FACT: Hugging or holding hands with the person you love has been proven to reduce stress almost instantly.
Sa mga Single diyan at walang lovelife, wag na kayong magtaka kung bakit stress na stress kayo. HAHAHA.
HAHAHAHA
Sweet Seals For You, Always
Aqua Utopia|海の底で記憶を紡ぐ
Today's Document
noise dept.
I'd rather be in outer space 🛸
occasionally subtle
Cosmic Funnies

Kiana Khansmith
Mike Driver
we're not kids anymore.

oozey mess
he wasn't even looking at me and he found me
RMH
Monterey Bay Aquarium
2025 on Tumblr: Trends That Defined the Year
NASA
Keni

Origami Around
d e v o n
todays bird

seen from United States
seen from Netherlands
seen from Morocco

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from Ireland
seen from Malaysia
@moinai-blog
FACT: Hugging or holding hands with the person you love has been proven to reduce stress almost instantly.
Sa mga Single diyan at walang lovelife, wag na kayong magtaka kung bakit stress na stress kayo. HAHAHA.
HAHAHAHA
So Seungho is baacckkk <3
She lives the poetry she cannot write.
Oscar Wilde (via quotemadness)
[VID] Lee Hongki/イ・ホンギ(from FTISLAND) - Monologue【Official Music Video】
cr: FTISLANDofficialjp
Nanay, tatay, gusto kong tinapay. Ate, kuya, gusto kong kape. Lahat ng gusto ko… …ay iniwan din ako.
♥♥♥♥♥
This has always hit me hard
gets me everytime
I probably reblogged this 10xs
OMG THIS NEVER FAILS TO MAKE ME CRY
Nakita ko sa Facebook yung 52 Week Money Challenge ni Kuripot Pinay. Ayon sa blog, magsisimula ka magtago/mag-ipon ng pera sa halagang 50 pesos, pagkalipas ng isang linggo dadagdagan mo ulit ito ng 50 pesos (100 na yung itatago mo). Sa loob ng 2 linggo meron ka nang naipon na 150 pesos. Gagawin mo ito hanggang sa matapos mo yung 52 na linggo. Sa loob ng isang taon makakaipon ka ng halagang 68900.
Medyo nabigatan ako (hehe) sa kada linggong hulog. Hindi akma ang matrix na ito sa nakukuha ko kada payout. Dahil doon, gumawa ako ng sarili kong matrix.
Tatawagin natin itong 24 Week Money Challenge. TADAAAA!!!!
By 100 naman yung increment niya, at tuwing payout ka magtatago ng pera. Mas magaan kumpara sa linggo-linggong pagtago ng pera.
Yun nga lang 30K lang yung maiipon mo sa isang taon (pero di na masama yun).
Sa lahat ng susubok nito, eto lang masasabi ko:
May the odds be ever in your favor.
MY 'MEDYO SUMMER NA' EXPERIENCE Somewhere in Batangas
Bilang dakilang kuripot, never akong naging fan ng mga mamahaling resort na kailangan mo pang magbayad at gumastos ng kung anu-ano para lang ma-enjoy ang summer. Tapos pag nasa loob ka na, halos hindi mo din masulit dahil andaming tao. Eh bakit di ka na lang maghanap ng mas secluded na lugar na malapit dun sa mga resort na yun tapos dun ka tumambay di ba? Gaya nito.
Ganun din naman kase di ba? Pareho lang yung simoy ng hangin at lasa ng tubig. Minsan nga mas magaganda pa yung makikita mo kase bihirang puntahan ng tao. Mapapa feeling machete ka na lang kase ikaw yung pinakamachong tao sa isla. Wala kaseng ibang tao kundi ikaw lang. hihi.
Yun nga lang dapat niyong magdala ng sariling pagkain dahil wala namang fried chicken na pwedeng pitasin sa mga punong kahoy dun.
Feeling ko tuloy nasa Palawan lang ako. Feeling ko lang naman.
Sa sobrang ganda ng lugar, Ang sarap lang magyakapan at magpagulong gulong sa buhanginan hanggang mabagok pareho ang ulo niyo sa bato. Tapos pagising niyo, wala na kayong maalala pero alam niyo pa rin sa isa’t-isa na nagmamahalan kayo. Hashtag Joaquin. Hashtag Chichay.
