i hope in 2019 we learn to take care of ourselves and to love ourselves more
YOU ARE THE REASON
Claire Keane

#extradirty
Cosmic Funnies

shark vs the universe
sheepfilms
RMH

titsay

Origami Around
let's talk about Bridgerton tea, my ask is open
Cosimo Galluzzi
dirt enthusiast
will byers stan first human second
Jules of Nature
"I'm Dorothy Gale from Kansas"
art blog(derogatory)
we're not kids anymore.

@theartofmadeline
PUT YOUR BEARD IN MY MOUTH

blake kathryn

seen from China

seen from Romania
seen from Netherlands

seen from Germany

seen from New Zealand

seen from Poland

seen from Türkiye
seen from Netherlands

seen from New Zealand

seen from United States

seen from United States

seen from United Kingdom

seen from Malaysia

seen from United States

seen from United States
seen from Mexico

seen from Türkiye

seen from Poland

seen from Kyrgyzstan

seen from United States
@monicagellest
i hope in 2019 we learn to take care of ourselves and to love ourselves more
I fucking hate how you fucking made me feel that fucking night.
“No one has the right to judge you, because no one really knows what you have been through. They might have heard the stories, but they didn’t feel what you felt in your heart.”
— Unknown
I’m so freaking sad.
Para sa susunod na babaeng mamahalin n’ya, Hi. Di pa kita kilala pero ayoko na sa’yo. Maging honest na tayo, di pwede maging friends ang past at present. Sana mabasa mo ‘to. Guide mo rin ‘to, ikaw din naman makikinabang dito. Una sa lahat, favorite n’ya si Thor at Guardians of the Galaxy. Oh ano? Gusto mo din ba yan? Kung hindi, gustuhin mo. Before, di ko gusto GOTG kasi inantok talaga ako nung pinanood ko yan kaso syempre mahal ko yang taong yan kaya ginusto ko na din. Ako, favorite ko si Iron Man at kung may gusto kang gustuhin sa Avengers, wag si Iron Man, respeto naman. Nasa’yo na nga s’ya pa din ba naman si Iron Man? Magtira ka naman para sakin. Nanjan naman si Hulk, si Black Widow (favorite ko din to), Captain America (pati eto) at si Hawkeye. Asarin mo s’ya na sa Thor pinaka-weak na Avengers. Kulitin mo. Ewan ko kung hanggang ngayon nanonood pa din s’ya nung horror na series, pero pagdating ng gabi tinitigil n’ya na yun kasi takot din yan eh nagpapakain pa ng aso yan tuwing gabi, takutin mo s’ya, asarin mo. Mahal na mahal n’ya yung Mama n’ya. Jan ka mas maf-fall sakanya. Ang laki ng respeto sa nanay n’ya. Kini-kiss n’ya pa din yun hanggang ngayon. Mama’s boy yan. So pag legal na kayo sa family n’ya, i-try mo lahat para i-close nanay n’ya. Sabi n’ya mabait naman daw Mama n’ya, muka naman eh, kasi tignan mo s’ya mabait din. Yung pinsan n’ya, si Jewel? Yun paborito n’yang playmate. Di ako mahilig sa bata pero isa si Jewel sa mga gusto kong babies. Maldita daw yan parang ako. So kung sabihin n’ya sa future na ka-ugali mo si Jewel, wag ka maniwala. Ako unang pinagsabihan n’yan. Oo, mainggit ka talaga sakin. Paborito n’ya, champorado at kare-kare. Favorite ko din yang dalawang yan. Feeling ko nga sobrang compatible namin eh. S’ya nagturo sakin magluto ng champorado. Hehehe. Kaya pag kakain kayo sa future ng champorado, isipin mo ako. “Ay favorite nila ni Kate ‘to.” Oh edi ngayon di ka na makakain ng champorado kasi ako maiisip mo? Hahahahhahaha! Tapos pag kakain yan ng avocado, di sya mahilig dun sa mismong shake, yung mismong fruit lang tapos lagyan mong sugar. Parang Lolo ko lang. Dami namin similarities ‘no? Pag galit ka sakanya, sabihin mo dahilan. Wag yung di mo na lang kakausapin. Maging mature ka. Pag gusto mo lambingin, yakapin