J4| Muling ibalik?
Muling ibalik ang ating nakaraan...? Ngunit wala tayong pinagsamahan Wala tayong kailangang ibalik Sapagkat ang ating pinagsamahan, ay parang mahiyain na tao, walang kaimik-imik Muling ibalik ang ating nakaraan.. Napansin ko ring marami tayong mga bagay na laging pinagtatalunan Sapagkat tayo'y iba ang mga nagugustuhan Tulad mo na lang, na siya ang tanging sinusulyapan Aaminin kong 'di talaga ako seryoso Naghahanap lang ng pampalipas-oras ko Nais ko lang ulit matikman ang tamis ng pag-ibig Pag-ibig na naririnig sa kabig ng iyong dibdib Ayoko naman talaga mahulog ulit sa'yo Nagsasabi lang ako ng tunay na nadarama ko 'Di mo na ako kinakailangan pang ipagtabuyan Sapagkat wala rin namang hinaharap na susulyapan at nakaraan na babalikan