Sabi ng teacher ko nung elementary, Estuaries daw yung tawag sa pinagdugtungan ng dagat at ilog. At eto yun. Kaya siguro sobrang sarap maligo kase hindi masyadong maalat. Pinaghalong tubig alat at tubig tabang. Tapos sabay mong napapakinggan yung tunog ng alon at tunog ng agos.
Tapos may crocodile pala at bigla kayong kinain ng buhay. Waaa! Hindi ko naisip yun nung andun ako. :(
At alam mo bang nasunog ang likuran ng hotdog na ito dahil busy ako sa pagseselfie? Sa sobrang sunog, mas maitim pa siya sa budhi ko.
Buti na lang may barbecue pa kami. Sarap lang magbangi lalo na kung hindi ikaw ang nagbabangi dahil nanunuod ka lang. haha!
Pero ang isa sa pinakamasayang part dito ay ang kumain at makipaglampungan sa tabing dagat na walang KJ na lifeguard na mananaway sa'yo. hoho
Ang ganda ng paa ko. Buti na lang nagnailcutter ako.
Sobrang nag-enjoy talaga ako dito sa lugar na ‘to given na din siguro na kasama mo yung pinaka importanteng tao sa buhay mo. Babalik ulit ako dito. At sana, ikaw pa rin ang kasama ko. =)
Now That Your ZAMBALES That I Used to Know...
Anawangin is a crescent shaped cove in San Antonio, Zambales, It is famous for its lush pine forest surrounding its white-sand beach and crystal clear waters. Astig right? ( Googled para kunwari hardcore travel blogger. )
Noong una, kala ko sobrang edited lang ng ibang pictures na nakikita ko sa internet kaya nagmukhang maganda ang Zambales. Pero nung andun na ako mismo, napa “Wow shet! Parang nasa New Zealand ako!!!”.
Kulang na lang gampanan ko yung role ni Maria sa “The Sound of Music” with mash-up ng “Let It Go” pero nagmukha lang akong gutom na scarecrow.
This was taken at Capones Island since ang first activity namin for the day was island hopping. At yung tower na nakikita mo sa likod ay ang ice castle ni Queen Elsa.
Charing! Lighthouse yan!
Almost 1 hour din yung itinagal namin dito sa Capones. Muntik na nga kaming iwan ng tour guide dahil bawat hakbang namin, sumelfie na kami ng sumelfie. Sobrang init pero buti na lang nakasunblock ako with SPF 50++ Ready yata to. =)
Medyo mahaba habang boat ride din yun bago kami nakarating sa Anawangin Island. Ang tutuluyan namin for 2 days and 1 night.
Ganyan talaga yung kulay ng dagat and sobrang linaw sa personal. Mas malinaw pa sa pag-iisip ng ex mo. At mas berde pa sa isip ni Mang Kanor. Srsly.
Sabi nila, may halong lahar daw ang buhangin dito kaya sobrang fine. Syempre malapit lang sa Mt. Pinatubo kaya hindi imposible yun. Sobrang sarap ding magswimming kase anlayo layo mo na pero ambabaw pa rin ng dagat. Eh hindi ako marunong lumangoy kaya advantage yun sakin. Nakakalungkot lang dahil hindi ko natagpuan yung jellyfish na kumagat kay Anne Curtis. Magpapakagat din sana ako dahil gusto kong simutin ang DNA ni Anne.
