Isang nakakapagod na namang araw ang lumipas sa araw ng estudyanteng si biboy, ika-apat na baitang na sa kiki elementary school. Habang ang lahat ay masayang naghahanda sa uwian, si biboy ay tinawag ng kanyang gurong si miss. simangot habang nakukunot ang noo.
MS. SIMANGOT: biboy, bagsak ka na naman sa exam! ilang beses ko bang
sasabihin sayo na ireview mo mga lesson natin! gusto mo bang bigyan kita
BIBOY: naku maam! wag po! pramis ko po magaaral na po akong mabuti
MS. SIMANGOT: ilang beses ko nang narinig yan biboy! at hindi ko naman
BIBOY: maam pramis po talaga! handa po akong gawin lahat! wag niyo
MS. SIMANGOT: sige sige! bibigyan kita ng special assign. para
makakadagdag sa mga puntos mo! gusto ko, bukas maipasa mo na ito
BIBOY: sige po maam! ano po un?
MS. SIMANGOT: gusto kong sagutin mo itong tanong na ito! "what is art?"
MS. SIMANGOT: oo! kaya umuwi ka na at tapusin mo na itong assignment! i
*dali-daling umuwi sa biboy sa bahay nila upang magtanong sa nanay nya
ukol sa kanyang assignment*
NANAY: o biboy! bat ngayon ka lang nakauwi?!
BIBOY: e? may sinabi pa po saken titser ko e
nay! nay! alam nyo pa ba kung ano ang art??
NANAY: art?? naku wala akong alam dyan! sa tatay mo ikaw magtanong
*nang walang makuhang sa sagot si biboy sa kanyang nanay ay agad
naman siyang pumunta sa kanyang tatay*
BIBOY: tay! tay! alam nyo po ba kung ano ang art?
BIBOY: di heart tay! art.. a-r-t
TATAY: wala akong alam diyan! sa kuya mo itanong!!
kahit bigo ay agad pa ring pumunta si biboy sa kanyang kuya pal at
umaasang meron siyang makukuhang sagot
KUYA: ano ba biboy?! ingay-ingay mo kita mong natutulog ako! ano ba un?!
BIBOY: kuya alam niyo po ba kung ano ang art
KUYA: ewan! kala ko naman emergency na!!
*dahil dito ay talaga namang nalungkot si biboy, pumasok siya sa kanyang
kwarto at umiyak. sa kalagitnaan ng kanyang paghihimutok ay kung ano
ba gang narinig siya mula sa ilalim ng kanyang kama. dahil sa pagtataka,
tiningnan niya ito at nagulat siya sa kanyang nakita. isang matandang
balbunin na may hawak na tungkod ang lumabas sa ilalim ng kanyang
MATANDA: ako ang diwata ng sining at narinig ko mula sa aking kaharian
ang iyong mga pag iyak biboy! kaya naman ako ay naparito upang
tulungan ka sa iyong suliranin
BIBOY: tutulungan niyo po ako sa aking assignment?!!
MATANDA: oo naman biboy! para saan pa at pumunta ako dito di ba?
iwinagayway ng diwata ang kanyang tungkod sa hangin at sa isang iglap
napunta sila ni biboy sa parke kung saan nakita nila ang isang lalaking
nagpipinta sa tabi ng puno
LALAKI: magandang araw sa iyo binata!
BIBOY: may itatanong lang po ako sa inyo
BIBOY: alam niyo po ba kung ano ang art?
LALAKI: art... iho nakikita mo ba itong iginuguhit ko
BIBOY: opo! mga batang naglalaro, mga ulap, araw at ung aso dun sa tabi
LALAKI: hahaha! oo tama ka! gaya nito ang art ay sinasalamin ang ating
mga nakikita pinapakita ang realidad
BIBOY: ganun po ba?? salamat po
muling iwinagayway ng diwata ang kanyang tungkod at nakarating
naman sila ni biboy sa isang mansyon kung saan ang isang lalaki ay
LALAKI: ' imagine all the people...living life in peace...'
BIBOY: excuse me po! pwede po bang magtanong sa inyo?
LALAKI: ginulat mo naman ako! pero sige ano ba ung itatanong mo
BIBOY: alam niyo po ba kung ano ang art
LALAKI: hmmmm... art.. art.. art... ang art ay isang napakakomplikadong
bagay pero para sa akin ang art di lamang salamin ng realidad bagkus
salamin din ng ating imahinasyon at mga pagnanasa. gaya ng kanta
kinakanta ko kanina. 'imagine' isang pangkaraniwang salita ngunit
BIBOY: hmmm.... hahahah. ganun po ba? salamat po
at sa ikatlong pagkakataon ay itinaas ng diwata ang kanyang tungkod at
nakarating sila sa isang museo kung saan may mga taong nagkakagulo
BIBOY: ano po ang nangyayari dito? bat po may mga tumatawa, nagagalit,
DIWATA: di ko alam? bat di mo sila tanungin
nilapitan ni biboy ang lalaking galit na galit
BIBOY: bat po kayo galit na galit?
LALAKI: e kasi naman! isang paglapastangan sa aming kultura ang
iskulpturang ito! dapat tanggalin ito!!
nilapitan ni biboy ang grupo ng mga lalaking nagtatawanan
BIBOY: bat po kayo nagtatawanan?
LALAKI 1: di kami nagtatawanan bagkus kami ay nagdidiwang dahil sa
wakas ay naitayo na iskulpturang ito na simbolo ng ating pagtatagumpay
bilang isang lahi nilapitan ni biboy ang grupo ng mga babaeng umiiyak
BIBOY: bat po kayo umiiyak
BABAE 1: e kasi naman! ang iskulpturang ito ay sagisag ng daang taong
pagpapasakit at kawalan ng hustisya
naguluhan si biboy sa kanyang mga nadinig at tinanong niya ang diwata
BIBOY: bakit po ganun! e iisa lang naman po ung iskulptura pero bat ibatiba
DIWATA: biboy! ang art at ang mensahe nito ay nakadepende sa tumitingin
dito. maaaring ang isa ay makita ito bilang kasuklam suklam o ang isa
naman ay sagisag ng pagtataagumpay. ngunit ito ay bunga lamang
kanilang magkaibang pang unawa at mga karanasan.
at sa huling pagkakataon itinaas ng diwata ang kanyang tungkod at sa
biboy ang nagising sa kanyang classroom
MISS. SIMANGOT: biboy! biboy! tulog ka na naman sa klase
BIBOY: hala bat nandito na ako???
MISS. SIMANGOT: sige sagutin mo itong tanong na ito
BIBOY: art po... ang art po o sining ay ano pa man pong bagay, drawing,
kanta o iskulptura man na sumasalamin sa realidad o ating mga
imahinasyon na nag uudyok sa damdamin ng bawat isa kung saan ang
mensahe nito ay nakadepende po sa karanasan at pangunawa ng
makakakita o makakaparinig dito
MISS SIMANGOT: very good biboy!!! at dahil dyan may jacket ka!