“Sometimes all you can do is lie in bed, and hope to fall asleep before you fall apart”
— William C. Hannan
Monterey Bay Aquarium

#extradirty

izzy's playlists!
cherry valley forever
Sade Olutola
KIROKAZE
DEAR READER

Kaledo Art
hello vonnie
TVSTRANGERTHINGS
Today's Document
Three Goblin Art
Game of Thrones Daily

No title available
almost home

PR's Tumblrdome

Product Placement

JVL
he wasn't even looking at me and he found me
No title available
seen from South Korea

seen from Malaysia
seen from Panama

seen from Philippines
seen from United Kingdom
seen from Colombia
seen from United Kingdom
seen from United States

seen from Peru

seen from Bangladesh

seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from China
seen from Canada
@johnnestybernardo
“Sometimes all you can do is lie in bed, and hope to fall asleep before you fall apart”
— William C. Hannan
PROSESO NG NAGING PAG-AARAL SA PANITIKAN
Ang pagkatuto sa pagsusulat at pagbabasa ay kinakailangan upang makasabay sa daloy ng panahon lalo na sa pagtahak sa larangan ng edukasyon na hindi dapat tinuturing na prebilihiyo kung hindi ay isang karapatan ng bawat tao. Ito ay mas mainam na paghusayan pa natin upang kahusayan sa larangan naman ng panitikan ay makamtan.
Paggawa ng Reaksyong Papel at Blog
Sa pag-aaral ng asignaturang Panitikan ngayong semestre ay mas lalo pang nahasa ang aking pagsusulat at pagbabasa. Bakit? Dito ay mas natuto akong mag-isip ng kritikal base sa pagbabasa ng mga literaturang ibinibigay sa amin ng aming propesor sa asignaturang ito sa pamamagitan ng paggawa ng reaksyong papel para dito. Bawat literaturang ipinapabasa sa amin ay may iba't ibang isyung personal o panlipunan na maoobserbahan, mga ideyang makapagmumulat sa iyong isip, at mga konseptong makapagpapabago ng iyong pananaw sa mga bagay-bagay.
Kolaboratibong Paggawa ng Maikling Kwento
Ang naatasang maging pinal na proyekto/pagsusulit sa amin ng aming propesor sa asignaturang ito ay ang paglikha ng aming sariling maikling kwento na limitado sa sampung pahina. Grupo ang paggawa ng maikling kwento kaya't nangangahulugang kolaboratibo ang pagbibigayan ng mga ideya at paksa ng nasabing gagawing proyekto, kaya kami ay binubuo ng labing-isang miyembro sa amin grupo. Kung tutuusin madali na lamang ito sapagkat sa bilang na lamang namin ay marami nang ideya ang magagawa at pagsasama-samahin, ngunit ang malaking pagsubok namin ay ang kawalan ng pisikal na pagpupulong upang mas magandang mapag-usapan ang bawat detalye ng aming lilikhaing maikling kwento. Ang tanging solusyon dito ay ang pag-uusap "online" ng lahat ng aming mga ka-miyembro, na mahirap kung iisipin sapagkat ang oras ng bawat isa ay hindi palaging nagtutugma-tugma kaya't madalas ay hindi napag-uusapang mabuti ang bawat detalye ng aming ginagawang proyekto. Naging hamon din sa amin ang pag-iisip ng isyu o problemang tatalakayin sa aming ginawang maikling kwento, sapagkat may mga pamantayang mas mainam na sundin upang mas mapaganda pa namin ang istorya nito. Gayon pa man, hindi ito naging hadlang upang matapos namin ang aming pinal na proyekto at maipasa ito sa tamang oras ng pasahan.
MGA SULIRANING KINAKAHARAP NG MALIKHAING AKDA AT MGA MANUNULAT NITO
KRITIKAL NA SANAYSAY:
Ang Kamalayang Feminismo sa Panitikang Pilipino
