"Ang pagiging babae ay pamumuhay sa panahon ng digma" (To be a woman is to live at a time of war)
Dahil spumasa na ang RH Bill sa House at sa Senado, at panahon na ng Bicam, muling alalahanin ang tula ni Joi Barrios
JOI BARRIOS ang pagiging babae ay pamumuhay sa pan
ahon ng digma. kapiling ko sa paglaki ang pangamba, hindi ko tiyak ang bukas na laging nakakawing sa mga lalaki ng aking buhay: ama, kapatid, asawa, anak. kinatakutan ko ang pag-iisa. sa pagiging ina, kaharap ko’y tagsalat. pagkat ang lupit ng digmaan ay hindi lamang sa paggulong ng mga ulo sa pagguhit ng espada, kundi sa unti-unting pagkaubos ng pagkain sa hapag. ay, paano sabay na magpapasuso sa bunso habang naghahanap ng maisusubo sa panganay? walang sandaling walang panganib. sa sariling tahanan, ang pagsagot at pagsuway ay pag-akit sa pananakit. sa lansangan, ang paglalakad sa gabi’y pag-aanyaya sa kapahamakan. sa aking lipunan, ang pagtutol sa kaapiha’y paglalantad sa higit na karahasan. kay tagal kong pinag-aralan ang puno’t dulo ng digmaan. sa huli’t naunawaan, na ang pagiging babae ay walang katapusang pakikibaka para mabuhay at maging malaya
TO BE A WOMAN IS TO LIVE AT A TIME OF WAR To be a woman Is to live at a time of war. I grew up with fear beside me, uncertain of a future, hinged to the men of my life; father, brother, husband, son. I was afraid to be alone. To be a mother Is to look at poverty at its face. For the cruelty of war Lies not on heads that roll, But tables always empty. How does one look for food for the eldest As a baby sucks at one’s breast? No moment is without danger. In one’s own home, To speak, to defy Is to challenge violence itself. In the streets, Walking at nightfall Is to invite a stranger’s attack. In my country To fight against oppression Is to lay down one’s life for the struggle. I seek to know this war. To be a woman is a never ceasing battle To live and be free.











