Kung pantay ang karapatan ng lahat, bakit tila iba ang trato sa kababaihan?
Ito ang paulit-ulit na tanong na bumabagabag sa isipan ng bawat kababaihan sa Pilipinas. Kung ang lahat ay may pantay na karapatan, bakit tila patuloy na pinapalabas na mas mababa ang halaga ng kababaihan?
Mula sa pagtingin sa kanila bilang mahina o hindi sapat, hanggang sa mga diskriminasyon at karahasan na kanilang nararanasan, malinaw na may mga sistemang humahadlang sa kanilang pantay na pagtrato.
Ang tanong na ito ay patuloy na nag-aalab bilang isang paalala na kailangan pa ng mas malaking pagbabago sa ating lipunan upang matamo ang tunay na katarungan para sa kababaihan.
Babae, Hindi Mahina: Ang Laban ni Leni laban sa Pambansang Diskriminasyon
Si Leni Robredo ay hindi lamang isang bise presidente—siya ay isang simbolo ng tapang at pag-asa sa gitna ng mga pagsubok. Ngunit nang magpasya siyang harapin si Bongbong Marcos sa 2022 presidential race, hindi lang siya nakaranas ng malupit na pamumulitika, kundi pati na rin ng matinding panghihila pababa.
Tinangka siyang sirain ng mga pwersang kontra-bago, at pinagbintangan ng pagiging "mahina" sa kabila ng lahat ng napatunayan at nagawa niya para sa bansa. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, ipinakita ni Leni ang kanyang hindi matitinag na tapang at prinsipyo. Ang kanyang laban ay hindi lang laban para sa kanya, kundi laban sa paniniwala na ang kababaihan ay may limitasyon.
Sa kabila ng mga pambabastos at panghahamak, si Leni ay naging isang ilaw ng katatagan at integridad—isang matinding paalala na ang lakas ng isang babae ay hindi nasusukat sa kung paano siya tinatrato ng iba, kundi sa kung paano niya tinatanggap at pinapalakas ang sarili upang magpatuloy sa laban.
Humigit-kumulang isang ikatlo ng mga kababaihan sa buong mundo (30%) ang makakaranas ng pisikal at/o sekswal na karahasan sa kanilang buhay.
Ano-ano ba ang nangyayari?
Karahasan sa Loob ng Tahanan (Domestic Violence)
Maraming kababaihan ang nakakaranas ng pang-aabuso mula sa sariling pamilya o kinakasama, ngunit maraming biktima ang natatakot mag-report dahil sa takot at kawalan ng sapat na suporta.
Kawalan ng Pantay na Pagkakataon sa Trabaho at Sahod
Maraming kababaihan ang hindi nakakakuha ng pantay na oportunidad sa trabaho at madalas na mas mababa ang sahod kumpara sa kanilang lalaking katrabaho, kahit na magkapareho ang posisyon o gawain.
Diskriminasyon sa Politika at Pamumuno
Kahit marami ang may kakayahan, ang kababaihan ay madalas na hindi siniseryoso sa mga posisyon ng pamumuno at nahaharap sa matinding diskriminasyon at kritisismo, lalo na sa larangan ng pulitika.
Kakulangan ng Access sa Reproductive Health Services
Maraming kababaihan ang hindi nakakakuha ng sapat na impormasyon at serbisyo para sa kalusugan sa reproductive, kabilang ang family planning, dahil sa mga limitasyon sa access at stigma sa reproductive health.
“Kababae ‘mong tao?” Huwag na magpalinlang sa makalumang pag iisip. Kaya nila? Kaya ko din.
Ito ang ilang komento ng aking mga kamag-aral:
Hindi dito natatapos ang laban ng mga kababaihan.