kong buhayâang maingay.
Pero sa loob ng bahay, may dalawang klaseng ingay akong gusto at hindi gusto. Iyon ay ang ingay ng halakhakan, tawanan, at asaran sa tuwing nagsasama-sama sa hapunan, o di kaya'y kapag nagkakaharap-harap langâito kasing klase ng ingay ang pinakapaborito ko.
Pero bakit ganoon? Wala pang isang oras ay napapalitan agad ito ng sigawan, labasan ng sama ng loob, at problema.
Normal lang naman âyon, alam ko.
Pero kung tatanungin ako, kung may choice man ako, ayoko na pala ng bahay na may sigawan.
Sigawan ng mga magulang na hindi magkasundo-sundo sa isang bagayâsa isang desisyon.
Sigawan dahil isa lang ang kumikilos...
Sigawan dahil wala nang maisip na dahilan para manatiling kalmado.
Na kahit sa isang maliit na bagay ay palagi pa rin may kasamang sigawan at pagtatalo.
Sanay ako sa sigawan, pero umiiyak pa rin ako kapag sinisigawan ako ng kahit sino.
Kasi, hindi naman ibig sabihin na sanay ay hindi na nasasaktan. Manhid lang siguro ang labas, pero ang loob ay nananatiling sugatan.
Gusto Ko ang Bahay Na Komportable
Okay lang kahit may sigawan, may pagtatalo, o kahit may madalas na tampuhanâ wag lang muli maranasan ang buhay na misirableâ o ang pakiramdam na walang wala.
Nakakapanghina
Ibat-ibang laban sa buhay ang kinahaharap ng bawat pamilyaâ maging ng isang indibidwal. Yung iba problema sa pera, sa pamilya, sa anak, âyung iba naman ay sa kamag-anak. Pero âyung iba, sa kasamaang palad; ang lahat ng yan ay nararanasan.
Wala na sigurong sasaklap pa kapag lahat ng âyan ay nararanasan ng isang tao, ano?
Isang kahig, isang tuka lang din naman kami. May tindahan naman pero hindi umaabot sa limang daan ang isang araw. Kung paminsan pa nga ay wala talaga.
Kaya kapag walang kitaâ kapiranggot na lutong ulam na nabibili lang sa palengke ang pagkakasyahin ng anim na ka-tao, damay pati mga alagang aso.
Hindi ko alam pero natatawa ako dahil isa kami sa mga nagbalak na magbukas ng sari-sari storeâ na wala pang kalahating taon ay nagsarado kaagad. Noong una sunod-sunod ang bumibili hanggang sa naging bilang na lang sila sa daliri. Paano ba naman, ano pa ang mabibili kung wala ng paninda?
Pito kami pero yung isa nakalaya na. May sarili ng buhay. Tumutulong naman, pero paano siya? Paano siya makaka-ipon kung palaging may extra baggage siyang kailangang isalba?
Pakiramdam ko nga, madalas, ang lupit ng buhay na mayroon ako. Gusto ko na rin talagang makalaya, pero hindi pa ako handa. Hindi ko talaga alam kung anong gagawin. Kung may magtatanong man kung ano ba talaga ang gusto kong gawin sa buhayâ ang automatic na sagot ko ay, âhindi ko alam,â kasi wala naman talagaâbukod sa pagsusulat ng mga storyang ni minsan ay hindi umaabot sa sampong kabanata.
Tuwing iniisip ko kung ano ba ang pangarap ko noâng bata ako ay hindi ko talaga matandaan. Siguro ay dahil wala naman talaga. Ang naaalala ko lang ay kung paano ko ubusin ang buong araw sa pag-babasa.
Kung tutuusin ay malayo na ang narating ko pero hanggang ngayon ay wala parin ako sa patutunguhan ko. Ilang mapa na ba ang nagawa ko? Ngunit hanggang ngayon ay parang naliligaw pa rin ako.
Ang gusto ko lang talaga ay makalayo.
Nasasaktan ako sa iniisip ko. Ang kapal ng mukha ko siguro pero nung narasan ko ang maging malaya, kahit pa ilang sandali lang iyon ay nakahinga ako ng maluwag.
Nakakaiyak pero, ang kalayaan na âyon ay ang kalayuan sa pamilya.
Kaya kung may magtatanong man saakin kung anong klaseng buhay ang pangarap koâ Bahay na Komportable.
Bahay na hindi kailangan mag-ingat sa bawat galaw dahil may nakabantay.
Bahay na hindi limitado ang kilos.
Bahay na walang ilangan.
Bahay na walang pagdadamot at sumbatan.
Bahay na ang sariling pamilya mo lang ang nakatira.
Bahay na hindi mo kailangang magtiis sa gutom o palipasin ang cravingsâ dahil hindi pa kayang bilhin.
Bahay na walang pagkukumahog sa tuwing kumakatok ang bill ng kuryenteât sumisigaw na puputulan na dahil hindi pa nakakabayad sa nakalipas na buwan.
Bahay na upgraded; walang butas ang bubong, hindi sira ang kisame, maayos ang sahig, ang dingding ay hindi kupas at hindi madumi ang pintura.
