Everything happens unexpectedly, the moment you came into my life.
It was my first job everrr! YES! I met you there, the bully absenero, pinaka-walang sense na taong nakilala ko in my whole entire life! The person I first hated in that environment dahil duhh grabe wala respeto bai! He became my ka shift, we have the same shift, and siya palagi kong kasama during my apprentice term in that company.
Palaging pa-cover, di nag o-OT kahit baguhan palang ako at di ako pwedeng mag-isa dahil kailangan pa kong i-train pero wala may sarili siyang rules eh. Boss yan? Lol. But honestly during my first day, wala siya dahil naka-leave nga siya! And the impressions that I heard was “nako, be ready mga bully tao dito lalo na si Benz make sure di ka iyakin!!” “nako abangan mo si Benz lagot ka dun, lahat ng nagiging apprentice dito binubully non.” in the back of my mind “weh? talaga ba? tignan lang natin kung umubra sya” pero sa isip isip ko din kinakabahan din ako kasi baka naman nga.
Then after five days or four, pumasok na siya and wow sobrang tahimik at parang sobrang bait! Wow, di ko alam kung exaggerated lang mag-kwento mga tao dito or bully talaga to pero honestly sa una ang bait-bait niya hanggang sa binabara niya na ko and luh di ako nagpapatalo kasi binabara ko din siya ng mas malala!
May girlfriend siya ng mga panahong yan samantalang ako young, dumb and broke, joke! Syempre etong si mokong napaka-bait nyan pag magpapa-cover, lalo na nung birthday niya! Pumayag ako tapos binati ko pa sya pero nung birthday ko, wala man lang pabati si mokong!!! Hanggang sa end of August nagsimula na kaming maging-close at mag open up ng mga hinanakit sa buhay at mga problemang lovelife, hanggang sa di ko namalayan na kinukwento ko na lahat lahat ng mga masasakit na part na nangyari sa buhay ko at dun kami nagsimula maging comfortable sa isa’t isa.
Naalala ko nung namatay si Lolo, sobra yung comfort at attention yung natanggap ko sakanya. Dun talaga naging sobrang close kami at as in grabe kami mag gaspangan at magkulusan hanggang na feel ko na dahan dahan na siyang bumabait talaga sakin, yung every shift na nagkakaroon kami ng lapse or kami magkashift lagi nagdadala ng foods at lagi may pa chocolate pero promise wala lang sakin yun kasi feeling ko boy bestfriend ko siya, close lang kami at generous lang talaga siyang tao. Every magkikita kami walang palya laging maypa-foods at chocolate si loki! Hindi talaga ko nag aassume or nageexpect ng kung ano kasi feel ko na ganun din naman siya sa iba,
But everything changed nung tinext ako ng ex nya na about sa closeness namin blah blah! Iniwasan ko siya kahit wala naman dapat kaiwas-iwas since friends lang naman kami with good understandings at nasasabayan ang trip ng isa’t isa but whatever i don’t want to see a bothered girlfriend because of someone very close to her boyfriend, dibuh?
Isang buwan kami naging mailap sa isa’t isa at sinasadya niya talagang di mag OT mga ganyan ganyang bagay. Sobrang naging awkward kami sa isa’t isa hanggang sa nakasanayan ko nalang din na hindi na kami tulad noon.
Hanggang sa mejo naging okay okay kasi nagkaproblema sila ng girlfriend nya kaya eto ako at yung isa pa naming friend na girl din, comfort namin siya kasi sobrang complicated na daw ng relationship nila and so on and so forth. Mejo naging close ulit... hanggang sa may planned birthday surprise para sa ka-workmate namin hanggang sa nag-communicate na kami ulit lagi kasi nagtatanungan kami kung ano magandang gift ganyan, ganito. Mga problema niya, problema ko. Eto yung time na malapit na ko ma-endo sa work, daming plans na before ako ma endo mag hangout kami sa bahay or mag-iinom ganyan but unexpectedly yun nga may pa-birthday surprise and both kaming kasama with other workmates. Sobrang daming nangyari before yung birthday surprise dahil nag sick leave nga ako dahil bermonths na atake nanaman ang pangmalakasang ubo at sipon samahan pa ng lagnat pero kahit na may sakit ako sumama ko from Binan to Pila, Laguna mga bes! Napaka-layo but no regrets because I enjoyed that day.
Nung papunta kaming Pila parang wala lang mejo sad and hassle kasi sobrang layo talaga at first time lang namin dun! But nung andun na kami sobrang fresh lang,chill lang, daming foods kahit may sakit ako at nag memeds ako ng pang malakasan, shot shot pa din si ate gurl mo dahil last ko na yun eh haha minsanan lang kaya go lang! Napaka-daming nangyaring unforgettable moments nung araw na to. Bonding kasama mga workmates, hanggang sa something creepy happened and nag-decide na itigil na ang inuman dahil sobrang creepy talaga! Hanggang sa nasa taas na lahat, andaming eksena dahil umiyak si kuya mo Benz dahil nag-away sila ng GF niya at nakipag-break daw sakanya so kahit tapos na ang inuman nag decide kaming tatlo na magkakasama sa kwarto na uminom ulit pero langya!!! AKO LANG NALASING BOI!!!! AND GUESS WHAT ANONG SINABI KO KAY BENZ?????? based lang to sa kwento nila pero di ko talaga maalala na sinabi kong “HOYYY ANO BA TALAGA TAYO, ANO BA MERON SATIN HA.” shuuuukta! can’t believe na sinabi ko yon, like omggg i kennaat remember talaga!
abangan sa next post ko yung susunod na nangyari.. ano reaction ni Benz? nagkabalikan ba sila ng gf nya? Ano nangyari kinabukasan? ANYAREEE HAAA









