Siguro ang kailangan ko talaga ay ang magsulat ng hindi iniisip kung may magbabasa.
Ganito kasi yun. Nagsimula ang lahat noong nanonood ako ng That Thing Called Tadhana. A 2014 film, yes sorry ang outdated ko. Very spontaneous at minimalist na film in my point of view. Humanga ako at sinearch ang iba pang film ni Direk Antoinette Jadaone. Bukod sa mga pelikula niya, na-discover ko ang wordpress blog niya. Nagbasa ko ng ilang post at di ko namalayan na na-hook na ko ng tuluyan. Nabasa ko ang post niya na
An Open Letter to the Twenty-Something Who Wants to Change the World
(A letter for the fresh grad, what to expect in the real world and the real passionate you.)
“The truth is, you will never be as passionate as your Fresh Grad self ever again in your life. Make that passion last as long as you can. I don’t want to be dramatic, but really, that unique Fresh Grad sparkle? Once it’s gone, you can never take it back.”
Hindi na ako fresh grad. 2 years graduate na ako at nasa pangalawang trabaho na pero naka-relate na agad ako sa sinasabi niya about losing the passion. Hindi naman to the extent level. Kumbaga, may napapansin na kong signs and symptoms ng unti-unting pagkawala ng passion na ito. Isa pang naalala ko ay yung kwento ni Ishan sa movie na Taare Zamen-- noong tumigil na si Ishan sa pagpe-paint as a sign that he shut his world down sa sobrang depression. Siyempre natakot ako para sa sarili ko. Wala pa nga kong nararating, burado na agad yung passion ko. Nakakatakot diba?
Sabi ko kay Lord, I don’t want to lose the Jane I used to be. Hindi ako pwedeng tumigil sa creative pursuit ko. I was born to create.
Tingin ko nagsimula ang lahat ng ito noong na-deprived akong i-achieve ang isa sa mga pangarap ko. (Mayroon namang magandang reason bakit hindi binigay ng Lord sa’kin yon pero tao ako, hindi maiiwasang ma-disappoint at masaktan.) Eto siguro yung ‘nawalan ng gana.’ Nagsimula to noong na-deprived ako to be self-willed. Hindi ko na magagawa ang lahat ng gusto ko dahil sa nature ng trabaho ko. Napatanong ako bigla sa sarili ko, did i ever have the chance to do everything I want before? Hindi din naman. So anong ipinag-iinarte ko? Ha ha.
Pero ito na rin siguro ang panahon para tuldukan ko ang lahat ng pag-iinarte at ang paumpisang simptomas ng lost of passion ko. Hindi ako dapat manatiling ganito.
“Make that passion last as long as you can. I don’t want to be dramatic, but really, that unique Fresh Grad sparkle? Once it’s gone, you can never take it back.”
Ipagpe-pray kong mag-last ang passion na ito. To have this passion be burning again in me. Di na ko fresh grad, pero 2 years gap lang naman so maybe, I can still take it back.