Ang lakas lang maka camp site nung nakita ko yung tutuluyan namin. May tent kasi tapos puro pine trees. Wala kasing ganito sa hardin namin kaya tuwang-tuwa ako. Tska perstaym kong makakapasok sa tent. Ganun pala yung feeling. Pramis. =)
Walang wifi at signal. Wala ding kuryente. Bonfire lang. Pero buti na lang may powerbank ako. ( Kaya bili na kayo, nagbebenta ako sa Fb. Meron ding monopod, shutter at clip lens. PM me for those interested. hahahaha! #segue )
Medyo malamok sa gabi. Wala ding bilihan ng pagkain kaya namalengke muna kami sa bayan bago pumunta dito. Then ayun, hanggang dito sa Zambales, de lata pa rin ang ulam ko. Kaya paano ko mamimiss ang bahay namin di ba? Pero okay pa rin naman. Exciting. Kase, hindi mo usual na ginagawa. Lalo na yung mag-ihaw ng hotdog tapos masusunog lang. ( t*ng-inuuhh)
Day 2. Ang aga lang naming gumising. Mountain trekking agad-agad. Actually, dalawa lang naman yung dahilan kung bakit pinilit kong umakyat. (1) Gusto ko magselfie sa taas (2) Baka sakaling maburn yung fats ko sa tiyan pag nag-akyat baba ako ng 100x
Natupad ko naman yung unang purpose ko. Selfie sa tuktok ng bundok. Check! Pero ang pinakamasakit na part, di ko natupad yung pangalawa. Andito pa rin ang beer belly ko. Bakit ganunnnnn…
Yung parang naging kasing babaw na ako ni Kris Aquino dahil lahat na lang ng view sobrang nagandahan ako. Pero seriously, ang epic nung part na halos tanaw mo lahat.. Lahat-lahat…maliban sa mga pangarap mo. huhu
So far, “ito na yung pinakamagandang summer experience ko”. Bale sinabi ko din yata ito dati nung nag travel ako sa Ilocos last year. Pero hindi ko maiwasang sabihin ulit kase sobrang nakakaamaze lang kapag napupuntahan mo yung mga lugar na sa picture mo lang nakikita at napapatunayan mo mismo sa sarili mo na sobrang ganda pala talaga dito sa Pilipinas. Walang halong biro. =)
Thank you Zambales. Babalik ulit ako dito. =)
TIPS KUNG PAANO LUMANDI WITH DIGNITY
Kapag makikipagchat, wag masyadong magkwento tungkol sa sarili. Wala siyang pakialam sa patay na kuko mo. Magtanong ng kahit ano tungkol sa kanya para mapahaba ang usapan.
Para kang double-dead na zombie kapag walang emoticons sa mga chat mo. Iba ang dating ng, “musta araw mo” sa “musta araw mo? ;)”
Kapag nag “uy!!” siya, utang na loob, wag mong sasagutin ng “uy!!” din. Ang boring mong kausap sa part na yun.
Purihin mo siya. Hindi yung nakataas ang kamay tapos maghahaleluyah ka sa harap niya. Icompliment mo yung mga actions niya kesa sa itsura at looks niya para tamang paandar lang. At some point, mas magiging komportable siya sa’yo.
Limitahan ang pagmemention sa kanya sa twitter lalo na kung hindi masyadong mahalaga. Mahirap magbasa ng interactions. Hindi mo ikabubuntis yan.
Wag mo siyang iaadd sabay sabay sa Wechat, Line, Viber, Bbm at Kakaotalk. Obvious na obvious ang “Art of stalking” mo. Iadd lang siya sa madalas niyang gamitin.
Kapag nilike mo na yung picture, wag ng magcomment ng “<3” lalo na kung ang maximum likers lang niya sa instagram ay 11 lang. Mapapansin ka na niya nun.
Iwasang magcomment ng “Bakit ang cute mo? <3”. Itanong mo na lang sa nanay niya dahil hindi niya din alam ang sagot dun. Malupit lupit na pandededma lang ang aabutin mo.
Kapag binigay niya ang number niya, pigilan ang sarili na itxt siya agad agad. Maglaan ng 1 day para sa matinding soul-searching para pa-mysterious effect ng konti.
Siguraduhing update ka sa mga tweets at FB status niya para kung sakaling madepress siya, attack na agad friend!!!! Yan na yung dynamic portal para umepal sa buhay niya.
Iwasang tititigan ng matagal ang picture niya habang nakikipagchat. Baka “kainin mo ako” ang maitype mo sa halip na “Kumain ka na” Matutong magpigil ng hormones. Pigain muna ang panty.
Idaan sa humor. Kahit gaano ka kaganda/kagwapo, kung saksakan ka naman ng boring kausap hindi mo malalandi ang taong gusto mo.
