Sana magising tayo sa parehong araw.
Dalawang taong magkasama, pikit-matang nakaharap sa isa't-isa at pilit nananatili sa nakasanayan nila.
Bangungot ba 'to o isang pantasya? Hindi ko alam, basta, kasama kita.
Kung bangungot man ito at magising ka, sana sabay tayong dalawa... para hindi ako maiwan mag-isa.
Kung pantasya ito, gumising tayong dalawa at gawin nating totoo ang pinapangarap ng iba.
Ramdam ko ang unti-unting pagmulat ng aking mata pero pilit isinasarado sa takot na tuluyang mawala tayo. Pwede bang hintayin mo'ko magising? Huwag natin iwan ang isa't-isa sa nakaraan at pangarap na binuo nating dalawa.
"Sana magising tayo sa parehong araw," bulong ko sa sarili habang nangingilid ang mga luha.
rainstorm | 14 Aug 25








