Ang Pananatili
Natural na sa tao pagiging diskuntento. Siya ay mayroong palaging gustong baguhin at hilingin. Mayroon din sa atin gustong ibahin ang mundo, gawin ito kagaya ng ating pinapangarap. Kung ako ang iyong tatanungin, wala akong gustong baguhin sa mundong ito at hindi ko ninanais na magkaroon ng sarili kong mundo. Bakit? Sapat na ito para sa akin at wala na akong maisip na pwede pang ibahin, tanggalin o ilagay dito. Ito man ay napapaligiran ng mga negatibong elemento, mayroon pa ring kaunting kabutihan kahit papaano na sasalungat dito. May kadilimang bumabalot man, may liwanag pa rin. Itong mundo na mismo ang mundong inaasam ko, ito na ang sarili kong mundo- pinaliligiran ng mga magkaiba at magkasalungat na bagay. Nag-iiba ng kanya sa paglipas ng panahon.










