Huling Akda
Nagsisilbing boses ang bawat kataga
Sa damdaming pilit na dinadala
Sa malayang taludturan aking ginagawa
Hayaan n'yo ito ay kumawala.
Hindi man makita ng inyong mata
Hindi ko ipipilit ang nais ipakita
Mananatiling huwad at nakasuot ng maskara
Sa pagkat ito ang nais ng lahat.
Wala mang laya sa mundong masalimoot
Sa aking huling akda dito ay itutuon
Hindi man bukas o sa ngayon
Marahil sa mga araw na susunod.
Sa huling akda na aking sinusulat
Hindi na muling magiging ingay
Mga kataga na nais isalaysay
Sa malayang taludturan.











