okay, halos 2 linggo na nung nagbalak ako mag aral para sa exam ko sa April 21 at 22. at ngayon, halos 2 linggo na lang ung natitira para makapag aral ako. sobrang tinatamad talaga ako mag aral. pero mamaya, kahit tinatamad pa din ako, mag aaral na ako. hindi na pwede ung tamad. bawal na magchampoymode. dapat ay aral mode na talaga. sana lang ay walang distraction tulad ng New Girl, Jane by Design, at iba't ibang magagandang movies sa HBO, Star Movies. haha. sobrang nakakatamad lalo pag nakita ko na lahat yan. haha. tingnan niyo, pati dito sa pagbablog ko tungkol sa pag aaral, nakikisingit pa din. distraction talaga. haha. sana talaga walang distraction pag nag aaral ako. pero, tinatamad talaga ako. naiisip ko pa lang, tinatamad ako e. para kasing bakasyon ngayon, tapos mag aaral ka. kamusta naman un. un ngang pag may pasok, tapos mag aaral ka dahil may exam bukas ay nakakatamad, un pa kayang bakasyon tapos mag aaral ka para sa exam na hindi naman graded talaga. bat kasi kelangan pa tingnan ang performance mo dun. dapat kung gusto mo talaga kumuha ng exam, kumuha ka. dapat wala na pakialam ung school e. buhay ko naman to. so what, kung hindi pa ako ready ngayon o maliit pa ung chance ko ngayon. hindi naman ibig sabihin nun ay hindi ako ready pagkatapos ng 4 o 5 buwan na review. hindi naman ibig sabihin nun ay wala na talaga akong chance na mapataas un bago kumuha ng board exam. so stress. haha. ang weird ko lang. nagrereklamo ako ng tungkol sa school kahit na binigyan nila ako ng pera. haha. e, nakakatamad naman talaga mag aral. un ang totoo. sige, un lang. naglabas lang ng saloobin. haha. wish me luck. sana makapag aral na talaga ako.