Walang tayo
Aaaaaaaaaaaaaaaagh. Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah.
Gusto kong sumigaw baka sakaling lumabas lahat ng nararamdaman ko, as in lahat. Baka sakaling marinig mo ang boses ko’t sumagi ako sa isip mo.
Nakakainis yung ganitong pakiramdam, ni hindi ko masabi o maisulat yung eksaktong nararamdaman ko.
Put tank in a mall. Di naman naging tayo pero bakit ganito. Sabi mo maghihintay ka… sabi mo… sabi mo… hanggang sa unti-unti kang lumayo. Ilang araw kang hindi magtetext at madalang na tatawag. Simula nung lumalayo ka na, saka naman ako umasa, naghintay at ta****** nahulog pa ata ako. Hanggang sa hindi mo na nga ako nasalo. Ang sakit kayang malaglag. Ang sakit… hindi ko nga alam kung saan ako magsisimula eh. Ni hindi mo manlang pinakinggan at naintindihan yung side ko. Bakit ka ganun? Nakakainis ka naman eh, kahit na hindi mo alam minumura na kita. Syemay ka.
Ako ba ang nagkamali? Ang tanong ko sayo “Pwede bang tigilan na natin ‘to?”, hindi ka manlang nagreact na “Anong titigilan natin?”, “Wait, bakit?” Yung mga ganun. Wala eh, akala ko pa naman malakas ka.. tinanggap mo lang yung sinabi ko. Hindi ka nagreply. Wala ka nang pakialam o wala ka talagang pakialam. Sige. Hanggang dito nalang, dyan ka nalang sa kung saan mang lugar ka naroroon. Peace be with you.









