“THE LAW OF CONSERVATION OF ENERGY… AND FEELINGS.”
IT’S OKAY TO CHASE SOMEONE. Lalo na kung hanggang ngayon hindi pa rin siya bayad sa utang. IT’S ALSO OKAY TO BEG SOMEONE TO STAY. Lalo na kung andami-dami niyang kinain pero di marunong maghugas ng pinggan. Sabi nga nung tambay dun sa kanto namin, “If you’re not gonna chase anyone, then who will notice you?” Paano ka mapapansin ng crush mo kung di ka magpapapansin? “If you won’t beg for anyone to stay, then who will remain?” Paano magtatagal ang isang relasyon kung palagi na lang paiiralin ang pride?
Okay lang maghabol. Okay lang na ipilit ang sarili. Pero alam mo kung alin ang hindi okay? Yung ipagpilitan ang sarili mo sa mga taong ilang beses ka nang pinagtatabuyan na parang dinaig mo pa ang masamang espiritu na sumanib sa katawan ng panget. Yung magpakatanga sa mga taong okay lang para sa kanila na saktan ka dahil ikaw LANG naman yan. Yung mga taong naaalala ka lang kapag may kailangan pero kapag nakuha na ang gusto parang hindi ka na ulit nag-eexist. Yung ipagpilitan ang sarili mo na mahalin ka ulit kahit ilang beses ka nang ipinagpalit. Yun ang mali.
Tayo ang nag-seset ng pamantayan para sa mga sarili natin. Kung hanggang saan lang dapat tayo, kung para kanino dapat tayo at kung ano ang dapat na maging tayo. Wag mong hayaan na lamunin ka ng ibang tao dahil hinahayaan mo lang silang gawin kung anong gusto nila. Kung ginawa mo na naman lahat pero hindi ka naman talaga kayang pahalagan, bitaw na. Wag mong gawing priority ang isang tao kung para sa kanya back-up plan ka lang. And don’t be afraid of losing people if in the end you will totally lose yourself.
Kung kinakailangan mong sundutin yang lalamunan mo para isuka siya sa buhay mo, gawin mo. Lumayo sa mga taong nakakapanget. Ang mahal mahal ng toner at exfoliating cream mo. Nagtitiyaga kang mag-apply gabi-gabi para fresh ka kinabukasan tapos magpapastress ka lang sa mga katulad nila? Kung gusto nilang umalis sa buhay mo, pabaunan mo pa tapos ihatid mo hanggang main gate para hindi na makabalik.
Don’t just save space for those people who matter. Save space for those people who makes you feel you are mattered para hindi sayang ang space. Maglaan ng espasyo para sa mga taong karapat-dapat, sa mga bagong taong parating pa lang at sa mga bagong karanasan.
Sobrang ikli ng buhay para aksayahin ang enerhiya sa mga taong pansamantala lamang. Sabi nga sa Law of Conservation of Energy, “Energy can neither be created nor destroyed; rather, it can only be transformed from one form to another.” Kumbaga, ang feelings hindi nacrecreate o nadedestroy pero nacoconvert yan sa ibang anyo. ( Tinagalog ko lang ampota! ) Maaaring yung pagkagusto mauwi sa pagmamahal at yung sobra-sobrang pagmamahal mauwi sa pagkagalit and vice-versa. Kaya mas mabuting ilaan na lamang ang emosyon at enerhiya sa mga taong kayang pantayan ang kaya nating ibigay. Kung hindi man pantay, well atleast kahit yung pasok man lang sa banga. Sabi nga ni Kumareng KZ Tandingan sa kanta niya, “Mahal ko o Mahal ako?” Pero kung alam mo yung worth mo hinding-hindi mo lilimitahan ang sarili mo sa dalawang pagpipilian lamang. Maghintay ka na dumating yung taong mamahalin mo na mamahalin ka din sa paraang gusto mo. So you will never feel the need to chase or beg someone to stay.











