Mix 2. :D
PUT YOUR BEARD IN MY MOUTH

祝日 / Permanent Vacation
dirt enthusiast

❣ Chile in a Photography ❣
KIROKAZE
trying on a metaphor
h
Cosmic Funnies
TVSTRANGERTHINGS
No title available
YOU ARE THE REASON
Monterey Bay Aquarium
sheepfilms
Mike Driver
RMH
Sweet Seals For You, Always
d e v o n

if i look back, i am lost

blake kathryn
tumblr dot com

seen from United States

seen from Malaysia
seen from Italy

seen from Malaysia
seen from Türkiye

seen from Türkiye

seen from Malaysia
seen from United States

seen from United States

seen from Malaysia
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from United States
@itscarloanthony
Mix 2. :D
After a long time... Please excuse the slip-ups. Enjoy!
:D
“Do not fall in love with people like me. I will take you to museums, and parks, and monuments, and kiss you in every beautiful place, so that you can never go back to them without tasting me like blood in your mouth.
I will destroy you in the most beautiful way possible. And when I leave you will finally understand, why storms are named after people.”
- Caitlyn Siehl
Whatever mix.
Wala namang masama kung hindi tayo kagawapuhan o ganun kaganda. Wala tayong magagawa. Yan ang binigay sa atin. We are still blessed at dapat thankful tayo kung ano man ang ibinigay sa atin at kung sino tayo ngayon. Wala din namang problema kung babaero o lalakero ang isang tao. Kung ano man ang reason o ang intention, we have to respect. Hindi ko sinasabing tama. Eh baka yun ang nakakapagpasaya sa isang tao. Sino tayo para humusga? We don't know. We can never can tell. Pero kung hindi ka naman kagandahan o kagwapuhan tapos lalakero o babaero ka pa, eh ibang usapan naman na yata yan, diba po? Binabaril sa mukha pag ganyan. Biro lang. Kamusta mga intellectual lightweight?
Oo. Iniisip kita palagi, pero hindi ko na sasabihin.
REASONS KUNG BAKIT HINDI KA DAPAT MASYADONG CLINGY
Sabi nga nila, "Clinginess is next to Godliness." Teka, yun ba yun?
Don't get me wrong. Napakasarap naman talaga sa pakiramdam kapag meron kang tinatawag na "Bae", "Baby Cakes", "Sweetie Pie", "Love Muffin", "mummy/daddy (mej ew to. sorry)" at kung ano-ano pang pwedeng itawag sa iyong iniirog.
"Sweet ko nga eh, anong masama run? Buti nga hindi ako nag cheat!" Okay? Tama nga naman. Pero medyo mali ka kung iniisip mo na walang masama na maidudulot yan. Di ko sinasabing mas okay na mag cheat ka sa partner mo. Isang malaking kahangalan pero sa tingin ko, mas malala pa ito dahil mas malaking parte ng sarili mo ang naapektuhan kapag masyado ka sa pagka-clingy.
Oo, kailangan natin maging sweet at clingy kapag nasa isang relasyon pero maniwala ka sakin, kapag sumobra ka diyan iyan din ang mag tatanggal ng icing sa ibabaw ng cupcake niyo.
1. Lahat ng sobra, nakakaumay. Kahit ang pinaka paborito mong Leche Flan kapag minaya't maya mo, magsasawa ka rin. Andun na tayo sa dapat may sweetness pero wag naman yung OA na. Imbis na mapakilig mo siya, nagiging nakakaurat ka na.
2. Personal Space. Tayo ay isang individual na nilikha na may pansariling karapatan. They do not own our humanity. Satin yun. That is our birthright. Wag mo hahayaang mawala yun sayo at huwag mo rin sanang agawin yung sa kanya. A healthy relationship consists of two healthy individuals. Tama ba yun?
3. No Time For Your Squad. Number 1 sakit ng mga nagkaka-jowa. Nakakalimutan na ang mga tropa nila at naaalala na lang kapag may problema at kung may kailangan. Wag ganun. Ang gara ng ganung galawan. Pahalagahan natin sila dahil sa panahon ngayon, sa tingin ko mas madali na maghanap ng jojowain kesa humanap ng tunay troops. Quality dude, quality.
4. Nami-misplace mo yung "Ikaw". Bilang may birthright ka nga, wag mo kakalimutan na may iba ka pa pwedeng gawin sa buhay. Wala naman masama mag me-time paminsan-minsan. Yun yung pagkakataon kung saan mas nakikilala natin ang sarili natin. Hindi dapat laging nakadepende ang kaligayahan at mga desisyon natin sa ibang tao.
5. Self-esteem. Sabi nila, clinginess shows lack of confidence, desperation and low self-esteem. So, kailangan nating i-workout yan dahil lalong mababawasan or mawawalan ka na ng pagpapahalaga sa sarili kapag masyado kang pabebe, este clingy.
