Para sakin, pinaka-memorable yung 4th year life ko.
halos araw-araw 5:55 AM - 7 PM maximum ako dun. - Ohh. Varsity days. Hahaha. Maaga kasi kaming naihahatid ng service sa school eh. 5:55 pa lang nandun na kami. Tas after class, may training varsity hanggang 6 or 6 30. Di kami nagmamadali eh, ayan inaabot kami ng 7PM dun. Hahaha!
Straight 7 days may pasok. Eto yung whole week may pasok seniors eh. If I'm not mistaken, intrams ng 5 days, the next day, family day, the next day, alumni homecoming. Pwede kasi kaming pumuntang seniors dun. Kaya ayun, binonggahan na namin ang pagpasok.
Overnight sa school x 2! :) Unang beses eh nung VocFest. Haha! Overnight kami sa school nun. Tae, bangagan na kami eh magdamagan kasi yung activities. Huhu. Tawang tawa ako sa batchmates ko humilera ng pagtulog sa labas ng clinic =)) Pangalawang beses naman eh nung Retreat namin, recollection din un, overnight nga lang. Masaya sobra. SArap pa tulugan nung kwarto sa oasis. Tas ang bongga ng showers <3
Naranasan kong maligo sa school. Haha. Umaga kasi training namin nun eh tapos may klase pagkatapos kaya ayun. Pawis na pawis kamio kaya pinaligo na kami after nun, pumasok na kami sa klase :)
Naranasan kong magbilad sa araw. Sa mga sitwasyong katulad ng CAT at training ng tanghaling tapat. Sino ba namang makatatanggi? Hahahah!
Naranasan kong ma-sprain. Dahil sa katangahan ko sa training, ayan na sprain pa. Napalipat pa klase namin sa baba dahil lang hindi ako makataas ng hagdan. Peace guys :)))
Tatlo nga bagong jersey ko, lahat naman blue. Kasi yung unang dalawang bago, sa varsity. Blue siya. Kasi RC Blue Phoenix. Tapos ung pangatlo, sa intrams. Blue Dragons ako napapunta. Medyo nice, ano po?
DITO KO NALAMAN KUNG SINO ANG MGA TUNAY KONG KAIBIGAN. Sa sobrang adventurous ng 4th year life ko. Doon ko nalaman kung sinong magtyatyagang samahan ako sa kalokohan, katangahan, kamadalian, cramming, mag hatid sakin sa training, sumundo sakin kung san man ako napadpad, ipagpaalam ako pag di pinayagan at dito ko rin nalaman kung sino ung mga taong mag-eeffort makasama lang ako.