Biblical Ba Ang Pangungumpisal Sa Pari?
Ang Kumpisal sa Pari ay isang paraan na sinunod galing kay Kristo sa kanyang mga apostol. Ang tanong, Biblical ba ang pangungumpisal sa Pari?

seen from Maldives
seen from China
seen from China
seen from United States
seen from United States
seen from T1
seen from United States
seen from China
seen from France
seen from Singapore
seen from United States
seen from Singapore
seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from Colombia
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
Biblical Ba Ang Pangungumpisal Sa Pari?
Ang Kumpisal sa Pari ay isang paraan na sinunod galing kay Kristo sa kanyang mga apostol. Ang tanong, Biblical ba ang pangungumpisal sa Pari?
...when all else fails, Keep Calm and Trust GOD! ;) :) ^_^ #godisgood #godisgreat #kumpisal #misa #pagampo #love #god
"Putangina mahal kita!" Gusto kong ipagsigawan sa buong mundo, gusto kong ipadama sayo. M A H A L K I T A kuha mo ba yon? Pero baka nga nagpapadala lang ako sa mga pangyayari, sa ragasa ng emosyon, sa panandaliang aliw. Hindi ko masasabi, sa tuwing magkakalapit di maiwasan isipin na bigla kang hablutin at halikan sa labi. Marahil nga uhaw lang to, masyadong nalalamigan at naghahanap ng pampainit. Hindi ko alam kung hanggang kailan kayang pigilan, hindi ko alam kung kaya pang itago. Pero ang tagal ko nang gustong sabihin sayo.. "Mahal kita gago!"
SHAWARMA
It's official.
Simula na ng isang bagong araw. Simula narin ng isang bagong buhay.
Maaga akong gumising. Medyo antok pa pero nagmuni-muni muna sandali kahit male-late na.
Nung araw na yon, kakaiba yung sigla ko. Bakit? Kasi, natalo ko na si arabong Jason Statham at sigurado na ako na nakalagpas na ako sa itinuturing kong impyerno na nadaanan ko. Ano yun? Wag mo na alamin. Aabutin tayo ng 2017 kapag ikinwento ko pa. Basta eto na lang. Bagong lugar, bagong mga mukha, bagong kapaligiran, at bago na yung kalsada na dadaanan.
Bumangon na ako sa kama at dumiretso sa banyo. Pumosing at nagpa-cute muna ng konti sa harap ng salamin sabay tanong ng, "Ilang araw ba sa isang buwan yung sinasabi nilang today? kasi, ang gwapo-gwapo mo today." Joke lang. Sasabihin ko lang talaga na naligo na ako, andami ko pang sinasabi. haha! Sorry na.
So ayun na. Nagtimpla muna ako ng kape bago nagbihis at nag-ayos ng sarili.
Buhok na binlow dry at nilagyan ng wax na parang kay Mario Maurer. Check.
Boxer shorts na ginamit na pantulog kagabi. (Di naman pinawisan) Check.
Long sleeve at pantalon na pang mala-Dingdong Dantes. Check.
Relo na terno dapat ang kulay sa pang-itaas na damit. Check.
Panyo na tatlong araw ng ginagamit. Check.
At ang lahat ng mga dokumento na kailangan para sa aking agenda ngayong umaga, ang magpa-medical. Check.
Okay, ayos. tara na!
Nagpunta na ako ng bus station at steady lang na nag-antay ng bus. Pagkatapos ng 10 minutong byahe sa bus, lipat naman ng station at sakay naman ng tren. Sa tantya ko, mga 30 minutes yung byahe ko papunta sa station na pupuntahan ko tapos isang bus pa ulit. Kailangan kong magmadali dahil pagkatapos nito ay kailangan ko pang mag-report sa trabaho.
Pagdating ko dun sa lugar, Wow. Wala masyadong tao. Swabe lang. Konting ayos ng papel, konting pila tapos konting bayad at kuha ng numero. Umupo na ako sa waiting area malapit sa isang lalaki na may nakaka-elibs na balbas habang nagsa-soundtrip ng mga kanta ni Matisyahu. Chill lang.
Ang medical examination dito mabilis lang. Kukuhanan ka lang ng dugo at x-ray tapos, tapos na. Depende pa siguro kung sa F&B industry ka nagta-trabaho. May dagdag pa ata na proseso. Hindi Face & Book ha? Food & Beverages.
Natapos na ako agad at bilang maaga pa naman, naisipan kong maglakad na lang papunta sa sakayan. Hindi pa masyadong mainit nun kaya palag-palag pa.
Hindi ko na maalala kung ano yung pinapakinggan ko nung mga oras na yon pero sigurado ako na para akong ogag na feeling nasa isang music video habang naglalakad. Pakiramdam ko na mabilis ang lahat ng nasa paligid habang ako naman eh pa-slow motion na naglalakad at kunwari pang tumitingin-tingin sa camera man. Pero totoo nga, mabagal akong maglakad.
May isang kilometro pa siguro ang layo ng lalakarin ko nang bigla akong napahinto sa harap ng isang kainan. Mabango at amoy sariwang karne. Paglingon ko, ay jackpot. May Shawarma.