MORE HERE: http://israelmekaniko.tumblr.com/kwentongmekaniko
THE SEARCH FOR CHIZ SA "VILLA ESCUDERO"
Ang kauna-unahang tanong ko nung nalaman kong pupunta kami ng Villa Escudero, “Andun kaya sina Heart at Chiz?” hihi.
Located in San Pablo City, Laguna, bale isang oras na biyahe na may konting tumbling from Batangas City, mararating mo na ang Villa Escudero Resort and Plantation.
“Welcome Palamig” daw ang tawag dito sa hawak ko. Binigyan nila kami nito habang naghihintay kami sa lobby since napaaga kami ng dating. Buti na lang at walang gulaman yung palamig dahil kahit libre, hindi ko talaga yan iinumin.
First activity, museum tour. Hindi ka pa man nakakapasok sa loob, makikita mo na sa labas kung gaano kadaming antique collections ng mga Escuderos.
Ito naman daw ang mansyon ng mga Escudero. 3rd Generation na daw ng pamilya nila ang nakatira dito. At yun ang sabi ni Manong tour guide sa'kin. Hindi ko pa lang nachecheck sa Wikipedia kung reliable talaga si Manong o pinagttripan lang niya ako. Pero kung 3rd Generation ng Escudero family ang nandito, posible kayang andito din ang Girls Generation? hihi.
Pink din yung kulay ng church nila, obviously. Akala ko nga dadayo lang kami ng nobena kasi pinapapasok kami sa loob pero ito pala yung museum ng mga Escudero. Pero dahil bawal ang camera sa loob, eh di wala kaming picture! Nakakaamaze lang kasi andami-dami nilang collection ng mga artifacts at mga makasaysayang gamit galing sa iba’t-ibang lugar dito sa Pilipinas maging sa ibang bansa. Samantalang ako, puro keychain lang at ref magnets yung tinatago ko pag nag-oout of town ako.
Pagkatapos ng museum tour, isinakay kami nitong seksing kalabaw na ‘to with very nice ass papuntang Labasin Lake. Nakaka-Probinsya feels lang dahil habang nakasakay kayo sa karitela, may babaeng kumakanta ng “Sa Libis Ng Nayon” sa likod. Tnry kong magrequest ng Wrecking Ball pero hindi niya ako pinagbigyan. Hustisya.
Since 11pm pa naman ang lunch, pwede naman daw magswimming sa pool nila pero hindi ko na inattempt dahil mas gusto ko yung palakad lakad at papicture picture lang habang nagpapacute sa ibang guests. Para kunwari may pool kami sa bahay. LOL.
Dito kami nagstay pansamantala sa Indigo Cafe. Overlooking ang kagandahan ng Labasin Lake.
Inabangan ko talaga kung may lalabas na crocodile pero wala akong nakita. Puro mga tilapya lang. Pwede ditong mag river rafting at fishing pero dahil masaya na yung mga kasama ko sa paselfie-selfie lang, nagselfie na lang sila buong araw.
Kapag diniretso mo yung lake, bubungad sa'yo ang kanilang Labasin Falls. Actually, man-made yan dahil sa kanilang Hydroelectric Power Plant na nagsusupply ng kuryente sa Escudero Coconut Plantation.
Ito talaga yung pinaka tourist attraction sa Villa Escudero dahil maeenjoy mong kumain sa harap ng falls habang nakalubog ang paa mo sa tubig habang dinig mo yung agos at lagaslas. Yun nga lang, parang medyo kinabag ata ako. Lamig kasi. :3
At ang pinakahinihintay ko.. Kainan-all-you-can!!! Bilang hindi ako nag-almusal sa bahay dahil alam kong mapapaunli-kain ako, ginutom ko talaga ang sarili ko ng 6 hours para sulit naman yung kain at punta ko dito. Atleast, nakapagpenitensya din ako ngayong Holy Week.
Naghanap ako ng spaghetti at french fries pero wallaaaaaaaa!!!! Puro pagkaing Pinoy. Pero sobrang sarap naman. =)
Btw, sila nga pala mga kasama ko. My Familyyyy.
All in all, sulit naman ang 1400php /head para sa isang day tour. Nag-enjoy sila eh.
