Heto yung mga araw na parang ang layo layo ko sa katotohanan. Di ko alam kung maipapaliwanag ko ng maayos na yung tipong maiintindihan ng iba pag kinuwento ko. Pero ito yung mga sandali na parang ang bagal ng mundo, yung tipong sa sobrang bagal ng paglakad ng oras pakiramdam mo napagiiwanan ka parin. Weird man pakinggan o malaman pero madalas ko ginagawang pupunta lang sa isang mataong lugar kung san uupo, manonood lang ako ng mga taong dumadaan. Minsan kasi ang sarap lang nilang panoorin. Ang saya nilang tignan, tapos minsan napapatanong ako bakit parang hirap na hirap ako sa pagiging masaya. Minsan napapatanong din ako kung nararanasan din ba ng iba yung nararanasan ko. Tapos maalala ko yung dahilan kung bakit ko sinusulat to. Wala kasi akong mapagsabihan, madalas nagdadasal lang ako pag sobrang na prepressure na ako sobrang nahihirapan sa mga bagay bagay. Pero eto ngayon kung magdadasal ako ito ang mga sinasabi ko kay Lord.
Ang pangit ng araw ko. “Ngayong araw, sabi ko magbabago ako at magsisipag na uli.” Yan ang nasa isip ko kagabi bago ako matulog at magaral ng report ko para sa isang subject. 9 am ang start ng class ko so bago matulog, uminom na muna ako ng gamot ko at gatas para maayos tulog ko. Wala naman akong sakit pero madalas sumasakit ulo ko dahil kulang sa tulog. So yun nga, nag lagay ako ng alarm dalawa pa nga eh. Isang 7:00 am at isang 7:30 am pagkatapos… natulog na ako. Nagising na ako, di ko akalain nangyayari pala yung sa mga commercials na pagdismiss mo sa alarm, pumikit ka lang isang oras na ang nakalipas. Tumpak, late ako. Usual traffic ang sinalubong ko, so 1 hour late ako sa subject kung san may presentation ako. Pagdating ko, may exam. Di ko alam kung ano I-eexam at ang malupit pa dun dalawa ang exam. To make this part short… sa first exam 4/25 ako di kasi ako nangongopya, I do my best not to. Then sa second exam binigyan ng chance makapag review so naka 14/25 ako. And that is just the start of an epic day.
The second thing that happened, remember na sinabi kong wala akong sakit pero di okay ang health ko? Yung nahihilo ka at sumasakit ang ulo dahil laging kulang sa tulog so in short low blood pressure ako to the point na malapit na ako sabi ng doctor to have hypertension. Hindi yun ang dahilan kung bakit sumakit ang ulo ko in this one. I’m a church a guy, cell leader, not perfect but doing my best to change for the better towards Gods destiny for me. We help people to know Christ. Well I think I’m the least in our team but I don’t mind about it anymore, ang importante is I keep the main thing which is I love God. So tapos na ang introduction, last Sunday there was this guy who gave his life to Jesus. So lumapit ako sa kanya to be warm to him and represent the church and our pastor. Maganda naman usap naming then he told me he wanted to help his co-worker na makilala si Lord. I took his number para ma kamusta ko sya time to time and in our convo he asked me if I can go to his workplace para makita ko daw yung way ng work nya. Yun na. Kanina pumunta ako dun, I already have a bad feeling kasi sa Quezon Ave banda… Nasa isip ko baka networking, pero I said to myself, “No. Don’t be like that Armah. Malay mo ito na chance mo makatulong sa ibang tao ng proper at maka contribute sa church.” We met at Mcdo, Q. Ave. Then yung akala kong may matutulungan ako, ang napuntahan ko eh parang networking ng isang doctor about his clinic and way of treatment. So yeah, epic fail. Sayang pamasahe… naka 150 din ako sa pamasahe. Isang araw hanggang dalawang araw na pamasahe din yun papunta at pauwi galing school. Before I go back to school for my lifegroup/cellgroup, I texted him about the way I decided to help people which is by sharing what I experienced through Christ.
Nalungkot ako na walang pinatunguhan yung lakad, pero okay lang atleast I tried kesa naman wala akong ginawa tapos kung sakali di ba na marami akong matulungan. Yun palang di na talaga maganda takbo ng araw ko. Until, pagdating ko sa school to conduct the lifegroup I saw my cellmate/friend. I thought naghihintay sya for lifegroup… yun pala magpapaalam na di na sya pupunta ng lifegroup, dahil daw bumagsak sya sa arts subject nila (sa isip ko, lahat ng arts subject ko eh sabit lang grade ko) na grounded daw sya. I convinced him not to go away pero mahirap talagang mangumbinsi ng taong nakapagdesisyon na. For a cell leader, to lose a cell member is painful. Kasi may investments ka dun eh, para sa life nila kagaya ng mga pinangmiryenda nyo, emotions mo to love them. Pero wala eh. Yung dating 20+ people na lifegroup naubos nanaman at isa nalang natira… Ulit nanaman ako sa simula.
At panghuli, ang paguwi. Yung tipong paguwi mo nasigawan ka kaagad. Dahil nagpapabukas ka ng naka - kandadong pinto. Tpos nagtuloy tuloy yun, yung karamihan ng ginagawa mo makikitaan ng butas na tatamarin ka nalang gumalaw at mapapabuntong hininga. Take note bawal sumagot o mangatwiran o sabihin na sila nagutos ng bagay na kinaiinisan nila basta manahimik ka lang. So yun di nilang ako sumagot, naghugas nalang ako ng pingan. Ito ang araw ko and I still choose to be cool. Sabi nga sa last preaching na narinig ko, “Don’t ask what you need to do but ask what God wants you to be in that situation.” And I choose to be the person who’ll take everything that happened today and carry on.