May mga ala-alang babalik, hindi mo inaasahan pero bigla kang makakaramdam ng nagbabalik na kalungkutan. Mahahalintulad mo ang sarili mo sa salitang ‘sayang’ marami, napakalaking sayang na mga hindi mo nagawa, hindi mo naranasan, bakit hindi ikaw, tulad ngayong gabi kung saan, naramdaman mo ang pagod, ang matinding pagod mula sa mga alaala. Hindi mo rin alam ang sagot, pero pinipilit mo pang baka sakali, malaman mo kung paano ang solusyon, paano mo maiiwasan na hindi na muling, bumalik pa ang ,mga bagay na kung saan, nakatago na, naisantabi na ng bawat isa. Muli kang mababagabag ng pagdududa, ano pa ba ang hindi mo natanong, higit pa sa inaasahan niya ang tanong mo, pero, wala, wala ka na namang napala, isang dagok sa ulo ng puso mo, hindi mo maipaliwanag kung bakit mo pa kailangang magulumihanan kung mayroon naman sa iyo ay nakalaan. Tutulo na naman ang luha sa yong mga mata hindi ka na napagod, wala na bang nararamdaman ang katawan mo? ang damdamin mong puno ng lungkot hindi pa ba ito sumabog? hindi pa ba nababasag ang salamin ng katotohanan? Darating ang araw, huli man, sa iyo pa din ang katapusan ng pag-ibig na sinayang, ng kahapon, ng ngayon.
Babalik pa ba?
11:53pm














