Ano ang iyong sariling pagpapakahulugan sa pagbabago (change) at pagkilos (action)? Ipaliwanag ang iyong sagot.
Sa paanong paraan naging malinaw ang konsepto ng IDU sa iyo? Anu-ano ang mga nakatulong sa iyo para lalo mong maunawaan ang mga konsepto o kaisipang ito?
Bigyan mo ng puna o komento ang mga naging gawain ng klase at pangkat. Alin sa mga ito ang nagustuhan mo at alin sa mga ito ang dapat pagbutihin sa susunod.
Sa iyong palagay, sa anu-anong sitwasyon mo magagamit ang iyong natutunan sa gawain ng IDU?
Para sa akin, ang pagbabago ay isang personal na paniniwala sa paggawa ng tama. Sa aking maliit na paraan, ang pagbabago ay makakamit kung ako ay isang mabuting miyembro ng aking komunidad (ang Beacon Academy) at ang aking lipunan. Maari akong maging mabuting miyembro ng Beacon Academy sa pamamagitan ng pagiging serioso sa pagaaral, mabuting kaibigan, at aktibo sa mga aktibidad sa paaralan.
Sa aking palagay, hindi kailangan na maging isang aktibista sa kalsada upang magkaraon ng mabuting pagbabago. Sa akin, ang mabuting pagbabago ay na makakamit kung bawat isang miyembro may pagnanais at kanyang-kanyang kontribusyon sa kabutihan ng komunidad.
Sa aking panood ng pelikulang Sister Stella L., naunawaan ko ang pakikibaka, kahirapan, at kakulangan ng katarungan ng mga ordinaryong manggawa sa pabrika. Bago ako nanood ng pelikula, akala ko na ang mga tao ay may katarungan at ang manggagawa ay binabayaran ng sapat na sahod at kapapangalagaan ang kanilang mga karapatan. Ako pala ay nagkamali. Sa tunay na buhay, marami pala ay naaapi at nasasamantalang dahil sila ay mahirap at walang boses sa lipunan.
Dahil sa aming pananaliksik bilang isang grupo, luminaw and konsepto ng IDU sa akin. Ang aming grupo ay magkaisang nagdesisyon na ang aming tatalakayin ay ang isyu ng pagmina ng karbon sa Pilipinas. Pinagbigyan taon namin ang mga negatibong epekto ng pagmina sa kalikasan at sa mga buhay ng mga tao. Ang mga maliliit na minahan ay mapangsamantala sa mga trabahador sa pamamagitan ng pagbayad ng maliit / hindi sapat na sahod. Ang mga trabahador ay napipilitan magtrabaho sa mga mapeligrong kondisyon na walang tamang kagamitan para sa kanilang kaligtasan. Dahil dito, ang mga manggagawa ay napagsasamantalahan dahil sa kanilang kahirapan. Ang kalikasan ay nasisira dahil sa pagputol ng mga punong kahoy at ang pagtapon ng mga basura ng pagmina sa kapaligiran.
Naatasan kami sa IDU na ito na maipahayag ang kahirapan, ang kakulangan ng katarungan at ang pakikibaka ng mga Pilipino sa kanilang buhay dito sa Pilipinas. Pinili ng aming grupo na gumawa ng isang kanta tungkol sa pagmimina ng karbon. Ang ibang grupo naman ay pinili ang paksa ng EJK, kahirapan, atbp.. Ako ay natuwa sa grupo nina Marc, Andres, Blaine at Santi. Mahusay nilang naipakita ang pagkawala ng katarungan ng EJK sa pamamagitan ng isang rap song. Naitukoy nila ang pagkawala ng katarungan dahil sa walang pusong pagpaslang ng mga hinalang adik pati na din ang mga bata. Naipakita din nila ang mga mukha at pangalan ng mga pinatay na bata. Matindi ang epekto nito sa akin. Naramdaman ko ang pagsawalang pagpapahalaga ng mga pulis sa buhay ng mga Pilipino. Nabuo ang aking paniniwala na dapat matigil na ang EJK.
