Espasyo, pitong letrang ang daming kahulugan.
Pitong letrang hindi ko maintindihan, pero kailangan mo tong pakinggan.
Sa pisika, may espasyo-panahon.
Ang sabi nila binubuo ng apat na dimensyon ang uniberso 3 espasyo at 1 oras upang malaman ang pag galaw ng mundo.
Minsan, ang espasyo ay ang bagay na hinihingi mo.
Hindi ko alam kung bakit hinihingi to, pero ngayon naiintindihan ko.
Na kung humingi 'man ako ng espasyo sayo, hindi ang distansya mo ang gusto ko. Marahil nakakapagod ang mundong ito pero sa tabi mo lang nawawala ang pagod ko, ikaw ang tanging pahinga ko.
Kung humingi 'man ako ng espasyo sayo, huwag ka sanang mapagod, mawalan ng pag asa. Dahil kung gaano kalaki ang espasyo sa kalawakan ang espasyo sa tabi mo ang tanging gusto kong puntahan.
Kapag sinabi kong bigyan mo ko ng espayo gusto kong ibigay mo sakin ang bawat patlang sa pagitan ng mga salitang
Ibigay mo sakin ang distansya, upang Mahal mahanap kita. Masabi sayo ang mga salitang mahal kita ng buo at walang pagdududa.
Kung humingi 'man ako ng espasyo sayo hindi iyon ang paglisan mo. Ibigay mo lang sakin ang espasyong bubuo sa pagkatao ko mahanap kung sino ba talaga ako dahil mahal, ang uniberso nga ay may 3 espasyo at 1 oras para sa kanyang mundo.
Gagawa ako ng sariling uniberso kung saan ikaw ang araw at buwan.
Ikaw ang materya at enerhiya at ang bawat nilalaman ng intergalaktikong kalawakan.
Ikaw ang bawat galaksiya, bawat planeta bawat bituin.
Ikaw ang distanya, ikaw ang oras
Ikaw ang espasyong gusto ko hanggang sa wakas.
At kung humingi 'man ako ng espayo sayo at kung mawala ka sa proseso ng pagbibigay nito.
Mabitawan mo man ang isang kamay ko, hihigpitan ko ang kapit.
Huwag kang mag alala hihintayin kita.
Kukunin ang lahat ng presensya hanggag sa bumalik ka.
Mahal, nakawin ka 'man ng tadhana sa akin hihilain kita.
Sa oras na bumitaw ka, Kukunin kita.
Ipagdarasal ka, kung hindi man kita makita.
Hahanapin kita sa bawat espasyong mayroon ang unibersong ito.
Dahil para saan pa ang paghingi ko ng espasyo kung bibitawan mo lang din ako.
Patawad kung naging makasarili ako sa paghingi sayo ng espasyong ito.
Paalam, nais ko lang naman malaman ang pag galaw ko.
Kasi diba sabi mo "Ako ang iyong mundo"