Ano ba ang Born Again Christian? Ang totoo hindi ito isang religion at para sa akin, isa itong pakikipagrelasyon kay Jesus. Yung buhay mo sinusurrender mo na sakanya, may pagkilos ang Lord sa buhay mo. Natural na kilala na natin si Jesus, mentally but not spiritually. Iba yung basta kilala mo lang siya, iba yung basta naniniwala ka lang sakanya, sabi nga ng Pastor namin, dapat FAITH with ACTION, yung may pagkilos ang Lord sa buhay mo at may pagkilos ka sa mga salita niya. Sabi nga nila kung ang religion daw ang makakapagligtas sa mga tao, bakit nagkaroon ng iba’t-ibang religion, iba-ibang paniniwala? Basta para sakin, at the end of the day its not about the Religion, its about your relationship with God. Masarap ang buhay Kristiyano, yung pakiramdam mo na para kang walang problema sa buhay, yung everything is masasabi mong "ang sarap pala mabuhay" mabuhay sa piling ng Lord. Yung marerealize mo na ang mga bagay na akala mong TAMA, yung mga bagay na akala mo COOL ay mali pala, masama pala at masasabi mo nalang na “Lord, sorry ang dami ko palang naging kasalanan” “Lord, nahihiya ako sa pinag-gagawa ko dati”. Sabi nila, bago pa raw tayo magkasala ay pinapatawad na tayo ng Lord. Ikaw, kahit ang dami mong pagkukulang sakanya, ang Lord, never na nagkulang sayo. Promise, mababago ang buhay mo. Ako nga minsan sabi ko, di ako takot mamatay, kahit kunin na ako, okay lang dahil im secured. Alam ko kung saan ako papunta, alam ko yung mga plano ng Lord. Maraming interpretasyon na kapag Born Again o kaya naman Kristiyano ay “perfect” hindi po. Sa sampong tama na nagawa mo, sigurado akong hindi nila yon nakikita pero sa isang pagkakamali mo lang, pansin na pansin ka, andun yung puna, yung sampong tamang bagay sayo ay nabubura ng isang pagkakamali. Sabi pa ng iba, weird daw ang mga Christiano pero hindi po. Sa mata ng Lord, never naging weird yung pagpraise, pagworship, pagluhod at pag-iyak sakanya na natural lang na nararanasan at nararamdaman. Ikaw, sa ngayon nasan ang Lord sa buhay mo? Ano na yung mga bagay na nagawa mo para sakanya? —- Ako, bilang isa sa anak niya isa akong masuwerte na nakakilala agad sa Lord, yung mas napalapit ako sa kanya, yung hindi ako nahihiyang pumalakpak, tumalon, kumanta at sumayaw para sakanya. Kung noon, sisimba lang ako dahil gusto ko makasama yung mga kaibigan ko, kung noon, maaalala ko lang ang Lord kapag may problema ngayon, masasabi kong hindi pala dapat ganon. At dahil dito, gusto ko pang mag’spread ng salita niya, maranasan pa nung iba yung SALVATION at i'share yung saya ng nararanasan ko, itong tumblr account ko na supposedly dapat deactivate na pero dahil isa itong medium na pwede kong magamit sa pagshare ng Word of God, eto standing still at nakakapagkwento ako about Him, nakakapagtestify ako. Ayun lang at sa Lord lang ang mataas na papuri at pasasalamat.












