Babalik ka.
Ganyan yung sinabi mo sakin
nung mga oras na tayo'y magkasama pa.
Babalik ka.
Yan yung nga salitang binitawan mo,
noong ako'y nakakapit pa.
Noong ako'y hulog na hulog na.
Babalik ka.
Yan yung pinanghahawakan ko dati pa.
Simula nung umalis ka.
Simula nung iniwan mo akong nag-iisa.
Babalik ka.
Yan yung pinanghawakan ko ng matagal,
sa pag-aakalang tayo ay tatagal.
Sabay nating tutuparin ang mga pangarap nating dalawa
na ngayo'y napunta sa wala,
sa kadahilanan na wala ka na.
Babalik ka.
Yayakapin mo ako ulit at sasabihan ng
"ang galing galing mo talaga!"
At babawiin mo yung mga sinabi mo na
"ayoko na" at "maghiwalay na tayong dalawa"
Sabay, Papalitan mo ng "gusto ko pa" at "tayo pa rin diba?"
Babalik ka.
Magsisimula tayo ulit sa umpisa.
Magsisimula ulit tayo sa una.
Kung saan, tayo'y nakakilala't nagkasama.
Magiging maayos na ulit ang lahat,
hindi na ulit tayo mag-aaway ng tanghaling tapat.
Hindi na ulit ako iiyak sa isang dahilan na hindi ko naman naiintindihan.
Babalik ka.
Naniniwala ako.
Tumutupad ka naman sa mga pangako mo diba?
Papatawarin kita sa pag-alis mo,
at pagbibigyan kita sa mga kasalanan mo.
Hahayaan kong walang magbago, kahit nasasaktan na ko.
Babalik ka.
Maghihintay ako, kahit gano pa katagal.
Kahit meron ka na palang iba.
Kahit alam kong wala na talaga.
Kahit nagmumukha na akong tanga.
Babalik ka.
Babalik ka pa ba?
Babalik ka.
Pero.. kelan pa?
Babalik ka. Babalik.
Papaniwalain ko na lang ba ang sarili ko na babalik ka?
Kasi naman,
Babalik ka.
Babalik ka naman diba?
Sabi mo babalik ka.
Pero hindi ka na bumalik.
Hindi ka na babalik.
Hindi ka na babalik.