Internet: Ang Makabagong Libro
Alam nating lahat na sa paglaganap ng teknolohiya, maraming bagay na ang nagbago. Magmula nung naimbento ang telepono hanggang sa naging smartphone ito. Sa blog na ito, tatalakayin natin kung pano ito naging makabagong libro at kung pano ito nakakatulong sa larangan ng edukasyon.
TATLONG RASON BAKIT NAGING MAKABAGONG LIBRO ANG INTERNET
1. Mura at madaling magamit
Ang paggamit ng internet sa larangan ng edukasyon ay isang malaking tulong sa mga taong hindi naman gaano kayaman. Ito ay dahil ito ay mura at madaling gamitin ang internet. Sa halagang P10 makakagamit ka na ng Facebook
2. Mabilis makakuha ng impormasyon
Ang internet din ay isang paraan upang makakuha ka ng impormasyon sa mas mabilis na paraan. Dahil sa sobrang bilis nito, mas madaming impormasyon ang ating makukuha.
3. Mas interesado ang estudyante sa internet kaysa sa libro
Maging totoo tayo, alam natin na ang mga estudyante ay mas interesado sa paggamit ng mga gadgets at ng internet kumpara sa mga libro at mga pahayagan.Â
Sa tatlong rason na ito masasabi natin na malaki ang possibilidad na palitan na ng internet ang mga libro natin ngayon at mawala na nang tuluyan ang paggamit natin ng mga ito mas lalo na ngayon sa panahon ng pandemiya.Â