Ang usaping feminismo o kahit anong patungkol sa mga kababaihan ay tunay na kaunti lamang ang atensyon na natatanggap lalo na sa isang patriyarkal na bansa na katulad ng Pilipinas. Masasabi kong mas marami pa rin ang oportunidad na naibibigay sa mga kalalakihan pagdating sa maraming bagay. Ngunit ako bilang isang miyembro ng kalalakihan na sumusuporta sa pagkakaroon ng pantay na pagtingin at oportunidad sa pagitan ng mga kababaihan at kalalakihan ay lubos na isinusulong ito sapagkat may lugar ang kababaihan sa lipunan. Naniniwala ako na kung wala ang kababaihan, wala tayong lahat, sapagkat sila ang nagsisilang ng buhay at isa iyon sa napakahalagang ambag ng kababaihan sa ating lipunan. Tunay na hindi madali ang kanilang mga gampanin bilang mga babae kaya't nararapat lamang na pantay ang pagpapahalagang ibinibigay sa kanila na katulad sa kalalakihan, lalo na sa aspetong literatura/panitikan. Ang paglilimbag ng mga literaturang likha ng kababaihan at naglalaman ng mga feminismong usapin na hindi nililimitahan ay isang paraan ng pagpapakita ng pagpapahalagang ito. Ipinapahiwatig ng kritikal na sanaysay na ito na nangangailangan pa rin ng karagdagang oportunidad ng mga pantikang naglalaman ng feminismo na lalo na't likha ng mga kababaihan dahil sa nanatiling opresyon sa kababaihan. Ang kababaihan ay hindi kababaihan lamang, sila ay kababaihan na may mahalagang gampanin sa lipunan na maaaring higit pa sa kalalakihan. Respeto, pagpapahalaga, at pagkilala ay kailangan nila bilang tao at bilang kababaihang may silbi sa lipunan. Kaya't maging sa panitikan ay nararapat na mayroon silang lugar at representasyon. Itigil na ang opresyon sa kababaihan, baguhin na ang lumang pananaw. Ang babae ay pantay lang sa lalaki, walang mas nakaaangat sa bawat isa.
Sad Few Notes on Creative Writing
Ang pagpapaintindi sa mga ordinaryong mambabasa at ang pag-ingganyo sa kanila na tangkilikin ang mga malikhaing akda na kritikal at may kahusayan ay kabilang sa mga suliraning kinakaharap ng ating mga malikhaing manunulat dito sa Pilipinas. Nababawasan ang kalidad ng mga akda sapagkat ipinapantay nila ito sa lebel ng komprehensibong pagbabasa at pag-intindi ng mas nakararaming mambabasa imbis na gawin ito sa pamamaraan na mas kritikal at mas malikhain. At dahil mas nagiging mababaw at mas madaling unawain ang mga malikhaing akda na naililimbag ay mas nagiging likhang pangkomersyal ito na syang lalong nakaaapekto sa kalidad ng paggawa nito. Tunay na nakalulungkot ito sapagkat ang tunay na intensyon dapat ng mga malikhaing manunulat ay ang magkwento ng may saysay at may kahusayan na makatutulong sa mga mambabasa upang sila ay may matutunan at mapulot ng ideya at kaisipan na maaaring magpalawak ng kanilang kaisipan, at hindi lamang para kumita ng pera. May tungkulin ang mga manunulat sa kanilang lipunan, ito ay ang maapektuhan ang kanilang mga mambabasa sa pamamagitan ng kanilang mga likhang literatura na magmumulat ng isipan nila at magbibigay ng mas matibay at malinaw na pananaw sa mga paksang kinapapalooban ng bawat akdang naililimbag nila. Sa akin namang opinyon, mula naman sa perspektibo ng isang mambabasa, obligasyon ko na mas maging mapanuri na mambabasa at tangkilikin ang mga akdang mas nakagigising ng diwa ko bilang Pilipino at mas nakapagpapalawak ng aking kaisipan sa iba't ibang paksa ng mga babasahin na akong binabasa. Natural lamang na akin itong gamitin sa pang-araw-araw pamumuhay at upang ako rin ay may maiambag sa lipunan ko sa tulong ng mga literaturang aking nabasa at naunawaan.
ANG SULIRANIN NG ISANG INDIBIDWAL AY SULARANIN NG LIPUNAN
FICTION:
Kasal
Sa aking pagbabasa ng maikling kwento ni Eli Rueda Guieb III na pinamagatang “Kasal”, napadpad ako sa panibagong mundo, kung saan ipinakita ang ibang mukha ng pagsasama, pagmamahal at paghihiwalay. Sa pangkalahatan, namangha ako sa mismong babasahin sapagkat ang konsepto nito ay kakaiba. Ang maikling kwento ng “Kasal” ay isang makabagong putahe sa mga kategorya ng kwento. Oo at tungkol parin ito sa relasyon (pagmamahal at paghihiwalay), pero ang pag-atake ng mga konsepto ay kakaiba. Napakaganda rin ng ginamit na salita sapagkat bagamat may iilang malalalim na salita ay kaya parin naman itong intindihin ng mga mambabasa. Natutunan ko sa maikling kwento na ito na ang kasal ay hindi isang katapusan ng ating paglalakbay sa ating buhay, ito ay parte lamang nito. Hindi rin ibig sabihin nito na ang relasyon mo sa isang taong iyong pinakasalan ay sigurado na at magtatagal, sapagkat maraming bagay ang hindi tayo sigurado at isa na ito rito. Paalala para sa sarili at sa iba: kilalaning mabuti ang sarili at magpatuloy lamang sa paglalakbay sa buhay, dahil ito ay hindi natatapos.