"Shawarma my friend?" Yes, my friend. Give me one. "Spicy or normal?" Spicy my friend with extra pickles and one water. Pumwesto muna ako run at kumain muna saglit. Saraaaap!
Pagkatapos ko, nagbayad na ako at tuluyan nang umalis. Lakad lang ulit hanggang sa makarating na sa train station. Okay na. Diretso trabaho na.
Medyo malayo pa ang byahe ko at 13 stations pa mula sa kung nasaan ako papunta sa trabaho ko kaya kahit puno yung unang tren na dumating eh sumakay na ako.
Siksikan, gitgitan at palitan ng amoy ng kili-kili at hininga ang eksena. Buti na lang malamig kaya medyo okay na nang bigla akong may naramdaman na kakaiba. Yung maaliwalas at cool na pakiramdam ay napalitan ng nginig at pawis na malamig. Bigla na lang may kumulo kahit wala naman akong pinapainitan. Puta, magle-labor day yata.
Shet. Delicades. May sampung istasyon pa. Huminto yung train sa Dubai Mall station at may kumag na walang pakundangang iwinasiwas ang kanyang bag at tumama sa aking tiyan nung pababa siya. Gusto ko siyang batukan at sabihan "Putang ina mo ka!!! Wala kang nalalaman sa nangyayari sakin ngayon. WALA!! HAYUP KA!!".
Nagtatalo ang kaliwa at kanang bahagi ng utak ko kung pipigilan ko pa ba o susuko na lang. Yung pwet ko kasi medyo pihikan, hindi basta-basta umuupo sa trono ng bayan. May anim na istasyon pa at hindi ko na talaga kayang tiisin pa. Pakiramdam ko kapag bumahing ako eh may lalabas na. Asan na yung trono?! Crowning na!
Bumaba ako sa FGB station at nagmadaling lumakad papunta sa CR. Buti na lang bakante ang dalawang cubicle at walang ibang tao. All clear! sabay punas ng upuan at ibinuhos ko na ang lahat. Mamasa-masa pa.
Thank you Lord!
Natapos na ang hirap na pinagdadaanan. Buti na lang rin at may sprinkler. Walang hassle sa pag-lilinis ng sarili at pagtanggal ng mga masasamang ebidensya.
Eto ang isang pangyayari sa buhay ko na masasabi kong success story talaga.
Dito na nagtatapos ang kwento ko na wala naman talagang kwenta. Pero kung sa araw na yon ay meron man akong natutunan at masasabing aral, yun ay "Huwag kang kakain ng shawarma pagkatapos mong magpa-medical".
Okay ba tayo dun? Okay. Bye.
-itscarloanthony
KUMPISALAN
INTRO “Mangungumpisal na naman ako. Tanda mo na nga ata ako, ‘no?” bati ni Julia, sabay luhod sa harap ng kumpisalan.
Inayos niya ang kaniyang mahabang buhok, kumuha ng panali, at itinali nang mataas ang kanyang buhok. Napabuntong hininga ang pagod na dalaga. “Pero sa lahat ng ikinumpisal ko, eto ang pinaka-mabigat. Gusto kong itago. Alam mo yun, hindi na sabihin sayo, o kanino pa man.”
Tumungo si Julia, pinunasan ang mga namumuong luha sa gilid ng kanyang mga mata. “Pinatay ko ang nanay ko,” pabulong na sabi ni Julia. Hindi umimik si Padre, at tumahimik lang din si Julia. “Lagi mong sinasabi, Padre, na bago pa man ako lumuhod para mangumpisal, napatawad na Niya ako. Ganun pa rin ba ang sasabihin mo? Hindi ba magbabago yun? Sana hindi.”
Hindi alam ni Padre ang sasabihin niya. Araw araw siyang nakakarinig ng mga kasalanan ng tao – maliliit at malalaking kasalanan. Pero eto ang unang pagkakataon na may nangumpisal na pumatay siya ng isang tao. Nanay pa niya ang pinatay niya.
“Naiintindihan ko naman ang katahimikan mo. Hindi mo naman kailangang pagaanin ang loob ko. Dahil wala ng mas bibigat pa sa kasalanang nagawa ko,” naramdaman ni Padre ang naghahalong takot at tuwa sa boses ni Julia. Paano kaya natuwa ang dalagang ito, pagtataka ni Padre.
“Salamat sa pagtitiwala. Hindi ko man maintindihan ang nagawa mo, gusto kong malaman mo na mahaba ang pang-uunawa ng Langit. Mahaba ang pisi ng Kaniyang kapatawaran,” hindi alam ni Padre kung anong sasabihin niya, pero sa puntong iyon, gusto niyang tanggalin ang harang ng kumpisalan. Kung pwede nga lang, lumabas pa. Para makita ang dalaga.
- - -
Kung kasalanan man ang ibigin ka, ayaw og kabalaka. Mangumpisal ko kada adlaw ma AKO lang ka. ;)
Bubblegum
Bumili ako ng isang plastic ng bubblegum. Habang nilalaro ko ito. SUMABIT SA BRACES KO. Tinanggal ko nung nasa bus na ko. Wala akong pakialam sa mga nanuod.