18 days to go: welcome back stress.
18 days na lang at babalik na ulit si stress. pupunta na kaming Manila para sa aming review para sa CPA Board Examination. okay, hindi pa naman talaga sa May 25 ung start ng review pero syempre, stress pa din ung pagpunta dun kasi madami kang dalang gamit. tapos, iisipin mo pa din ung mga pwedeng mangyari sa review niyo. kelangan mo na talaga magsipag sa review. bawal na talaga maging tamad. at madalas ganun ako. bawal na maglakwatsa. bawal na mainlove.hahahaha. bawal talaga.madami nang bawal pagdating sa Manila.
nakakastress isipin na magrereview ka na talaga para sa Board Exam. iba ung level ng stress e compared sa stress na mararamdaman mo pag major exam sa isang subject. hindi lang grade ang iisipin mo ngayon, pati ung mangyayari sayo kung hindi ka makakapasa. okay lang naman siguro na hindi makapasa kasi magkakaroon ka pa din naman ng trabaho pero iba pa din ung may CPA License. parang sulit ang 4 na taon ng paghihirap bilang isang Accountancy student. parang lahat ng pagpupuyat, matinding pag aaral[?], pagcacram sa mga exam at stress ay sobrang worth it kasi nakuha mo na ang pinakamimithi ng lahat ng nagtake ng BS Accountancy. pero, syempre, para makuha mo ung CPA License mo, kelangan dumaan ka muna sa pagsubok. 8 subjects na kelangang aralin. 4 na buwan na pag iintindi sa mga inaral, 7 exams na dapat ipasa, hindi mabilang na pagpupuyat, para sa isang lisensya na makakapagpabago ng iyong buhay.
hay, sa ngayon, di ko muna iisipin ang stress. ieenjoy ko ang 18 araw na pamamahinga, pag eenjoy sa bakasyon. after siguro ng 18 araw na ito, hindi ko na magagawa un. makapasa man o hindi, maghahanap na ako ng trabaho, wala ng summer, christmas vacation. wala ng discount sa jeep. kokonti na lang ang maeenjoy na holiday. wala ng allowance. oras na para kumilos at buhayin ang sarili at tumulong sa pamilya.
okay, tama na. masyado nang walang kwenta sinasabi ko. hanggang sa muli. ito ang inyong future-CPA friend, prinsipe juan. haha. bye. :)