Bahay na kailanman ay hindi mo kailangang takasanâ hindi dahil sa hindi ito komportableng tirhanâ kundi, panatag ang loob mo rito, sa mga taong nakatira, sa mga mahal mo sa buhay na nagpapagaan sa mabigat mong kalooban.
Kung bibigyan man ako ng pagkakataon,
Ito ang bahay na nais ko para sa susunod kong buhay.
Hindi para sa pamilyang bubuohin koâ o para sa mga anak ko sa hinaharap.
Gusto ko ay maranasan muna ng sarili ko ang lahat ng iyonâ lalo na kung paano mamuhay sa isang komportableng bahayâ para sa batang ako, para sa mga nais niya noon na nilimot na ng panahon.
I miss writing.
I miss everything about writing. How come I once had a skill writing a poetry, life, and a deeper level of expressing my emotionâ that I couldnât voice out.
I had this thing where I blame the Covid-19 Pandemic for taking away the skills that I had; Interpersonal and the ability to communicate with doze of wisdom. How come writing also became too difficult for me to do?
I donât miss my old self, however, the things I can do that now I canât, makes me want to go back to the old time.
Re-reading my blogs from the previous years makes me really sad. I am no longer that person who writes with substance, with motivation, with heart. Now, writing this seems too plain and casual.
Masaya sa Sitio Malaya
Sa lungsod ng Dasmariñas, may isang baranggay kung saan siksikan ang mga kabahayan, makipot ang daan, at maingay ang paligid. May mga pagkakataon na maririndi ka sa hiyaw ng mag-asawang nag aaway, mga nag-iinumang tambay, sabayan pa ng mga nagkakaraoke na hindi sabay sa tono at sablay sa pag-abot ng nota.
Sa baranggay na iyon, duon ako nagkaroon ng muwang sa aking kapaligiran. Mahirap ang buhay sa lugar na iyon, isang kayod at tuka. Kung wala kang lakas na loob para sabayan ang agos ng buhay, tiyak na malulunod ka. Madalas akong magbalik tanaw sa buhay na kinagisnan ko noon nuong akoây musmos palamang, bago pa man ako makarating sa buhay na tinatamasa ko ngayon.
Hindi pala biro ang maging bata na maagang namulat sa kahirapan ng buhay. Isang beses nasaksihan kong tumangis ang aking ina, iniisip kung paano niya na naman mairaraos ang âbukasâ na nakaabang. Tila ba pinupukpok ang kanyang ulo sapagkat hindi niya mapigilang mapasabunot sa sa sakit na nararamdaman nito. Mabigat ang aking loob, patay malisyang sinasambit ang âmama, tulog na tayoâ kahit pa ang sikmura koây tila nagtatambol sa gutom.
Sa gabi, ilang oras na nakapikit dahil hindi makatulog sa init, siksikan pa sa banig. Hindi ka makakatulog dahil sa maingay na paligid, maririnig mo ang kuliglig, tunog ng orasan, mga kuskus sa dingding, maging ang mga pusa na naghahabulan sa bubungan. Sasamahan pa ng lasinggerong kapit bahay na tila naghahamon ng away sa hangin.
Sa umaga, nagsisilbing taga pukaw saamin ang tilaok ng manok. Malamig na ang umaga, bandang alaâsais. Babangon ang aking ina, bibili ng tinapay at peanut butter na paborito naming umagahan. Sawsaw sa kape at solve na kami.
Simple lang ang buhay sa lugar na iyon, mahirap ngunit masaya. Duon ko natutunan ang maging praktikal sa buhay, na hindi mahalaga ang materyal na bagay kung hindi mo naman ito kailangan upang mabuhay. Isa ako sa mga nanirahan sa sitio Malaya, tanda ko, mahilig akong tumakas sa aming munting bahay upang makipaghabulan sa kalabaw kasama ang aking mga kaibigan, mang huli ng mga alitaptap, at magtampisaw sa putikan. At pagpatak ng alaâsinko ng hapon, nakaabang na ang aking ina na may hawak na hanger habang nakapamewang.
Can you love a person and hate them at the same time?
That no matter how you love themâ their behavior and how they thinkâ makes you hate them.
That not matter how they show effortâ you just canât seem to appreciate it because their multiple and repeated mistakes makes it useless.
No Tittle
First
Often times, all the memories of the past,
The time spend over lazy days and lonely night,
Sweet jokes, little efforts, and picture sent,
- It keeps coming at the back of my mind.
And I wonder if after all these years,
Does those memories gives you glimpse of how
happiness was once brought to you.
Not just often i ask myself if by any chance did I
made your heart beats fast.
Youâve been on my mind for so long,
but it doesnât affect my heart anymore, I miss you.
Second
For the longest time, consistency was your way
through my heart.
You did your best, but i guess it was me.
All along Iâm the problem.
It did not work because i never gave you a chance.
The idea of being chase, pursue, and being
appreciated-It obsess me.
I was not ready, and i know the idea of us is
impossible.
You were good to me, thank you.