May kaMU ako. Nagkakilala kami noong summer sa Twitter nung nakitaāt finavorite ko yung isa niyang banal na tweet na dahilan ng pag follow ko sa kanya. Nag follow back naman siya pero nagulat ako nag DM rin siya.
āHi ;)ā Iyan yung sinabi niya. Syempre ako namanĀ ātong hindi snob at excited sa pagkakaroon ng mga bagong kaibigan, nagreply ako.Ā āUh helloā Sabi ko.Ā āPwede makipagkaibigan??ā Pumayag ako. I really like gaining new friends.
Nag-uusap kami palagi kasi summer naman, walang ginagawa. Kung anu-ano lang yung mga topics namin eh pero nakakatuwa. Tungkol sa love, school, family, etc. Nakikita rin namin ang isaāt isa ng personal. Katuwa nga eh, cinocompliment niya ako nun lagi kaya parang nakaramdam ako naĀ āSiguro crush ako nito.āĀ āDi ko yun sinabi sa kanya, masabihan pa ako ng feeler.Ā
Marami pang linggo ang lumipas. June 20, 2015 umamin siya sa akin ng feelings. Sabi ko naman huwag muna ngayon (paano ba namanĀ ādi pa ako nakamove on dun sa lalaking nangloko sa akin at pinaglaruan lang).Ā
As time passes by, para bang gusto ko na siyang palaging kausap, gusto laging nakikita, gustong laging nagkukulitan. Ayoko pa munang umamin sa kanya nun, tinetest ko kung magtatagal siya. One time stinalk ko siya, nalaman kong may naging ka relationship siya. Tinanong ko sa kanya yun pero ang sabi niya MU lang naman iyon at ako na raw ang mahal niya. Fine, pinalampas ko yun.
Lumipas ang isang linggo, nagtakaāt nagulat ako kasi hindi na siya nag ppm sa akin. Natakot ako at nag-alinlangan. May trust issues na kasi ako pagtapos kong maloko noon. Kinausap ko yung isa sa mga katropa niya. Sabi niya sa akin na hindi niya raw kaMU yung sinabi niyang kaMU niya dati kundi EX GIRLFRIEND talaga. Nagulantang ako. Bakit hindi niya yun sinabi sa akin? Bakit siya nagsinungaling? Sabi niya rin nung first year raw siya kung kani-kanino na lang raw siya nakikipagflirt at para sa kanya raw lahat ng babae chicks. Natakot at nagalit ako sa kanya. Nagsend pa nga ako ng closure message sa kanya pero mas nagulo niya lang ang isip ko.
Nagkataon oh. Nakita namin ang isaāt isa sa isang simbahan kung saan siya sakristan - Antipolo Cathedral. It hit me. Bwiset, may feelings pa ako, ayoko siyang mawala. I want to give him another chance. Nagkausap kami nung araw na yun then nagkabati. August 2, 2015 naging mag MU na kami.Ā
Pero alam niyo ba, wala pa rin akong tiwala at hindi pa gaanong naniniwala na mahal niya ako. Nangangamba pa rin ako at takot pa rin.Ā āDi ko gaanong maramdaman yung pagmamahal. Kung mahal niya ako, hindi niya lang ako basta isseen pagtapos ko magsabi ngĀ āi love you tooā. Kung mahal niya ako hindi niya papalampasin ang araw na hindi kami nag-uusap, kung busy man siya, sana sabihin niya sa akin. Kung mahal niya ako, hindi ako pa yung mag iinitiate na magkita kami. Pag nga tinitignan ko fb niya, nakikita ko pa dun yung lumang conversations nila nung ex niya eh. Parang ang saya-saya nila, tapos parang proud pa siya sa kanya. Biruin niyo alam ng buong pamilya niyang nagkagirlfriend siya pati na rin yung mga kaklaseāt kaibigan niya alam. Nasasaktan ako ng sobra. Parang mas ramdam ko pa yung pagmamahalan nila kaysa amin.
Ang tanga ko. Magpapakamartir ako kasi baka sakali lang, mas mahalin niya rin ako ng lubus-lubusan. Baka sakali, pag mas nagkakilala pa kami, mas tatanggapin niya ako at ipagmamalaki niya rin ako tulad ng pagmamalaki ko sa kanya sa mga kaibigan ko.
Baka sakali lang naman eh.
Handa ulit akong masaktan.
Tanga na kung tanga pero mahal ko siya.