Hanggang kailan?
Dumating na ba kayo sa point na parang gusto niyo nalang gumive-up? Na feeling mo, wala naman ng sense ang lahat pero eto ka, pinagpapatuloy parin kahit nakakapagod na? Dati, sobrang inspired ka pero habang tumatagal, hindi na? Nawawala na ‘yung inspiration mo at motivation mo kung bakit mo ‘yun ginagawa. Kung bakit mo ginagawa ang bagay na ‘yun.
Well, I’m talking about school stuff.
First year college palang ako pero pagod na ako. Hindi pa ako nag-eeffort pero ayoko na. Iisipin ko palang ang mga dapat kong gawin, naistress na ako. Hindi ako nag-aayos sa pag-aaral. Mag-ayos man ako, isang araw lang. May exam bukas, pero ako puro social media. Imbis na libro ang binabasa, mga walang kwentang bagay sa news feed ang binabasa. Tapos kapag dating ng exam, mapapa shet ka nalang. Magsisisi kung bakit hindi ka nag-aral kagabi. Pero ano bang magagawa ng sisi mo? Tapos mangangako ka na next exam, mag-aaral ka. At pag dumating ang susunod na exam? Ayun, balik sa dating gawi. Uunahin ang social media. Papasok ng di nag-aral. Mage-exam. Magsisisi. Mangangako na mag-aaral na tapos uulit na naman.
Nakakapagod din palang maging ganun. At ang nakakalungkot lang, marerealize mo lang ‘yun kapag patapos na ang semester mo. Kung kailan finals na, saka mag-aayos. Bakit nga ba? Ah. Maghahabol kasi ng grades. Kailangan pumasa eh. Hindi na baleng mababa ang grade, basta ang mahalaga, pumasa.
Kaso nga lang, naisip ko. Kung nag-effort ba ako nung umpisa ng sem na ‘to, magiging satisfied kaya ako? Magiging masaya kaya ako sa kakalabasan ng grade ko? Hindi ba ako maistress tuwing naiisip ko ‘yung mga panahong dapat nag-aaral ko pero panay ang gala at paglaro sa cellphone? At ngayon, nanghihinayang ako. Kasi sana nag-effort ako. Sana ginawa ko ang best ko para kahit na mababa ang grade na makuha ko, masasabi kong, “Resulta ‘to ng paghihirap ko sa subject na ‘to kaya dapat makontento ako.” At kung hindi man ako makontento sa grade na nakuha ko, edi mas aayusin ko nalang next time.
Pero hanggang kailan ba ang next time? Hanggang kailan ba ulit ako uulit sa umpisa? Kasi nakakapagod din pala ang walang ginagawa. Nakakapagod din palang makitang mababa ang grades mo. At nakakapagod din na feeling mo, inu-underestimate ng ibang tao ang kakayanan mo. Kaso kung kailan finals na, saka lang ako na-motivate mag-aral. Nakakalungkot pero anong magagawa ko? Magdusa ka, girl. LOL.
Sana tuwing tinatamad akong mag-aral, naisip ko na, “Kung hindi ngayon, kailan?” Kung hindi ako ngayon titino sa pag-aaral, kailan pa? Kapag tapos na? Kapag wala na?













