“Tapusin ko na to”
Essay na patungkol lang sa rant ko sa buhay hahaha lalo na sa pagbabasa ukol sa pagtalakay ko sa panitikan
Sa ilang taon ko sa unibersidad na pinag-aaralan ko, wala pa kong natatapos na basahing libro. Nung hayskul, di pwedeng matapos ang isang linggo nang hindi ako nakakabasa ng kahit anong babasahin kahit pocket book man lang o isa sa mga libro ng Diary of a Wimpy Kid. Pero ngayong college, WA! Bokya. Nawalan na ko ng oras na magbasa at siguro nawalan na rin ako ng gana. Pag college kasi, naiiba na yung priorities natin. Imbis na mga librong pang-enganyo, puro mga manuscripts at scientific papers na lang nababasa ko. Pag may oras naman ako, matutulog na lang din ako. Pag nagka-drive magbasa, uulanin naman ako ng mga schoolwork.
Kaya siguro masaya na rin ako at napilitan akong magbasa ng mga babasahin sa FIL20. Nung una nahihirapan akong tapusin yung mga babasahin dahil hindi naman na ko sanay na umupo na lang at magbasa ng ilang oras. Marami akong acads pero kailangan ko tong gawin. May quiz bukas! In all fairness, maganda yung mga readings lalo na nung ilang oras na ko nagbabasa kasi parang nanonood na lang ako sa mga pangyayari sa readings. prang andun na rin ako sa sitwasyon. Alam kong nagagandahan na kasi ako sa kwento pag iniisip kong kasama na rin ako dun. Pag in-imagine ko na isa na ko sa mga karakter na nakikipaglaban.
Marami na kong narinig na sayang lang daw sa oras natin ang pagbabasa ng mga libro na pinapakita kung gano tayo kagaling sa panitikan. At minsan nga, uma-agree ako. Hindi naman kasi naka-focus sa panitikan yung course ko eh. BS Biology student ako! My course focuses on discovering and understanding all the living things around us, not to imagine worlds with flying dragons, sorcery, super-beings and the like. But I see now that we need to see a different side of the world. Hindi pwedeng ma-isolate na lang kami sa aming course. Kailangan namin mag-explore, tumuklas, at makipaghalubilo lalo na sa mga taong hindi naman namin ka-course.
Ang haba ng intro ko, hahaha! Basta ang gusto ko lang naman iparating ay masaya ako. Masaya ako kasi nabigyan na rin ako ng pagkakataon na makapagbasa muli ng hindi naman puro scientific paper. Masaya ako dahil nakapagbasa uli ako ng fantasy-based book na sulat pa ng kapwa Pilipino. Pang-international yung level din yung libro. Ang panulat na yun ay deserving ng international recognition. It should be read by millions of people around the world para malaman nila kung gano tayo kagaling mga Pilipino sa larangan ng pagsusulat dahil ang panitikan ay para sa lahat. Dapat pinapikita nito ang creativity natin. Dapat ini-inspire tayo nito na maging mas magaling pa. To break the barriers and melt the chains that bind us. Kaya nga dapat tapusin ko na yung Batbat hi Udan para naman ma-inspire akong magsulat ng sarili kong kwento, Sige, tatapusin ko na! Kbye.