Ang IDU na ito ay nagturo sa akin na ang mga suliranin ng komunidad ay maaring mabigyan solusyon sa ibat-ibang paraan. Bilang miyembro ng kabataan, mahalagang maintindihan ko ang mga isyu sa ating lipunan. Ang aking pagkakaintindi ay dapat kong ipamahagi sa aking mga kaibigan at pamilya. Mayroon din akong responsibilidad na maging isang mahusay na miyembro ng aking komunidad na matulungin sa kapwa at may pagmamalasakit sa kabutihan ng karamihan. Ang pagkakainitndi at ang pagmamalasakit sa kapwa ay ang magbibigay inspirasyon sa akin na patuloy na pag-aralan ang mga problema sa lipunan at maging bahagi sa mga solusyon kapag ako ay nagtratrabaho o may sariling negosyo.
Pumili ng dalawang linyang sinabi ng isa sa mga tauhan sa kwento at ipaliwanag ang iyong pagkakaintindi. Ipaliwanag mo rin kung bakit mo ito napili.
Sa huling bahagi ng pelikula, nagsalita si Sister Stella Legaspi ng sumusunod na linya: “Narito na ako ngayon, sa gitna ng pangyayari. May konting nadagdag sa kaalaman at pag-unawa, pero patuloy na nagaaral at natututo. Hindi na nanonood na lamang. Kundi nakikiisa sa pagdurusa ng mga hindi makaimik. Nakikiisa sa paglaban ng nagdurusa. Tumutulong sa abot ng aking makakaya.”
Inulit rin ni Sister Stella L. ang sinabi ni Ka Dencio na “Kung hindi tayo kikilos, sino ang kikilos? Kung hindi ngayon, kailan pa?”
Napili ko ang sinabi ni Sister Stella L. dahil para sa akin, napakahalaga ng kanyang sinabi. Natauhan ako sa pangangailangan na tayong lahat ay may pananagutan na manindigan para sa katarungan kahit na ito ay mapanganib at mahirap. Ang tunay na pagbabago ay makakamit kung ang bawat isa ay may taya at may tunay na pagnanais para sa kabutihan ng karamihan. Hindi lang sapat kung may kaalaman tungkol sa situasyon. Kailangan meron din kasabay na aksyon.
Magsaliksik kung kailan at anong bahagi sa kasaysayan, ginusto ng mga tao ng mga pagbabago sa kanilang mga nakasanayan. Alamin ding kung kailan nagkaroon ng matibay na konsepto ang mga tao tungkol pagmamahal sa bayan. Pwede mong gamiting halimbawa ang nakita mo sa pelikulang Sister Stella L.
Noong panahon ng Batas Militar, nawalaan ng kalayaan ang mga taong bayan na magpahayag ng kanilang pananaw, damdamin, at opinyon lalo na kung ito ay tungkol sa pamahalaan ng pangulong Marcos. Marami ay nakulong katulad ni Ninoy Aquino dahil sa kanilang katapangan na ipahiwatig ang kanilang laban sa katiwalian at opresyon, pangmamalabis at kawalan ng hustisya ng mga Pilipino.
Dating pangulo Ferdinand Marcos
Noong 1986, magkatapos ng mahigit na dalawampung taon ng Batas Militar, ang mga karaniwang Pilipino ay nagpahiwatig ng kanilang pananais ng pagbabago sa pamamagitan ng pagprotesta sa EDSA. Hindi sila natakot na masagasaan ng mga tangke o mabaril ng mga subdalo dahil sila ay naniniwala sa kabutihan ng kanilang ginagawa. Sila ay naniniwala na kailangan nan g pagbabago sa lipunan at kailangan na rin maalis ang mga taong makatiwalian at mapang-abuso sa pamahalaan.
EDSA Revolution
Makikita ang ganitong situasyon sa pelikulang Sister Stella L.. Katulad ng mga karaniwang Pilipino, ang mga madre ay walang kapangyarihan at walang mataas na posisyon sa gobyerno. Subalit, sila ay naglakas-loob at nakibaka sa pamamagitan ng pagsuporta sa welga ng mga manggagawa. Kahit na mapanganib ang situasyon ng mga nagwewelga (sa pelikula, si Ka Dencio, ang pangulo ng union ng manggagawa ay pinatay dahil sa kanyang paninindigan) sila ay nagpatuloy ng kanilang laban para sa karapatan ng mga manggagawa.
Sister Stella Legaspi sa pelikulang “Sister Stella L.”
Anu-ano ang mga nakita mo sa iyong pagtira sa Pilipinas. Ikwento mo gamit ang mga larawan? Pwedeng tungkol sa paniniwala at tradisyon (customs and traditions), mga tao at kanilang pag-uugali (people and their attitudes), kakaiba sa lugar o sa mga tao (uniqueness of the place and/or people) at iba pa.
