Hey!
This will probably be my last post. As in last na ata talaga, sa account na to.
First let me have an update.
My family already migrated. I wasn't able to kasi too late na ang petition. In short, matanda na ako haha. Now i'm living with my gf of 5 years now sa iniwang bahay sa kin ng magulang ko. She's still renting near her work but usually she stays here and halos sa amin na din ang bahay. Mag 1 year na din kaming ganto.
Usually alone sa bahay but not lonely at all. Aside sa usual household chores, I've been busy with my kids. See, my kids are these guys. 3 dogs and 3 cats. Tuting the big brown dog and Cotton (white dog) are our old dogs. Alaga na namin noon pa. Si Uling (black dog), bigay ni Jayvee (my future), anak ng aso nila sa Bulacan. Yenyen the alien, yes kasama ang alien, was a stary cat. Napulot ko lang sa daan, apat sila nun, dahil naghahanap ng pusa ang tatay ni jayvee. Pero since babies sila nung mapulot ko, di masyadong naalagaan sa bulacan kaya ako na lang ang nagalaga dito. Unfortunately, namatay ang 2, nawala ang isa. Si Patty (white gray, right side) and Tisha (gray, left side) bigay ng binisita naming kaibigan sa DNM sa blumentrit. Masyado na daw madami pusa lola nya e kaya binigay sa amin. Hey, may ig pala sila @mgaasotpusa.
Aside sa kanila, ps4. Sobrang makakain ng oras. Sobra. Di ko na nagawa mga videos ko from previous travels. Or tamad lang talaga ako?
Living alone sometimes sucks sa totoo lang. Yung iba dyan na tinetake for granted yung pamilya nila, bahay nilang laging may tao, nako, yari kayo pag kayo na lang mag isa. Sanayan lang siguro? Oo sanayan lang. Yung sa phone mo na lang sila makakausap at makikita, sa viber, messenger, videocall...
Nakakapanghinayang, pero hindi sayang. Pwede ko naman bisitahin pa to. Pwede ko din naman buksan pa, wag nga lang malogout dito sa lumang phone.
Ayun, bakit nga ba last na to. Bumili ako ng bagong phone kasi. And since bago, kelangan ko maglogin sa tumblr diba. Kaso ang problema, kahit alam ko tama email and pw ko, pinaprompt ako ni tumblr na mag change pass. Okay lang sana kaso kelangan ko iaccess ang email na gamit ko dito. Problema din e alam kong tama pass ng email na gamit ko, pero need ng ibang verification process pa since napakatagal nang hindi nabubuksan yun. Daming ek ek. Kaya eto, di ko na tatangkain pa na mag change email pa.
Kung tutuusin pala, 4years kami nung ex ko dati, tas 5.5years na kami ni Jayvee ngayon. E nagsusulat na ako dito bago pa maging kami ni jayvee. Inlabs pa din.
P.s. congrats sa mga kakilala kong nagsusulat dito (at nameet at naging kaibigan) na sumikat na at yung iba may kanya kanyang buhay na din. Nakakatuwang makita at malaman kung asan na kayo ngayon. Balitaan nyo ko some time ;)












