Marami ang naka-relate sa kantang Paubaya ni Moira Dela Torre lalo na yaong mga magkasintahang naghiwalay dahil may iba na nakisali sa kanilang pagmamahalan. Ang bawat salitang binitawan sa kantang ito ay talagang tagos sa puso ng mga tagapakinig. Lungkot at sakit ang inyong mararamdaman kapag inyong pinakinggan ang kantang ito.
Pagkatapos kong mapakinggan ang kantang ito, ang dami âkong napagtanto. Una ay matutong magpalaya lalo naât kung sobrang sakit na, nang hindi na kayo pareho pang nahihirapan. Pangalawa, kahit anong gawin natin, kahit ibigay niyo pa ang lahat, kung hindi naman kayo ang para sa isaât-isa, hindi talaga. At pangatlo, Ipaubaya na siya sa taong para talaga sa kanya. Mayroong tao na para sayo o yung âthe oneâ na darating din saiyo, sa tamang panahon.
Sa pagmamahal, likas na ang masaktan dahil doon tayo natututo. Oo, masakit pero sa umpisa lang âyon ang mahalaga ay natuto tayo.