Pansinin mo kung may nakikita kang kahulugan (meaning) o ayos (pattern) sa iyong nakita. Ipaliwanag (explain) mo ito.
Boracay, isa sa mga pinakamagandang dalampasigan sa buong mundo
Ang Pilipinas ay isang magandang bansa na puno ng likas kayamanan at kagandahan. Sikat na sikat tayo sa ating mga dalampasigan, ang Rice Terraces sa Banaue, ang Chocolate Hills sa Bohol, ang Mayon Volcano sa Bicol, at marami pang ibang magandang lugar. Sinasabi na ang ating bansa ay isa sa mga umuunlad sa South East Asia.
Banaue Rice Terraces, kilala bilang “Eighth Wonder of the Word”
Chocolate Hills sa Bohol
Mayon Volcano
Tayo rin ay maraming problema tungkol ng trapiko sa mga langsangan, polusyon, skwatter, kahirapan, krimen, katiwalian sa gobyerno, atbp..
Metro Maynila
Subalit, naobserbahan ko na kahit mahirap ang buhay dito at puno ito ng hamon sa ating bansa, mayroon pa ring pag-asa sa puso ng Pilipino na dadating ang panahoon na giginhawa din ang buhay dito sa Pilipinas. Nakikita ko ang mga batang langsangan na halos walang damit, walang tsinelas, walang makain subalit busog sila sa kakatawa at matamis na ngiti. Nakakapagtaka ito para sa akin, at ako rin, kahit napakaraming summative na kailangan kong gawin ay nakakangiti pa rin at nakakasabi na ang buhay ay masaya at mabuti.
Ayon kay Dharel Placido ng ABS-CBN News, ang Pilipinas ay ang ikatatlong pinakamasayang bayan sa buong mundo base sa mga resulto ng Annual Global End of the Year Survey ng Gallup International organization.
Part 2: Ang pakikibaka sa pakikipagkaibigan sa loob ng paaralan
Katulad ng lahat ng mga eskwelahan o opisina, ang mga kabataan sa high school ay may mga barkada o cliques. Minsan, mahirap makahanap ng grupo na tumatanggap sa iyo bilang indibiduwal. Para sa ibang tao, madali and natural ang pakikipagkaibigan at sa iba naman, masmahirap ito at minsan sila ay nasasaktan bago makahanap ng totoong kaibigan. Sa maliit na high school katulad ng Beacon, sa umpisa, naging takot ako pakikipagkaibigan sa mga estudyanteng hindi ko kilala o nasa masmataas na baitang. Sa wakas, pinagtagumpayan ko ang aking takot sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa iba at sa pagiging mas bukas.
Ang high school ay isang panahon ng pagbabago. Maraming bahagi ng buhay ng kabataan ay bumabago - minsan para sa ikabuti o ikasasama. Sa kabutihang-palad mayroon tayong mga kaibigan na matapat at sumusuporta sa atin kapag may problema.
Part 1: Ang pakikibaka sa paaralan upang makakuha ng magandang marka
Maraming sakripisyo ay nasa buhay ng mga estudyante; ailangan nating kumuha ng mataas na marka sa klase, kailangan nating maging mabuting anak at kaibigan, kailangan nating maging mahusay at matapat. Para sa akin, isang mahalagang pakikibaka sa buhay ko bilang estudyante ay ang pagkukuha ng magandang marka. Kailangan may pokus kapag gumagawa ng trabaho at limitahan ang mga paggambala katulad ng pagnood ng video o paggamit ng social media. Kapag may malaking proyektong pang grupo, napakaimportante ang paggagamit ng mahusay na komunikasyon at organisasyon. Kailangan hatiin ang trabaho ng mabuti at maunawaan ng lahat ng miyembro ng grupo ang iba’t ibang bahagi ng trabaho. Minsan, nahihirapan ako sa pag-pokus sa mga gawain na kailangan kong tapusin dahil sa napakaraming paggambala sa Internet katulad ng Facebook at Youtube. Nahihirapan rin ako sa paggamit ng kominikasyon kapag nagtatrabaho sa isang grupo; minsan hindi klaro ang kailangan gawin at dahil dito nalilito ang lahat ng mga miyembro.