Grabe tagal kong hindi nakapagblog ng maayos-ayos. Eh kasi naman no, tuwing vacation na lang ako nagkakaroon ng social life! Well wala naman choice hahaha. Pero sa totoo lang, itong mga nakaraang buwan narealize ko rin, okay din palang ganito, focused ako sa goals ko. Una nakakabaliw talaga e kasi sa totoo lang napakahirap imeet ng expectations ng mga taong nakapaligid sayo. Well that was my mind set before. Dati, ginagawa ko lahat ng to kasi ang laki ng expectations ng mundo ko sakin. Pero kinalaunan, narealize ko, choice ko pala to. Pinili ko ang daang hindi masyadong dinadaanan ng iba dahil gusto kong i-challenge yung sarili ko. Gusto kong malaman kung hanggang saan pa ang kaya ng kakayahan ko. At higit sa lahat, pinili ko to kasi gusto kong maging better version ng sarili ko. And ngayon masasabi ko, I'm happy with my choices. Naalala ko pa nga noon pinangako ko sa mga kaibigan ko na sa college, di ako masyadong magpapakainvolve sa mga chuchu sa school, di ko masyado isstress yung sarili ko, kumbaga magyoyolo lang ako sa college. And it turns out, kinain ko lahat ng sinabi ko. Hahaha. Pero masaya ko! Akalain mo yun, kahit sa isang linggo e bilang na bilang ko lang yung oras ng pagtulog ko at kulang na lang tumira ko sa bahay ng kablock ko para lang matapos lahat ng requirements, activities, at reports, tapos sasabay pa yung sandamakmak na quizzes at walang patawad sa kahirapan na mga exams, pero lahat ng to, nalagpasan ko. Nalagpasan ko ng matatag ako. Nagpapasalamat na rin ako kasi kahit sobrang bangag ko everyday andyan yung mga taong nakakapawi ng pagod ko (touchy hehe) at syempre di ko naman magagawa to kung walang guidance ni Lord. Bigla ko tuloy naalala yung quote na sinulat nung prof ko sa isang quiz namin, " no one expects you to be the best, they just expect you to do your best!" Nung nabasa ko to, narealize ko lahat. Bakit ko nga ba binablame dati yung mundo ko for expecting too much from me? Yun pala ang totoo, hindi naman nila ko pinipilit na maging "the best" sa lahat ng oras, ineexpect lang nila na sa lahat ng gagawin ko, ibigay ko dapat yung best ko. At masaya ko kasi nalagpasan ko yung isang taon bilang college. Oo mahirap, pero lagi ko nilalagay sa isip ko na, "nagsisimula ka pa lang immah! Maraming maraming taon pa ang gugugulin mo!" at sa darating pang maraming taon na yun, masasabi ko lang, gagawin ko yung best ko. Kaya ko pang ilevel-up yung mga kaya kong gawin. Nagsisimula pa lang ako. Ok ang haba na masyado. Hahaha ngayon alam niyo na bakit buhay inactive ang peg ko? Hahaha. magbblog na ulit ako swear, mas marami na kong oras at gustong sabihin ngayon e hahaha. Pero sa ngayon, ibabawi ko muna yung isang taon kong walang tulog! =)) ❤