How do you tell someone you don’t love them anymore?
Mahirap.
Promise, mahirap.
Lalo na pag alam mong, sobrang tama ng tao para sayo.
Kaya mahirap.
Lalo na, pag alam mong, it’s the right time and the right moment.
Tangina, mahirap.
Halos araw araw kinakain ka ng konsensya.
Sa bawat araw na di mo masabing, “mahal kita.”
Sa bawat araw na, dinededma mo nalang.
Oo. Mahirap.
Yun hindi mo kayang bitawan.
Hindi mo kayang pakawalan.
Ang duwag. Sobrang duwag.
Araw araw kailangan mong ngumiti.
Araw araw kailangan mong tanggapin.
Araw araw kailangan mong mag panggap.
Na oo, mahal mo pa talaga.
Pero ano, masaya pa ba?










