Should we give it a try?

seen from Russia
seen from United States
seen from China
seen from Italy
seen from Italy
seen from Italy

seen from Malaysia
seen from Russia
seen from United States

seen from Australia
seen from Vietnam

seen from Vietnam

seen from Russia

seen from United States
seen from Georgia
seen from Malaysia
seen from France

seen from United States
seen from Georgia
seen from China
Should we give it a try?
Ikot Lang
Kahapon nga pala narinig ko na yung Mundo ng IV of Spades. Halos magdugo na yung tainga ko nung narinig ko na siya. Ang lakas ng tama niya. Grabe ba naman kasi yung lyrics “Aking sinta, ikaw na ang tahanan at ang mundo.”
Yung ideya palang na kinonsider mo na yung taong mahal mo na tahanan at mundo mo na siya, ang sarap sa feeling. Pero mas masarap kung ganoon din siya sa’yo. Alam naman natin sa mundong ito na hindi lahat ng binibigay mo ay posibleng maibalak saiyo. Siguro may ibang nakatadhanang gumawa saiyo non pero ang sakit isipin na yung taong gusto mo, malabong maibigay sayo pabalik yung paghanga, pag-aalala at pagmamahal mo sakaniya. Wala eh, ganoon talaga. Tipong kaya mo gawin at ibigay ang lahat para sakanya kahit ikaw na mismo nagsabi sa sarili mong okay lang kahit di niya masuklian lahat pero masama bang umasa kahit kaunti?
Minsan ang gulo na din talaga. Di mo malalaman kung gusto ka din ba niya kung di ka aamin. Gusto mong i-confirm yung mga galaw niya sa’yo kung pang-kaibigan lang ba yon o may iba pa. Ako pinili kong sabihin yung nararamdaman ko. Madaming senyales na ibinigay sakin noong nakaraang taon na hindi masama na magsabi kung ano ang tunay na nararamdaman mo sa isang tao kasi malay mo ganoon din pala siya sayo o kaya wala naman, eh ano naman? Atleast nasabi mo sakaniyang minamahal mo siya. Yun nga lang ang naging pag-iisip ko pagdating sa ganiyang bagay ay, kung di ako umamin, edi sana di siya nahihirapan pakitunguan ako ngayon, edi sana di siya naawa sakin na di niya kaya ibalik yung paghanga ko sakaniya. Di naman ako madamot eh, kung may gusto siya sa iba, ok lang naman. Basta makita ko lang naman siyang masaya, panatag na loob ko.
Alam niyo ba mas gugustuhin ko pang siya yung makapasa ng upcat kaysa sakin kahit dream school ko yon? Alam niyo ba na hindi ako kumain ng umagahan non para lang magawan ko siya ng breakfast na kinain niya naman noong lunch time na namin? Alam niyo bang ginawan ko siya ng playlist tas sa tuwina nalang na pinapakinggan niya iyon nawawasak puso ko ng walang dahilan? Alam niyo ba sobrang madikit siya sa babae tipong niyayakap niya patalikod, inaakbayan niya o kaya minsan kinukulit niya sila tas ako ginagawa ko ang lahat para lang di magselos at magtimpi kasi di ko naman siya pag mamay-ari. Alam niyo bang sobrang na-attach na ako tipong gusto ko na kumawala kasi pagod na ako. Alam niyo bang ginawan ko siya ng tula pero di niya pa din ata nababasa kaya ang sakit sa kalooban na di man lang siya gumawa ng kahit limang minuto ng oras niya para sakin samantalang buong araw siya ang una kong priority. Kaya kong itabi ang lahat basta siya muna ang aasikasuhin ko. Alam niyo bang ilang beses na siyang nagbibigay ng hint na gusto niyang i-try pasukin tong relasyon naming dalawa pero di ko sya binibigyan ng isang kongkretong sagot kasi alam kong siya mismo di siya sigurado sa ginagawa niya. Ayokong pasukin niya tong relasyon namin dahil lang gusto niya mabayaran yung mga panahong nandiyan ako lagi sakaniya kapag may kailangan siya sakin o kaya kailangan niya ng masasandalan. Hindi ako nabigyan ng solid na assurance na gusto niya to. pero heto pagod na ako. Kaunti nalang talaga susuko na ako sa giyerang ito na walang kasiguraduhan sino ba talaga ang kalaban dito. Sa relasyong ito na hindi pa man nagsisimula ay nasa dulo na agad.
Ayaw ko na sanang magsulat pa tungkol sakaniya kasi napakaswerte niya naman, apat na taong akong tumigil sa pagsusulat tapos nagbalik ako ng dahil sakaniya. Gusto ko man na huli na ito, pero ayoko ding pigilan sarili ko kasi dito ko nalang naibabahagi yung kung ano yung gusto kong iparating sakanya, di ko alam kung nababasa niya to pero Ilog, River, kung nababasa mo man to, sana maging maligaya ka. Wag mo na ipaalam sakin na nabasa mo to. Itago mo nalang. Ang sa akin lang, nagawa na kitang mundo at tahanan ng sistema ko pero parang kinakailangan ko na atang lumisan
sorry kung mahaba to, wala kasi akong kaibigan na pwede kong pagkwentuhan nito eh. Alam ko namang huhusgahan lang nila ako sa ginagawa ko. Sobrang stuck ako sa phase kong ito sa buhay pero sa tingin ko ito yung tamang panahon para matuto pano nga ba malaman sino ang dapat hayaan mo makapasok sa puso at isip mo. yung makakakita ng halaga mo.
Shout out sa IV of Spade! Napakahusay niyo, napasulat ako ng wala sa oras.
Kahit wala ka sa aking tabi, lagi kang na sa puso ko.
"Kaya Natin To"
ang pagmamahal ay natutunan.
kung ito ay hindi mo pipigilan.
Otto Knows feat. Avicii - Back Where I Belong (I-BiG Remix) by I-BiG https://soundcloud.com/iamkushalneupane/otto-knows-feat-avicii-back-where-i-belong-i-big-remix Here More By This Artist At http://soundcloud.com/iamkushalneupane
Pinipintuho Kita.
#iBIG #IBelieveinGod #ibelieveincreation #creation #creationism #God #believe #faith #love #hope #truth