A KalyeSerye-inspired Poem by boyhugot83
Linggo na kung Linggo. Kaysa makalimutan ko ang dapat na sasabihin ko. Sa kabila ng kanilang aktingan at tambalan Ay ‘wag nating kalimutan ang mga kahalagahan. Kahalagan ng pagsunod sa pangako, Na dapat 'di napapako. Ang kahalagahan, iyon ay respeto, Sa mga matatanda man, maski narin sa babaeng mahal mo. Ang kahalagang di lang pagrespeto sa matanda o sa isang, simpleng salita, Kundi, pati narin sa mga bilin na ginagawa, At patuloy na nirerespeto, mula pa noong panahon nila. Ako'y natutuwa na may ganitong programa. Programa na hindi patungkol sa landian, Kundi sa isang pag-iibigan. Pag-iibigan ng dalawang kabataan, Na pang-matagalan, At isang pag-iibigan na hindi kailangan ng madalian. Lahat ng bagay, may tamang panahon. Subukan mong maghintay, darating at darating 'yon. Kayong mga kabataan, huwag magmadali. Aklat at kwaderno muna, bago mga lalaki. Congratulations, Eat Bulaga! Hindi lang kayo nakakapagpasaya, Kundi, nagbibigay-aral sa mga bata, Na ang pag-ibig ay darating sa tamang panahon, 'di ho ba? Nakakatuwa at nakakatawa, Si Meng man o si Den, Maski narin si Nidora. Ipagpatuloy nyo ang ganyang programa, Eat Bulaga!











