Hindi na tulad ng dati.
Dati kapag nasasaktan ako: Hindi ako makakain, hindi ako makatulog, hindi ako makapirmi sa isang bagay. Balisa ako, nagiging mainitin ang ulo, umiiyak sa gabi at laging hinihintay ang mga text at tawag mo.
Ngayon: Kapag nasasaktan ako, wala na akong luha na mailabas. Sanay na ako sa ganitong pakiramdam. Hindi na ako yung naghahabol at namamalimos ng atensyon. Masakit pero nasanay na ako na wala ka.