Yun ang pinakamasarap na feeling.
http://www.villaescudero.com/
Puting Buhangin x Dampalitan x Borawan
Bilang dakilang lakwatsero, nagbiyahe kami ng mga kawork ko mula Batangas hanggang Padre Burgos Quezon marating lang ang Puting Buhangin, Dampalitan at Borawan Island na nadiskubre ko lang dahil sa mga travel blogs na binabasa ko.
Nung una, binalak naming maghanap ng mga package tour para iwas hassle. Pero ang ending, nagpaka backpackers na lang kami para may thrill.
At dahil naka do-it-yourself ang trip namin, natuwa ako nung first time kong sumakay sa mini-bus na biyaheng Unisan. Ang lakas lang makaprobinsya. Yung tipong pag nagpreno, mangangalas yung side mirror, bintana at manibela tapos mahahashtag tuhog ka.
Pagkadating namin sa Brgy. Basiao, sinalubong na agad kami ni Ate Vanessa. Siya yung contact person namin para sa bangkang gagamitin namin para sa island tour. At nakita ko lang din ang number niya sa mga travel blogs na nababasa ko. Buti na lang at provided na nila yung mga lutuan at kaldero na kakailanganin namin para sa 2 days and 1 night adventure.
Kasama si Kuya Ilong na aming bangkero for the day, nagsimula ang aming island tour at around 9 AM. Tinanong ko din si Kuya kung bakit “ilong” yung palayaw niya kung pwede namang “tuhod” o “yagbols” na lang. Pero sabi niya, Carmelo daw ang totoong pangalan niya. “Carmelo = ilong”. Yun na yon guys.
Ang first destination, Puting Buhangin. Ito daw kasi ang pinakamalayo sa tatlong island kaya ito ang inuna namin.
At nagets ko na kung bakit Puting Buhangin ang tawag nila sa lugar. Ieexplain ko pa ba?
Pagkababa ko ng bangka, sa halip na tumulong ako sa pagbabababa ng mga gamit, nagselfie muna ako siyempre. So pinicturan ko paa ko. Magkamukha kami eh.
Ito yung tinatawag nilang Kwebang Lampas. Yan yung tawag sa kanya dahil lampasan yung kweba. Galing ko magexplain right? Pero seriously, para siyang maikling tunnel na pag pasok mo sa loob, lalabas ka lang on the other side. Ito ang pinakatourist attraction ng isla dahil feeling ko, ang sarap tumambay at maglampungan sa loob lalo na kung tirik na tirik… ang araw. Okay?
Dito kami naglunch at nagstay for almost 4 hours. An sarap lang dahil ang gandang pagmasdan ng kulay ng dagat. Sobrang linaw pa kaya naengganyo kaming maligo kahit tanghaling tapat. Kulang na lang laklakin ko yung sunblock with SPF50 wag lang akong mangitim.
At around 2 PM, boat ride naman papuntang Dampalitan Island.( Less than 25 minutes from Puting Buhangin )
Unlike sa Puting Buhangin na puro puno ng niyog, puro pine trees naman dito sa Damplaitan. Mas mahaba din ang shoreline dito kumpara sa dalawang isla.Kaya naman, this is the best place for habulang-gahasa with feelings.
Dito namin naisipang magstay magdamag dahil mas mura ang overnight camping ( 60php ) compared sa Borawan at Puting Buhangin na almost 120 php. Kaya lang, 10pm pa lang pinapatay na nila yung supply ng kuryente kaya obligado kayong mag bonfire para may ilaw kayo sa gabi. Hindi din kase pwedeng magbonfire sa Borawan at Puting Buhangin kaya mas marami talaga ang mas gustong magovernight dito kapiling ang iba’t ibang species ng lamok.
At ang isa pa pinakamagandang part dito sa Dampalitan, kitang-kita mo ang sunset. Meron din namang sunset sa harap ng bahay namin pero dito, dalawang bagay lang yung mararamdaman mo. It’s either, “Hanggang kelan kaya ang forever natin?” o kaya “Ang ganda ng sunset. Ipopost ko to sa instagram.” Those feels.