Impeng Negro
Tinalakay sa kwento ang pangmamaliit at pang-aalipusta ng mga taong iba ang katangian at kalagayan o uri ng buhay. Tinalakay kung paano dapat ipaglaban ang dangal at dignidad na hindi dapat sila husgahan at kutyain dahil sa bagay na kinatatayuan nila. Inilarawan din ang mga mapangutya, mapang-alipusta at mga taong walang alam sa mga bagay na kanilang hinuhusgahan. Ang kwentong Impeng Negro ni Rogelio Sicat ay isang akdang maihahalintulad sa ginagalawan nating lipunan sa kasalukuyan. Sa pamamagitan ng paghimaymay sa iba't ibang bahagi nito naipakita niya ang iba't ibang kaganapan na maaring dinaranas ngayon ng maraming Pilipino. Isa na nga rito ang superyoridad base sa kulay o rasismo. Naitatak na ating isipan na mas maganda o mas nakalalamang ka sa iba kung ikaw ay mas maputi at mas nakabababa naman kung ikaw ay maitim, kaya't ganoon na lamang ang pagtangkilik ng mga Pilipino sa mga produktong nakapagpapaputi ng kutis. Isa ito sa maling kaisipan na naitatak sa atin dahil na rin sa pananakop ng ilang kanluraning bansa na karamihan ay puti ang kulay ng balat. Sana magsilbing aral sa atin mula sa maikling kwento na hindi kabawasan ng pagkatao natin ang kulay ng balat na mayroon tayo, kahit ano pa man ang kulay natin ay nararapat na ito'y ating tanggapin at sa pamamagitan nito ay magagawa nating humarap sa iba ng may pagmamalaki at lakas ng loob.
NONFICTION
Kubeta
“Ang klase ng kubeta ng mamamayan ay sukatan din ng kalagayan ng lipunan.”
Nagkaroon ng palaisipan sa akin kung anong mayroon sa kubeta at bakit ipinamagat ito ng may akda. Napakabulgar kasi ng ginamit na pamagat kaya naman lalong nagbigay ng interest sa akin. Aking nalaman na napakahalaga pala ng isang kubeta sa isang komunidad upang malaman ang estado ng ating lipunan pati na rin ang kakayahan ng gobyernong punan ang kakulangan at problema sa barangay man o sa buong bansa. Ang nakakalungkot kasi sa panahon ngayon, madalas ang ating gobyerno ay nakapokus na lamang sa kung ano ang magagawa nila sa Pilipinas upang lumabas na nakasasabay ang ating bansa sa modernong pag unlad ng mga bansang mayayaman o tinatawag ding kapitalista. Sa kabila nito, nakakubli ang katotohanan na sa loob ng ating bansa ay punong puno ng mga mamamayan na lugmok sa kahirapan at mga pamayanan na hindi nabibigyang atensyon, na kahit simpling kubeta lamang ay napapabayaan.
Forced by Habit
Ang pamamaraan ng pagkukuwento ng sumulat ng malikhaing akda ay tunay na nakaaaliw. Ang mga salitang ginamit may napapanahon at halimbawa nito ang paggamit ng mga salitang nagpapahiwatig ng ekspresyon katulad ng "linshak" sa panghuling bahagi ng akda. Tumakbo ang kwento sa pag-uusap ng guro at estudyanteng si Ced at ang pinoproblema nito sa pag-ibig. Ang pag-ibig ay maaaring bumuo sa iyo at maaari ring sumira sa iyo. Sa panahon ngayon, hindi lamang sa pagitan ng magkaibang kasarian namumuo ang pag-ibig, pwede na rin sa pagitang ng kaparehong kasarian. Ang pag-ibig ay mapagpalaya, kaya't kung pakiramdam mo ay nakakulong sa sa pag-ibig na iyan, mag-isip ka na. Walang masama sa pagmamahal, basta suguraduhin mo na wala kayong nasasaktan na iba sa pagmamahalan nyo.
PANITIKAN
Alam mo ba kung ANO ang panitikan? BAKIT kaya kailangan natin itong pag-aralan? At PAANO ba ito pinag-aaralan? Halina na at ating alamin!
