Kumonekta: Pagpapahalaga sa Munting Sandali ng Buhay
St. Scholastica’s Retreat House
Ni: John Manuel
St. Scholastica’s Retreat House, isa sa mga kilalang retreat house sa lugar ng Tagaytay City. Bilang isang mag-aaral na naka punta na sa Lugar na ito masasabi ko na hindi ako nabigo sa pagpunta at madami ako natutunan sa mga tao dito. Mas nakilala ko ang aking sarili pati nadin ang mga kasama ko na lumahok sa nasabing retreat. Natutunan ko na pahalagahan ang mga bagay na aking natatangap at ipinagkaloob ng diyos sakin.Ito ang napili ko na lugar sapagkat ako ay hindi masyadong lumalabas ng bansa o mag outing sa mga malalayong lugar kasama ang pamilya o mga kaibigan.
Ang tahimik na kapaligiran at malamig na klima ay nakapagdagdag sa pagpapaganda ng aking karanasan sa lugar na ito. Ang mga madre na sumalubong sa amin ay napaka maalaga sa amin. Hinding hindi ko makakalimutan ang mainit na pagtanggap sa amin ng mga namamahala roon. Sa lahat ng mga napuntuhan kong lugar kabilang ito sa mga hindi ko malilimutan dahil madami akong napagtanto at mabigyan ko ang sarili ko na magsaya at mas kilalanin pa ang sarili ko at mga kaklase ko, guro at mga tao doon. Sa lahat ng aking naranasan ay binibigyan ko ng matinding magpapahalaga at pagpapasalamat sa pagkakataon na ako ay muling naka nilay at nakapag balik loob sa aking pananampalataya sa Diyos. Ang aking relasyon sa aking sariling kalooban at paniniwala ay mas lumawak at tumindi, kung kaya’t ako’y muling nakapag rekonekta sa aking sarili.
Baguio Kay Lamig
Ni: Franco De Guzman
Ang aking munting paglalakbay sa Baguio. Isang karanasan na hinding hindi ko malilimutan. Noong pumunta kami sa Baguio noong 2013, ay nakaranas ako ng mga pagkakataon na bihirang maranasan ng isang ordinaryong mag-aaral. Paakyat palang kami ng bundok ng Baguio ay nararamdaman ko na yung lamig. Ang aking mga kasama sa paglalakbay na ito ay ang aking mga Football na kakampi sa dati kong paaralan. Kami ay dumayo sa Baguio upang lumahok sa kompetisyon ng Football. Ang aking mga kakampi ay nakikita ko palang bilang mga ordinaryong kakampi sa koponan.
Sa aming pananatili sa lugar ng Baguio ay isa sa mga karanansan na hindi ko malilimutan sapagkat ako ay natuwa sa kultura ng mga tao sa lugar at kagandahan ng mga tanawin roon. Isa pa sa mga nais kong balikan sa Baguio ay ang napaka presko at malamig na klima at hangin. Nang nakatapos na ang kompetisyon nabigyan kaming pagkakataon na gumala at lumibot sa kung saan saan. Masaya ako noon dahil kasama ko ang mga naging mga kaibigan ko na kauna unahang tinuring pamilya sa labas ng dugo. Sa mga memorya kong ito napagtanto ang akahalagahan na pag rekonekta sa ibang mga tao lalo na’t sa pagbubuo ng mga taong maituturing kong pamilya.
Don Bosco Makati
Ni: David Baquiano
Ang magone dome ay matatagpuan sa Don Bosco Technical Institute ng Makati. Ang simboryo na ito ay pinangalanan para kay Michele Magone, isang estudyante ng Don Bosco. Ito ay matatagpuan sa Chino Roces Ave, Makati, 1230 Metro Manila. Ang dome na ito ay may tatlong basketball court at kung saan ang paaralan ay pagdaraos ng misa para sa buong student body. Noong Marso 1, 2022, ako at ang aking mga kaklase mula grade 9 hanggang 12 ay nagtipon dito para sa isang reunion at maglaro ng basketball para magsaya kami pagkatapos ng mahabang pandemic.
Ito ang aking unang pagkakataon na bumalik sa sahig mula noong Marso ng 2020, at napakagandang makita ang lahat ng aking mga kaibigan. Ang muling pagbunga ko sa aking mga kaibigan ay napakahalaga para sa akin. Ang maligayang mga ngiti at pagbati ng aking mga kamag aral noon at siyang mga tunay kong kaibigan ay nagpapalambot ng aking puso.
Isa sa mga pinakamahalagang aral na aking natutunan simula’t nagpandemya ay ang kahalagahan ng pagbibigay pasalamat at pugay sa mga tunay na samahan naming magkakaibigan. Dahil ang bawat sandali ay dapat ingat pagkat hindi na ito mababalikan muli, bagkus siyang mga ala-ala lamang. Kung kaya’t sa araw na ito ay ako’y muling nag rekonekta sa aking mga tunay na kaibigan.
Lakbay Porto Laiya
Ni: Alfonzo Griarte
Ang magagandang tanawin sa Laiya Batangas ay kamangha-mangha sa kahit kanino man, mapa bata, matanada, estudyante, at nagtatrabaho ay matitiyak na ang lugar na ito at ang kanyang mga tanawin ay talagang mapapa tayo ka sa inyong kinauupuan. Kamakailan lamang noong ika walo ng Marso, 2022, ako at ang aking pamilya ay nabigyan ng pagkakataon na dumayo sa Laiya Batangas. Ito ang lugar na kilala at dinadayo para sa kanilang magagandang mga isla, dagat, resort, pagkain at iba pa. Kami ng aking pamilya ay unang lumapag sa bahay na aming inirenta sa Porto Laiya subdivision.
Ang modernong istilo ng arkitektura at pagkakalikha ng bahay ay nakaka-aliwalas sa pakiramdam at pantignin. Ang bahay na aming pinagtulugan ay may halong inspirasyon sa mga lokal na bahay sa Santorini Greece. Ang buhangin sa resort ay napaka puti at pino, at ang kalagayan sa tabing dagat na ito ay wala akong halos nakitang basura at dito’y napaka linis. Ang tubig dito ay napaka linaw at walang bakas ng kahit anong imprastraktura. Sa aming pag bisita sa clubhouse ng resort ay agad kaming sinalubong ng mga lokal na namamahala sa lugar at mga gayang turista. Maganda at maayos ang pagbati nila sa amin, kita sa kanilang mata ang tuwa sa aming pagbisita. Ang mga lokal sa lugar ay nagpapakita ng mahalagang pag respeto sa aming mga turista at sumusunod sa tamang social distancing.
Sa huling mga sandali ng aming pananatili sa lugar ng Laiya Batangas ay nabigyan ko ang aking sarili ng pagkakataon na makapagnilay sa aking relasyon kasama ang kalikasan. Ang prodoktibong paglilibot ko sa dalampasigan, pag obserba ng mga iba’t ibang hayop na makikita sa karagatan, pag higa sa pinong buhangin at tiyak na nakapagbigay sakin ng dahilan upang maligayang manatili dito sa mundo. Sa muling mga sandali na bihira kong maranasan kasama ang kalikasan ay importante para sakin ng pagpapahalaga ang kalikasan at ang iba’t ibang uri ng kabuhayan. Tiyak na sa araw na iyon ay natuto akong muling kumonekta sa kalikasan at sa buhay.














