Ang Buwan
Pagmasdan mo ang buwan
Napakaganda, perperkto ang hugis
Hindi masakit sa mga mata
Doo’y naninirahan ang isang diwata
Pagmasdan mo ang buwan
Hindi ba siya nalulumbay?
Sa gabi liwanag ay binibigay
Napakaganda, ngunit mag-isa.

seen from United Kingdom
seen from United States

seen from Canada
seen from United States
seen from United States
seen from Finland

seen from Malaysia
seen from United States
seen from United States
seen from Canada

seen from United States
seen from United States

seen from United States

seen from Australia
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from Australia
seen from Philippines
seen from United States
Ang Buwan
Pagmasdan mo ang buwan
Napakaganda, perperkto ang hugis
Hindi masakit sa mga mata
Doo’y naninirahan ang isang diwata
Pagmasdan mo ang buwan
Hindi ba siya nalulumbay?
Sa gabi liwanag ay binibigay
Napakaganda, ngunit mag-isa.
Ang Hiling Ko Sa Mga Bituin
"ANG HILING KO SA MGA BITUIN"
Ang hiling ko lamang sa mga bituin
Ikaw ay laging di mawala sa paningin
Ikaw ay gabayan sa pagsapit ng dilim
Ikaw ay iturong muli pabalik sa akin
Ang hiling ko lamang sa mga tala
Ay isang sampal pa sa aking mukha
Upang sa bangungot na ito'y magising
Upang ituwid muli nawalang mithiin
Ang hiling ko lamang sa mga bulalakaw
Ibigkis ang puso, ng ako at ng ikaw
Magsilbing tanod sa hiwalay na landas
Sapagka't ang sunod ay di na kakalas
Ang hiling ko lamang sa kalangitan
Na ang lungkot ay pawiin at punasan
Mga luhang maaaring muling pumatak
Ang pusong hindi na hahayaang mawasak
Ang hiling ko lamang sa haring araw
Mga damdamin natin ay unting mapukaw
Ibalik ang dating bughaw na himpapawid
Buuing muling ang tulay na maghahatid
Ang hiling ko lamang sa gabi at buwan
Na sa puso ko ay huwag kang pakawalan
Sa ugoy ng hangin at init ng pag-ibig
Binibini, babalik akong muli sa bisig