mo lang s’ya. Alam n’ya na yun. Ang bango n’yan sobra. Dadaan lang yan sa harap amoy na amoy mo na. Siguro kung maliit ka, pag niyakap mo s’ya, maf-feel mo yung heartbeat n’ya. Sarap sa feeling. Hahaha. Tapos pag may laro yan, try mo yung best mong manood sa mga games n’ya. Laking part mo dun. Sobrang galing nyan mag-basketball at volleyball. I-cheer mo lang sya matalo manalo. Pero shempre mas kelangan ka n'ya pag talo sila (which is madalang mangyari, sure win pag nandun sya) basta ipa-feel mo na nanjan ka lang para sakanya. Pag nakaka-shoot sya, tumayo ka, pumalakpak ka, sumigaw ka. "Ang galing mo, love!" Pero tangina naman, wag naman love itawag mo sakanya. Akin yan eh. Baby na lang or babe, bae, hon. Basta wag love. Sa umaga, hirap yan gumising. So pag nahawakan mo cellphone nya ang gawin mo mag-set ka ng alarm nya, 30 minutes ahead para may time pa sya makapag-muni muni. Laging late kasi yan eh. Pero masipag naman magaral yan. Im-motivate ka talaga mag-review and all. One time, nataasan pa nyan ako sa exam. Pucha, kahiya eh. Eto pa!!! Pinilit ko sya palitan dp nya, tas inaasar ko sya ng fuckboy sya dun pero di talaga. Sobrang pogi lang talaga nya hahahahhahah. Sarap sabihan ng "Mine!!!!!!" Tapos ngayon isisigaw ko na "yours!!!!!" #iyakakoih Sobrang laki ng respeto nyan sayo. Pag binigyan ka ng rosary bracelet, that's the real deal. Nung binigyan ako n'yan dati, feeling ko engagement ring na eh Wala na yung nga ganun ko ngayon, napigtal na lahat. Kaya pag bibigyan ka n'ya nun, be thankful and make sure na iingatan mo. Dati, gabi na ko nakauwi, nasa bahay na sya nun ah, hinatid pa talaga ako. Eh kaya ko naman na sarili ko. Oh tamo? Mahal na mahal ako n'yan. Feeling ko nga walang makakapantay sakin. Angas eh no? Feeling ko lang naman. Sya minsan naghuhugas ng pinggan nila, wag mo sya tutulugan ah. Hintayin mo kasi feeling ko nagmamadali yan para lang makabalik agad sa messenger. Nah. Sabihin mo "take your time." Tapos eto ah, dati talaga, nak-korny-han ako pag kunyare video call tas natulugan. Totoo pala yun. Makakatulog ka pala talaga. Hindi dahil sa mga kwento n'ya, kasi parehas na kayong pagod nun eh. Intindihin mo sya kasi sya din ang pinaka-maintindihing taong kilala ko. Sobrang haba ng pasensya. Sobrang ma-respeto. Pag minahal ka n'ya, mahal na mahal. Pero pag tapos na s'ya sayo. Tapos na. Wala ka ng babalikan. Kaya wag mo sayangin tangina naman. Deserve ng taong yan mahalin eh. Pag aalis ka, lagi kang papayagan nyan. Basta update mo lang sya. Sana wala kang bisyo, di ka nagy-yosi or nagiinom kasi hello mahiya ka naman, sya nga ni-tanduay ice di nainom eh. Eh ako naman minsan lang nainom, pag may party. Jan kami nagumpisa mag-away, kasi feeling ko wala syang tiwala. Tas kelan ko lang na-realize kaya pala sya ganun kasi gusto nya mapabuti ako. Shempre that time sarado utak ko. Gusto ko walwal kung walwal. Tanga eh. Alam mo ba, never naging issue samin ang selos. Kasi yan, malaki tiwala nyan sayo pag tungkol sa lalaki. At ako, ganun din. Oo, magagandahan yan sa mga short-haired na babae pero that's it. One time, nakakita ako ng Mika Reyes vibe na babae, pinicturan ko pa yun tas sinend ko sakanya (at may something kami nun ah) gusto ko lang makita nya kasi alam ko naman di n'ya ko pagpapalit. Ako may sobrang ka-close akong friend, feeling ko di din naman sakanya issue yun. Basta never naging issue sainyo yang babae at lalaki. Tsaka, wag mo na hingin password n'ya sa fb. Handa naman nya ibigay pero wag na. Hayaan mo na may privacy pa din kayo. Ako kaya ko lang hiningi