After dinner, ( salamat sa mga kasama ko na nausukan sa pag-iihaw habang busy ako sa pagseselfie ), bonfire naman. Pero dahil hindi mo ulit ako maaasahan dito, nakatunganga lang ako habang pinagmamasdan ang mga bituin sa langit habang busyng busy rin ang mga lamok sa pagpapak sa legs ko.
Kinaumagahan, after breakfast, dumating si Kuya Ilong para sunduin kami para naman sa Borawan Trip namin.
It was named Borawan dahil sabi nila, pinagsamang Boracay at Palawan daw ito sa ganda. Medyo naconvinced naman ako sa parteng Palawan dahil sa mga astig nitong rock formations. Pero mukhang malayo kung icocompare sa Boracay kung ang magiging basehan ay ang white sand nito.
Sa tatlong isla, masasabi kong ang Borawan ang may pinakamagandang view dahil sa mga limestone formations nito. Mas hygienic pa ang mga CR at paliguan. Pero the best pa ring magswimming sa Puting Buhangin.
How to get here:
If you’re from Manila:
Ride a bus going to Lucena like JAM Liner or JAC Liner located in Buendia terminal or Kamias terminal. Estimate fare 210php from Buendia.
If you’re from Batangas
Ride a Supreme Bus going to Lucena located in Grand Terminal. First trip is 3 AM. Fare is 115php only.
—
From Lucena Grand Terminal, ride a mini-bus bound for Unisan and get off at Brgy. Marao or Basiao. Fare is 35php and travel time is around 45 minutes.
Dampalitan Beach:
Entrance fee - 60.00
Tent pitching- 200.00
Puting Buhangin Beach:
Entrance fee - 80.00
Tent Pitching- 200.00
Borawan Island:
Entrance - 80.00
Tent pitching- 200.00
Shower room - 20.00
Comfort room - 10.00
I recommend Ate Vanessa as your contact person. He can arrange your itinerary at sobrang accomodating pa niya. Mas okay din kung sa kanila na kayo kukuha ng tent which is half the price compare sa tent price sa Borawan, Dampalitan and Puting Buhangin. Tent Rental costs 300php only. Good for 4 pax.
Ate Vanessa ( 09151067594 )
Boat rent:
1,800 - Borawan Island, Dampalitan Beach and Puting Buhangin/Kwebang Lampas
1,200 - Borawan Island and Dampalitan Beach
800 - Borawan/Dampalitan only
Buti na lang at walo lang talaga kami dahil walo lang din ang maximum pasahero na kayang iaccomodate ng bangka.
Backpacking in these 3 island will cost roughly around 1300php only inclusion of transportation, entrance fees, tent rentals, boat rentals and foods. Medyo matakaw pa kami dyan kaya umabot ng ganyan. I suggest na mamalengke muna kayo sa bayan ng Lucena para mas makamura. Pero kung mag aavail kayo ng tour package with the same inclusions, almost 1500php yung magagastos niyo.
This trip is a perfect getaway para sa mga katulad kong ayaw masyadong lumayo ng Metro Manila. May mini-Boracay experience ka na, may mini-Palawan experience ka pa.
Try niyo din. =)
Potpot. Bakit di mo subukang magpublish na rin ng sarili mong libro? Patok ka panigurado. Tatawa lang ng tatawa ang mga readers mo lalo. :)
Yung fishball nga singkwenta sentimos pa rin hanggang ngayon. Makatarungan pa kaya kung tumbasan nila ng 130 php yung laman ng blog ko? Di ba hindi? Baka isumpa niyo pa ako. hahaha! May mga bagay talaga siguro na di kayang pantayan ng pera at kahit anong book cover. Dahil mas okay pag libre. Libre lang maging masaya sa blog ko. ( kung feel mo )
Isa pa, kung kelangan ko ng libro para matawag akong manunulat. Hindi ko na kailangan. Nagsusulat ako hindi para matawag na manunulat. Manunulat na ako kaya ako nagsusulat.
Charing!
"The nasty things people say behind your back are like poisoned arrows. But, thankfully, the words people say while hiding have no strength. So, those arrows can't pierce your heart. However, the most foolish thing you can do is pick up those arrows that have fallen to the ground and then, pierce your own heart with those arrows." -Baek Seung Chan.
The Producer
good night. 😪😪😪