Thanks sa pagtag Anlo @bangskeletariat! Tay @emilioaguinaldoyfamy at BUNSONG ANON heto po ang kuwento…
Ngayon, makinig magbasa ng maigi dahil ikukuwento ni Ate Creja sa iyo ang ALAMAT NG AMPOLEYA HALAMAN
Noong unang panahon (noong panahon na sakop pa ang Pilipinas ng España), mayroong isang lalaking nagngangalang Pole.
Si Pole ay isang mabait at matalinong lalaki, ngunit mas hilig pa niyang magbasa at mag-aral kaysa sa kumain dahil mahirap lang sila noong siya’y lumalaki na kaya kailangang tipirin ang kinakain wala siyang choice di pwede mapili. At dahil sa hilig niya sa pagbabasa, maraming nagsasabi tuloy na “Aba! POLE-aral at POLEbasa itong batang to! Kailangang MONbigyan ng mabuting edukasyon ang nEPYkatalingong batang ito sa lalong MONdaling panahon! Aba’y magiging abugago ito sa Tamang Panahon™®”
Kaya’t siya’y pinag-aral at nagtrabaho na rin upang maging abugado at gumawa ng mga bagay na siyang ikatutuwa ng INANG BAYAN na siyang madalas sabihin sa ibang mga anak na, “Ngayon mo lang nakita, mahal na? Asawa na? Wala man lang ligaw? Ano to ika-21 na siglo? Paki-explain. Labyu.”
Ngunit di gaya ng ibang kababayan, walang ganoong bagay na iniisip si Pole, dahil para sa kaniya, walang POLEver #HUGOT #ABUGADOLIFE #WALANGTIMESALOVELIFE #LAWmunabagoLOVE #ACADSBAGOLAKAD #AYTEKADINAPALAKAYANGMAGLAKADHUHU #SADLIEF
Isang araw, nagkaroon ng bagong kaibigan si Pole na itatago natin sa pangalang Emilio Aguinaldo y Famy, President of the Revolutionary Government of the Philippines and Captain General and Commander-in-Chief of its Army.
Si Pole at si Emilio Aguinaldo y Famy, President of the Revolutionary Government of the Philippines and Captain General and Commander-in-Chief of its Army ay madalas mag-usap tungkol sa maraming bagay at hindi nagtagal napunta ang usapan sa usapang pagkain.
“Ano ang paborito mong pagkain?” basa ni Emilio Aguinaldo y Famy, President of the Revolutionary Government of the Philippines and Captain General and Commander-in-Chief of its Army mula sa isang stationary na siya mismo ang gumawa para kay Pole sabay abot.
“Hindi naman ako mapili,” sagot ni Pole sabay taas ng kilay sa isang napakalawak na ngiti na may dimples pa ni Emilio Aguinaldo y Famy, President of the Revolutionary Government of the Philippines and Captain General and Commander-in-Chief of its Army.
“Pero kung papipiliin ka nga ano ang ayaw mo?” talagang mapilit ito si Emilio Aguinaldo y Famy, President of the Revolutionary Government of the Philippines and Captain General and Commander-in-Chief of its Army dahil gusto niyang makumpleto ang laman ng stationary niya, kuha niya na mula height, weight, anong paborito mong posisyon pag natutulog, anong paborito mong posisiyon sa pakikipagtalik (pero blangko pa ito dahil alam ni Emilio Aguinaldo y Famy, President of the Revolutionary Government of the Philippines and Captain General and Commander-in-Chief of its Army na makukuha rin niya ito sa Tamang Panahon™®).
Iniligay ni Pole ang kamay sa baba, ang isang daliri nito ay nasa ibabang labi, dahan-dahang hinihimas ito. Sinundan ng mga mata ni Emilio Aguinaldo y Famy, President of the Revolutionary Government of the Philippines and Captain General and Commander-in-Chief of its Army ang daliri, nais na—
“Siguro kung may hindi ako masyadong kinakain ay ito ay mga gulay.”
Natigil sa pagiisip ng NSFW tots si Emilio Aguinaldo y Famy, President of the Revolutionary Government of the Philippines and Captain General and Commander-in-Chief of its Army.
Nawala ang kaniyang ngiti, nanlaki ang mga mata, natameme, at mukhang nadurog ang puso.
“Pole,” ani Emilio Aguinaldo y Famy, President of the Revolutionary Government of the Philippines and Captain General and Commander-in-Chief of its Army. “Ayaw mo ng… gulay?”
“Hindi naman, sadyang—san ka pupunta?”
Tumakbo si Emilio Aguinaldo y Famy, President of the Revolutionary Government of the Philippines and Captain General and Commander-in-Chief of its Army palayo kay Pole, hindi magawa ng puso niya ang pumili. Ang mga gulay? O si Pole? Kaya’t nang mag-isa sa kuwarto napakanta tuloy siya ng
♪ Sana dalawa ang puso ko
Hindi na sana kailangan pang PumOLE sa inyo ♪
Si Pole naman, kibit balikat lang ang peg.
Ang hindi niya alam, may mga nakakita: sina PATERNOff naman ng ilaw at BUENCASINO.
Bigla na lang silang tumalon sa harapan ni Pole, nakataas ang pantuturo at sinabing, “Hala ka! Pinaiyak mo si Emilio Aguinaldo y Famy, President of the Revolutionary Government of the Philippines and Captain General and Commander-in-Chief of its Army! HALAMAN… Hala mo… Hala lagot…”
Dedma lang ang naging peg ni Pole at tiningnan ng masama ang dalawa. If looks could kill, double dead na tong dalawa. Pero hindi. Isa pang pampadagdag sa #SADLIEF ni Pole.
Tapos hindi pa natigil ang pangungutya kay Pole dahil pagkatapos noon ay wari kuno ay bitter siya kay Emilio Aguinaldo y Famy, President of the Revolutionary Government of the Philippines and Captain General and Commander-in-Chief of its Army dahil mas mahal daw nito ang mga gulay kaysa sa kay Pole.
Sa totoo lang wapakels si Pole dahil mas natuon ang pansin niya sa ibang bagay kaysa sa pag-ibig pero sa loob-looban niya ay “ODK Bakit ganito? Mas ginusto niyang mag-mahal ng gulay? E kung maGULAYt siya na isang araw wala na ako sa tabi niya?!”
Pero talagang malakas ang gulay detector ni Emilio Aguinaldo y Famy, President of the Revolutionary Government of the Philippines and Captain General and Commander-in-Chief of its Army dahil bigla na lang siyang nag-appear sa harap ni Pole at sinabing, “Pole… isa kang gulay… isa kang napakapait na gulay… isa kang… amPOLEya.” Na may ngiting paiyak-iyak pa sa sobrang tuwa dahil nareconcile niya ang pagmamahal sa gulay at kay POLE.
Pero mayroon rin akong isang sagot diyan:
Nahalintulad si Pole sa halaman dahil ayon kay @d-artist-freude ito ang terminong ginagamit sa mga taong walang hilig o maari na rin wala pang karanasan sa pag-ibig o sa pakikipagtalik.