password nyan kasi inaaway sya nung jowa ng friend namin. Basta wag mo hingin password nya. Tapos eto, eto yung hindi ko nagawa na sana ginawa ko. Mag-picture ka ng madaming madami pag kasama mo sya. Magselfie kayo ng selfie. Wala akong pake kung mapuno yang memory ng cellphone mo, basta punuin mo yan ng muka nyo puñemas. Kahit panget ka dun, go lang. Ikaw pa din naman pinaka-maganda sa paningin nya. Tapos once in a while, magpost ka sa twitter ng photos n'yo. Wag araw-araw ah. Kaaduwa yun. Gawin mong header. Or icon. Pag naglalakad kayo, hawakan mo kamay nya or yung damit nya sa likod parang nawawalang bata. I think yun talaga ang pinaka-sweet sa lahat. At alam mo, feeling ko clingy sya, ako kasi gusto ko pag kaming dalawa lang, dun lang ako clingy hindi dahil kinakahiya ko sya, kundi dahil gusto ko na parang maging precious moment namin yun. Tsaka daming chismo at chismosa sa paligid no. Alam mo ba dati napaso yan ng plantsa nung baby sya, di sya umiyak Ganun ata sya ka-manhid at ka-strong, charot! TSAKA NAMO KA CRUSH NAMIN SI IZA CALZADO AH!!! Humanap ka ng ibang ic-crush nyo. Crush na crush namin yan!!!!! Alam mo, girl, aaminin ko naman. Mas pinili ko yung panandaliang tao kesa sa pang-forever. Kahit kami nung present ko that time, may time na gusto ko sya kausapin kasi dati, edi naglalakad kami ni guy # 2, tas tumawag nanay nya, alam mo yung binigyan ako ni guy # 2 ng sign na "shhhh, manahimik ka muna, nanay ko natawag" WTF. Na-offend ako. Naisip ko s'ya bigla kasi edi ba nga gabi na, tumawag mommy nya, sabi nasan na daw sya, sabi nya "hinahatid ko lang si Kate." WOOOOH PAKSHET!!!! Kinilig ako nun. Tsaka s'ya lang yung taong kwinento ko sa tita ko na yung tita ko walang sinabi na negative. Kaya ikaw, pag dumating yung time na na-meet ka na n'ya, na pinaramdam n'ya na mahal ka na n'ya, wag mo sayangin. Kasi tangina, sinayang ko yan eh. Gago ako. Wag mo na ko tularan. Alagaan mo sya. Ibigay mo lahat ng pagmamahal na meron ka, cheesy no? Pero totoo yan. Kasi ganun sya sayo. Wala na syang ititira sa sarili nya kasi ganun ka nya ka-mahal. Hindi lang yan boyfriend material, husband material pa. Tinanong ako ng friend ko, sino daw yung greatest love ko, walang isip-isip, sya talaga. Kasi sya yung binabalik-balikan ko. Kasama na sya sa sistema ko. Part na sya ng pagkatao ko. Sinasabi ko sayo ngayon pa lang na walang papantay sakanya. Kahit kayo na, may times na ic-chat ko pa din yan. Hayaan mo na, kahit replyan naman ako nyan ikaw pa din mahal nyan pag nagkataon. Oo, wala ka pa sa buhay nya pero ang totoo inggit na inggit na ko sayo. Inggit na inggit ako kasi mapupunta sya sayo. Wag mo syang hayaang mawala sayo ha. Kasi tanga ka pag ginawa mo yun. Kung may ibibigay pa sakin si Lord na itama lahat, gagawin ko talaga. Pero alam mo, ayaw na din kasi nya. Pagod na yung tao kaya siguro okay na din na ganto. At least sa next na dadating sa buhay ko, bibigyan ko na ng importance. Mahal na mahal ko yan. Hahayaan ko na syang maging masaya. Kahit di na ko part ng kasiyahan nya. Last na tong blog na to na magiging tungkol sakanya.
