Five years from now, ganito pa din kaya kami ka-close? Sobrang kulit namin sa chtabox. Meron kasi kaming group sa fb. Dun kami nagkukulitan ng sobra.
Honestly, I appreciate them all. Nakakatuwa kasi, I haven’t been so comfortable with men pero now I have guy friends in them. Super bonus pa kasi may biglaan additional sis ako!
Hindi nila birthday. Pero, I really would like to honor them. :)
Let me mention their names.
Alfred. He is the man in pink shirt. Una kami nagkasama sa Kids Church Ministry. Noon pa lang, naramdaman ko nang mabuting tao siya. Masaya kasama. At laging kang may matutunan sa kanya. Sobra galing din ng leadership skills ng taong ito. Ang mas nakaka- mangha, humble pa rin siya. Sobra. Isa siya sa iilang kilala ko na nakabasa na ng lahat ng books sa Bible. Nag skip lang ata siya sa Psalms. Isa siyang teacher. Bagay. Kasi I believe malaki ang ma-impart niyang wisdom sa mga bata. Saludo ako sa gift of wisdom na meron siya. Di ko alam ah. Pero, pakiramdam ko, five years from now pastor na siya. :)
Ghie. Sa kanya ko nakuha yun picture na ito. She is one of the sweetest girl I’ve met. Magaling din siya sa paggawa ng plans. She inspired me in dreaming big at kung paano tutuparin ito. Pangarap niya ang makapagtrabaho sa barko. Sa August, matutupad na niya! Galing. She is my prayer buddy as well. I am very happy to witnessed her growth. Nakaka- amaze kung paano gumalaw si God sa buhay niya. Marami kami pinagkakasunduan. Pero mabuti nalang pagdating sa guys, magkaiba kami ng type! Haha. Someday, I know matutupad yun double date na lagi namin naiisip. Sa “Babe” niya at sa “Hon” ko. Hehe. May dream pa nga siya na I am very sure matutupad din. Ang maging asawa ng pastor. :)
Jeff. Pidong. Yun ang nickname niya, dati. Ang cute noh? Naalala ko lang, nabanggit niya noon. Siya yun unang lalaki sa bagong buhay ko na naging comfortable ako. Sobrang patient and understanding.Sa maikling panahon kasi na nabuo yun friendship namin marami beses akong naging pain-in-the-ass sa kanya. Solid! Sobrang blessed ko lang talaga sa taong ito, hindi nag give up sa bad-ass kong ugali. Hahaha. I don’t know how. Pero, kahit sa mga panahong sobrang tago yun lungkot ko, dama niya and he’s always ready to give comfort. He taught me that sometimes in life you just need to go with the flow and stop stressing yourself because what is meant to be will always be. :)
Hindi naman ako ganun ka-expressive na tao. Di ko talent yun e. But, I really treasure genuine friendship. Iilan nalang kasi yun talagang tanggap ka kahit sa itsura mo na walang hilamos, kahit maasim ka pa, kahit sa mga panahon na mali mali grammar mo, o kahit kapag feeling mo useless ka. Iilan nalang kasi yun mga taong nakikita yun kinang mo kahit parang paupos ka na. Iilan nalang kasi yun katulad nila. :)
WE ARE A TEAM!










