Pagpapahalaga sa Pagiging Asyano (Sanaysay)
Pinagmamalaki mo ba ang pagiging Asyano?
Kailangan natin na ipagmalaki ang pagiging Asyano dahil mayaman tayo sa mga tradisyon at kultura, mga likas na yaman at mga magagandang tanawin. Nagtutulong-tulong tayo sa ating mga kapwa. Ang ating pagiging malapit sa isa’t isa sa loob ng pamilya o close family ties, ay isa sa ating mga ugali. Sina lolo’t lola ay nasa bahay, o kaya naman si manang at kanyang mga anak.
Para sa akin, ang mga Asyano ay may makulay na buhay, dahil sa ating mga lipunan o sa ating kultura’t paniniwala. Kung sa mga Pinoy, ang ating kultura ay pinaghalong impluwensiya ng mga katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang taong mananakop natin noon. Meron din tayong mga pagdiriwang na maka-Diyos. Hindi lang isa ang ating mga pagdiriwang may iba’t ibang pagdiriwang sa iba’t ibang bagay na nangyayari sa ating kontinente.Marami tayong mga ambag sa mundo. Sa teknolohiya man hangang pananamit, meron din ang mga Asyano gumawa ito. Meron mga aplikasyon o apps para sa mga gadyets. Ito ay nakakatulong para sa ating araw-araw na gawain.
Ang pagkakaisa sa layunin ng bansa at pagiging “proud” bilang Pilipino ay isa rin. Kaya ipagmamalaki natin ang pagiging Asyano.