To my Love, If ever na mabasa mo to, (at alam kong malabo kasi piling tao lang naman may alam ng tumblr ko) thank you sa lahat ng memories. Thank you mapa-good or bad. Simula grade 9, nanjan ka na para sakin. Nasaktan ako sa sinabi mong "wala namang nagtatagal kay Kate eh" which is totoo naman. Alam kong pagod ka na, Love, gusto ko lang sabihin sayo na sana pag dumating na yung totoong babaeng magmamahal sayo, hanapin mo yung handa ibigay sayo lahat. Kasi nung una, di ko kaya eh. Lagi ako may tinitira para sa sarili ko. Pero ikaw? Napaka-selfless mong tao. Puro yung taong nasa paligid mo lang iniisip mo, mismong sarili mo yung hinuhuli mo. Kahit anong mangyari, lagi ko naman to sinasabi sa mga friends ko, at sa lahat, na kahit anong mangyari, ikaw yung taong parte na ng pagkatao ko. Di ka mapapalitan ng kahit sino. I love you, Love Stay happy. Nakikita ko pag-grow mo as a person. Nakikita ko na sobrang saya mo na talaga. Minsan gusto na lang kita yakapin pero ang weird nun diba? Hahahhahaha. Alagaan mo sarili mo, di tulad ng ginawa ko sayo. Hinayaan kita. Sorry, Love. Di na kita guguluhin. I love & miss you soooo much pero sabi mo nga tama na. Siguro babalik na lang tayo pag sobrang okay na tao as a grown man/woman. Sa future. Thank you sa lahat, my Love.
17th.
Good luck! (ᵔᴥᵔ)
❤
Last night, I watched the movie “Just Go With It” starring Jen Aniston & Adam Sandler and it was hilarious. If haven’t seen the movie yet, Adam is a plastic surgeon there and Jen is his assistant. And I was like “damn, I stopped watching Grey’s to avoid confusion and now????????” but I would rate the movie 10/10.
After watching JGWI, I watched HIMYM where Robin has a new date who is a doctor. And all I can think about was “seriously???????” but anyway, I managed to finish the episode.
I got bored and I dont know why but Sofia Vergara came to my mind so I watched her interview with Ellen and I found out that Sofia wanted to be a doctor that’s why she knew some of “terms”.
And then just today, as I open my twitter account, the first thing that I saw was a graduation picture because she completed her biology course.
Anyone who knows me knows that I wanted to be a doctor. But I don’t think I can pursue it because 1.) I still have 2 younger sisters, 2.) MEDICINE is very expensive here in the Philippines and 3.) I want my family to become comfortable in life by year 2025. I want to provide for them and I can’t do that if I’m still studying human biology at the age of 25.
You see, there are choices and things in this world that you cannot get easily. Life isn’t easy. I’ve lived for 16 years and I experienced so many things already. If I pursue my dream as doctor, I won’t be able to provide for my family sooner than I expected but if I pursue my career as a accountant or whatever that has connections with bank, I can make my family’s life easier. I wanna be selfless and selfish at the same time. I don’t know, maybe I’ll figure out this one soon.
Dream or Family?
Ariana + Snapchat
1:13AM, I can’t sleep so I talked to God.
I asked Him to send someone na religious & God-fearing na ib-bring ulit ako closer kay Lord kasi nga, feeling ko nagiging distant ako sa Kanya. Kahit may problema ako? Di na ako mashado nagp-pray or nanghihingi sa Kanya ng advice. I don’t know what happened. Biglang isang araw na lang I stopped reading the bible and attending the mass. Di naman sa nawalan ako ng interest pero bigla na lang na nakalimutan ko si Lord. Di na ko nagp-pray tuwing umaga or gabi, maski sign of the cross lang di ko magawa. Dami kong excuse sa utak ko pero we all know naman ang tunay na dahilan eh, sadyang tinatabunan lang natin para di tayo mashadong magmukang masama.
To be honest, for how many months, kahit sobrang down na down ako, hindi ako nagdadasal. Ni-hindi pumasok sa isip ko si Lord, di ako nagalit sa Kanya pero di rin ako nag-consult sa Kanya. Sa mga friends ko ang takbuhan ko. Pag gabi, before, pag di ako makatulog nagdadasal ako or nakikipagusap kay Lord pero ngayon hindi. Kahit hindi ako inaantok sa gabi, wala tunganga lang ako. Alam kong masama ako.Yung ibang mga words na di ko ine-expect na masabi ko, nasasabi ko. Yung mga decisions dati na muntik ko na gawin kahit alam kong masama? Di ko inintindi yun. Go lang ako ng go.
May ganap last month na muntik na mag-break sa promise ko kay Lord, desidido na ko gawin eh, pero kinabukasan, pagka-gising ko, para akong kinonsensya. Sobrang konsensya ko nun that day kaya I’ve decided na “ay hindi, mali ‘tong naisip ko” halos umiyak ako kasi di ko naisip na muntik ko na gawin yun.
As a millenial teenager, andaming beses ko na naisip na mag-suicide. Sabi sakin ng Tita ko natatakot daw sya samin ng mga kapatid ko kasi mababa yung EQ namin or yung pag-handle ng emotions which is true. Napaka-emotional kong tao. Onting kibot ko andami ko ng dada, andaming reklamo. Last time, sobrang nagkaron ako ng malaking problema, habang nakikinig ako music umiiyak talaga ako and hagulgol ako hahahhahah silly me!
Di pa tapos ang misadventures ko hahahha, so I met this boy tapos basta ganern after ilang days lang nag-I love you na so nag-freak out ako!!!! I mean may part sakin na attached talaga ako pero di naman ako in love kasi I barely know him pa. Di ko nga alam favorite nyang color eh. Pero di ibig sabihin na attached ako may-I love you too agad. Tapos ayun, after few days lang sabi nya di pa daw sya ready, di pa daw to yung time. May part din sakin na ayoko sya seryosohin kasi iba talaga yung standard ko sa men. Mejo nahurt din ako tapos may time pa na chinat ko ulit sya kahit alam ko ng wala talaga feelings. Tapos eto naman, I met his friend so usap usap kami, sya yung type ko! Chinito, matalino, God-fearing pero may girlfriend sya and friend nga sya nitong former boylet ko. Never naging kami ha! Ano lang ammh fling ganern! Tsaka ewan ko, type ko yung friend nya pero di ko mismo sya type #angcomplicated!!! We’re better off as friends lang siguro. Pero malandi din sya sakin but I can control myself. Lol.
This week lang din, parang nagustuhan ko mag-vlog kaso waley ako equipments at walang ganap ang life ko. Paano?! Atsaka josko dai, faney na ako ni Michelle Dy hahahah! Nagpapabili na din ako mukap sa Tita ko and support naman sya. Basta gusto ko lang matuto ng mga kilay on fleek, yung pak na pak!!! Hahahahha.
This week lang din, I started working out and habang sinusulat ko ‘tong blog ko na to nangingirot ang legs ko guuurl! Gusto mo mamatay habang nabubuhay? Workout ka! I started drinking more water and I’m putting olive oil na din sa fezlak ko. Basta kahit ngayon lang, gusto ko muna ng me-time! Madalas na din ako makipag-hangout sa friends ko (HAHAHHAH CHAROT) basta lagi kami naguusap ng mga friends ko dun sa dati kong school and ang alam ko pupunta sila dito sa bahay sa Friday kasi nga we missed each other so much. Char char!
Eto muna ngayon, this is what I’ve realized for this week ahahahah. Update update na lang!!!
*photo not mine
Happy mother's day to this guuurl! Miss Minchin ugali, katawang Majinbu! 😂 Chill ka lang kasi wag ka high blood lagi. Thank you sa lahat ng luho na binigay mo, ikaw ang work out buddy ko (wehhhh) best friend (ayieeee) and ka-chikahan until 3am. Hate mo na din ang mga hate kong tao!! Thank u for that lol. Wag ka magsasawa makinig sa lahat ng kadramahan ko sa life huhu. Lahat naman sinasabi ko sayo eh except lang sa pag mashadong private CHAREEET except lang pag alam ko papagalitan moko hehe. I love you momshie! 😝😝😝😝
Love 💜💜💜
Dear J, TANGINA MO. YUN LANG. TAPOS NA KO SAYO.