Ang panitikan ay sinasabing ang pag-aaral ng pakikipagkomunikasyon ng tao. Ito ay maaaring nasa porma ng babasahin o binibigkas. Ang katotohanan at malikhaing imahinasyon ng tao ay nasasalamin sa bawat panitikan na nalilikha. Ito ay dahil mayroong dalawang uri ng panitikan, ang mga ito ay kathang-isip (fiction) at hindi kathang-isip (non-fiction). Dahil sa panitikan, namumulat ang isipan ng mga mambabasa sa katotohanan, sa kasaysayan, at marami pang iba. Napakalawak ng sakop ng panitikan. Tinutulungan nito na mapagyaman at mapalawak ang isipan ng bawat isa na mambabasa sa pamamagitan ng mga salitang ginamit at damdamin na idiniin dito upang maunawaan at maramdaman nila ang mensaheng nais iparating ng panitkang kanilang binabasa o pinakikinggan. Ang panitikan ay koleksyon ng kaalaman at imahinasyon ng mga manunulat na tumutulong sa mga mambabasa na maglakbay gamit ang isip upang magising ang kanilang kaisipan sa maraming bagay. Ang pagbabasa ng panitikan ay maihahalintulad sa paglalakbay sa iba't ibang lugar at pag-alam ng iba't ibang kwento at kasaysayan ng mga tao, lugar, at marami pang iba. Ang kaalaman na iyong matututunan mula sa panitikan ay walang limitasyon, tanging isip mo ang lugar na lalakbayin habang nagbabasa na maging dito ay walang imposible hangga't kaya mong lawakan ito.
Bakit nga ba kailangang pag-aralan ang panitikan? Una, ginigising nito ang iyong isip at puso pamamagitan ng pagtulong sa ito upang makita mo ang sitwasyon ng ibang tao sa pamamagitan ng mga karakter na iyong nakakasalamuha sa mga panitikang iyong binabasa. Dahil rin dito natututo tayong magkaroon ng simpatya at malawak na pang-unawa dahil alam mo na ang pakiramdam ng sitwasyon ng iba dahil sa binasa mo. Ikalawa, natututo ka sa kasaysayan hindi lamang ng tao at lugar, kundi na rin sa marami pang bagay na hindi na maaaring balikan pero maaari mo pa ring malaman dahil sa panitikan. Ikatlo at panghuli, sa pamamagitan ng pagbabasa, napapalawak natin ang ating kaisipan hindi lamang sa katotohan kundi pati na rin sa ating imahinasyon na kung saan nagsisilbi itong pagtakas mula sa realidad na kung saan tayo ang may kontrol sa lahat ng maaari nating isipin. Kasama na rin dito ang pagtuklas natin ng mga bagong kaalaman at paglikha ng mga ideya na maaari nating maging kasangkapan sa paggawa ng posibilidad na noon ay hindi posible.
Pinag-aaralan ang panitikan sa maraming pamamaraan at dahilan. Una, kung iniisip mo na naaaksaya ang oras mo sa pagbabasa, dyan ka nagkakamali, dahil ang pagbabasa ng mga panitikan ay mas nakatutulong sa iyo upang mas makatipid ng oras na matutunan ang maraming bagay lalo na sa partikular na larangan ng iyong binabasa dahil hindi mo na kailangan itong maranasan, at sa pamamagitan lamang ng pagbabasa ang lahat ng iyong binabasa at iyong madaling natututunan. Ikalawa, nakatutulong ito upang maging mabuti tayong tao. Bakit? Sapagakat sa pamamagitan ng pagbabasa ng panitikan natututo tayong malaman at unawain ang kalagayan at nararamdaman ng ibang tao mula sa mga karakter sa ating mga binabasa. Natututo tayong magkaroon ng simpatya at malasakit sa iba dahil dito. Ikatlo, itinuturing itong lunas sa kalungkutan ng tao. Bakit? Dahil sa pagbabasa ng panitikan nalilibang tayo at pakiramdam natin nagkakaroon tayo ng kasama o karamay na naiintindihan tayo at kung paano tayo mag-isip. Nagkakaroon tayo ng tinatawag na koneksyon sa mga kakter o kaalaman na ating nakakasalamuha habang tayo at nagbabasa. Ang ikaapat at huling rason, inihahanda tayo nito sa mga pagkakamali na maaari nating kaharapin sa kinabukasan. Kadalasan sa mga panitikan at patungkol sa mga karakter na nabigo ngunit natutong bumangon at magtagumpay sa huli, at ganoong aral ang nais ipaalala sa atin ng ganoong uri ng panitikan na sa buhay mayroon talagang mga pagkakataon na matatalo ka pero hangga’t lumalaban ka,kakayanin mo na makamit ang tagumpay sa huli.

Halloween Pokemon Stickers made by AnnaTattoos
pov: bubunot na ng index card yung prof nyo sa law
kayo ng mga kaklase mo: