Irene, Ang Unang Kwento.
----> Ang mga bahagi ng kwento ni Irene mula sa librong Para Kay B na sadyang nakapagmulat sakin. Hindi ko akalain na mabubuo ko ang sarili kong kwento sa mga pangugusap na minarkahan ko.
Ang recording na niluma na ng panahon. Hinayaan siya ni Jordan, biglang parang naging magic ang lahat. "Huwag kang mag-alala, basta kasama mo ko, aalagaan kita. Umiibig ka kasi ng di mo pa nalalaman ang ibig sabihin ng pag-ibig.
Pero may mga bagay na hindi nagtatagal, maski pag-ibig.
Paglaki mo, pakakasalan kita. PANGAKO. Pero habang dumarami ang laman ng kanyang isipan ay lalo namang iisa lang ang nasa gitna nito, na para bang mula noon, lahat ng pumasok na alaala ay nakafile sa kanyang utak.
KAYA NAGHINTAY SIYA.
Naghintay si Irene, isang pangako, o biro lang ba yun, ilang mga salita, pero naghintay siya.
Ang fate lang ba ng babae ay ang makatagpo ng tamang lalake? Ito kasi ang may kasalanan! Di na umaandar kagaya ng puso mo! Kung ganon kahalaga sayo si Jordan, ba't di mo siya hanapin?
Fate ang nagdala sa kanya sa akin, fate din ang magbabalik sa kanya sa akin.
PARANG GUSTO NALANG NI IRENE NA LUMUBOG.
Minahal niya ba talaga ang lalaking ito, o umibig lang siya sa alaala gaya ng sabi nila Brenda?
Umaagos ang luha niya habang mabilis siyang naglalakad sa corridor pero di siya lumingon. Ang mga detalye ng nakalipas, pilat sa leeg, pulang ribbon sa buhok, nagbabagsakang punongkahoy sa gubat, cheap watch sa ilalim ng tulay, at isang pangako, isang pangakong narining ng buong San Ildefonso.








