Mt. Daraitan sa Tag-Ulan!
Minsan gusto ko magalit sa universe kung bakit ba nitong nakaraang hikes ko ay lagi akong inaabutan ng ulan. I mean, oo malamig, mas hindi mo dama ang pagod pero kulang na lang ay gawin akong brand ambassador ng breeze kasi lagi akong #SigeSaMantya dahil sa putik. Wala naman akong balat sa pwet. Wala din sa itlog. Kahit i-check niyo man guys, wala talaga. De joke, wag niyo icheck conservative ako AWOW.
Pero umulan man o bumagyo, ang koya niyo sige lang ng sige. Heart breaks nga strong ako, sa acads hindi nagpapapigil, sa kama ummm matibay unan lang ang malambot kaya sige lang more more akyat ang atupag ko. At ang unang hike ko (na umulan nanaman) sa taong 2018, ay sa Mt. Daraitaaaaaaan!
(Actually, di naman ito ang daraitan. Katabing bundok siya, di ako nakakuha ng matinong pictures kasi nga maulan AF)
So sa mga di nakakaalam at lalong di niyo rin naman tinatanong, ang Mt. Daraitan ay nasa Rizal mga ilang kembot lag sa kamaynilaan. Matagal na âtong sikat kasi easy climb lang naman siya tipong karating namin sa summit, may mga zumba titas ganon. Diba next level na sila! Why nga naman stop sa zumba lang when you can hike sabay zumba (And why am I so conyo Iâm not mayaman naman HAHA).
Joke, may picture pala kami ng Daraitan! Kita niyo yung tinuturo namin? Yun yung summit na inakyat namin. Pero teka wait, parang iba iba ang tinuturo namin HAHAHA so yung tinuturo na lang ni Angel (yung ati sa side) ang bundok talaga. Hindi ko pala kilala talaga ang mga kasama ko, mga co-joiners ko sila. Wow co-joiners pwede namang saling ketket lang.
Me doing the âWALANG CLEARINGâ pose.
Sabi kasi nila, ang mountain weather unpredictable daw talaga. Minsan maaraw sa baba, yun pala magiging maulan sa taas. At minsan maulan sa baba (wet sa baba hihi) pero maaraw naman sa itaas. Shet, ang gulo no? Parang feelings. AYYYY!
Pwede ka ding maginarte tulad ko na more more kunware nagstrustruggle is real pero naidaan lang sa anggulo ang pagpuputok ng gastrocnemius ko para #fit #pamacho #pasimflex #hita-at-paa-pinag-isa-na-sa-mang-inasal WHAAAAAT
Or simpleng ganito lang na kunware ang bait bat kong tao. DIBAAAA may re-puta-syon na prinoprotektahan lang!
Bukod sa bundok, may cave din na pwedeng puntahan at ang Tinipak River kung saan pwede kang magswim kung gusto mo. Syempre, dahil pabibo ang koya niyo, pinasok ko lahat. Pati kweba pinasok ko IYKWIM. WHAAAAAAAAT!
(Hi crush sana cellphone ka na lang para ano ka sa ano hihi joooooke)
Sa totoo lang, madami ding pumupunta para magswimming sa Tinipak. As in madami. Kasi nga naman, bat kapa magpapakahirap umakyat ng bundok diba? Doon tayo sa logical WHAAAAT
Ang problema lang with Daraitan is madaming umaakyat talaga pero kung Weekdas a pupunta, hindi ka magaantay tulad namin sa labas ng turn para pumasok sa kweba. 15 mins lang ang allotted time per group at dapat may pa-ilaw ka or else lalamunin ka diretsong im im impyerno este ng dilim. Better safe than sorry nga naman diba?
At sa loob ng kweba ay may.... TADAAAAA Â ahmmm actually di ko alam ang tawag? Water source??? Pond???? Indoor natural pool???? Shet di kasi ako gising noong earth science.. Â Basta liguan kung saan sorang lamig ng tubig tapos ansarap maghubad kasi madilim JOKE
Sana sa susunod na akyat ko ng bundok, maaraw naman. Gusto ko din makakita ng view na maganda na may ulap at kulay green ang paligid (Or san sa palayan ako nagpunta ano HAHA). Ano ba kasing sumpa ang meron ako? BAKIT AKOOOOOO. Di ba pwedeng yung mataba ako combo with walang lang love life ay sapat na?! Kelangan pati hobbies ko pinahihimasukan??? WHYYY UNIVERSE WHYYYY
Hanggang sa susunod!
Nagmumura,
V