6. Insecurity! Dahil nga mababa ang self-esteem, nagiging insecure tayo. Lalong tumataas ang pagnanais nating maging miyembro ng Hasht5 o kaya naman sumikat kagaya nung pabebe na kumain ng mamon sa mall. Kidding aside, hindi maganda ang maidudulot niyan sa sarili mo, lalo na sa relasyon niyo. Just don't.
7. Possessiveness. Malaking "No". Osige, sayo yan at wala dapat makaagaw sayo niyan pero senyales lang ito nung dalawa na huling binanggit. Wala naman na dapat dahilan para gawin pa to, kasi kung minamahal at inaalagaan mo siya ng mabuti wala dapat makakaagaw sa kanya mula sayo. (ew)
8. Controlling. For the third time, meron tayong birthright! At walang sinuman ang dapat umagaw nito sa atin. Ang pagkakaroon ng possessive at controlling na partner ay parang impyerno, kasi parang sinusunog ka ng buhay. Uhm. Well, yun ang sabi nila. Ewan ko lang?
9. Trust Issues. Dahil nga sobrang clingy ka, nagiging TH ka. Tigilan mo yan. Trust, -- Isa sa pinaka-importanteng sangkap ng kahit anong relasyon. Kapag nabutas yan, nawawalan na ng silbi.
10. Bye bye bye! Isa yan sa mga pangunahing rason kung kaya bakit merong iniiwanan. Kaya wag masyadong clingy. Para kasing madami ang nawawala kapag pinaikot natin ang mundo natin sa isang tao. Marami tayong nakakaligtaan sa paligid natin. Hindi dapat ganun. Hindi naman tayo planeta na meron lang isang axis at umiikot sa araw. Hindi ko sinasabing gawin mo lahat ito at hindi ko rin sinasabi na tama ang mga pinagsasabi ko, pero malay mo. Ikaw rin.
At higit sa lahat, baka wala naman kasing "kayo"? Ano ba talaga kayo at bakit ka clingy? Eh hindi ka naman pala sigurado kaya wag kang clingy diyan. Okay?
Kaya naman, ito ang aking katanungan. Ito'y personal ko lamang na tanong: "Tingin mo ba, dapat ka ba maging clingy sa isang tao na ang tingin sayo ay hindi tao? Magiging clingy ka ba sa isang tao na ang tingin sayo ay mas masahol pa sa hayop? Dude, ang kasagutan, -- Common Sense."
Joke lang.
K.Bye
@itscarloanthony
Excerpt.
"Ano, itatago mo lang? Hindi mo sasabihin? Wala ka manlang gagawin? Nako. Kabag ang aabutin mo niyan.
Ayoko naman yata ng ganun? Baka masiraan ako ng bait. Win or go home. Kung masasaktan ka lang rin naman, maganda yung isahan na lang. Isang sakitan para rekta process of healing na agad.
Wala naman tayo sa isang pelikula na merong script at direktor na siyang masusunod sa kung ano ang dapat at sunod na mangyayari. Hindi yung sa dinami-dami ng mga pinagdaanan nung bida eh maganda parin ang katapusan.
Wala naman masamang mangarap at maghangad ng magandang eksena bago tuluyang mag roll ang credits. Wag lang sana nating kakalimutan na may isang katotohanan sa buhay: "walang sad or happy ending. Ang meron lang, ending at reality ever after".
--------------------------------------------------------------
Kamusta? Long time ah.
Wala lang, mema lang.
Pasensya na, matagal-tagal ding walang kuda.
Ayan. Para nanaman akong tanga, wala namang kausap.
Anyways, yun lang. Sige. Goodnight.
@itscarloanthony
*Insert Title Here*
Hi. Kamusta? Okay ka lang ba? Wala lang. Pa-pampam lang.
Pasensya ka na. Wala naman talaga ako sasabihing maganda. Gusto ko lang talaga na makausap ka.
Busy ka ba? Pwede ba kitang maabala? Mukha ka kasing balisa. O baka feeling ko lang yun? Kung wala ka namang ginagawa, sama ka muna sakin. Ano? Pwede ka? Oh, halika na. Lumayo na muna tayo sa kanila.
Alam ko medyo masagwa pakinggan. Pero walang ibang ibig sabihin yan. Hindi kita ki-kidnappin at hindi ko rin ibebenta ang laman loob mo sa mga kawatan. Hindi rin ako rapist na pipilitin kang tumihaya para makabuo tayo ng isang pamilya. Wag kang mag-alala. Gusto ko lang talaga na makasama ka. Ano? Halika na. Lumayo na muna tayo sa kanila.
Stressed ka na ba sa trabaho dahil tambak ang gawain at hindi mo nahi-hit ang deadline? Masyado na bang bida-bida ang officemate mo na walang ibang ginawa kundi sumipsip sa boss mong kupal rin? Nako, pabayaan mo na muna yan. Mamamatay rin yang mga yan. Joke lang. Mag relax ka muna. Ang hindi natapos na trabaho pwede mong balikan, pero ang oras na lumipas ay hindi mo na pwedeng ibalik. So. Ano? Halika na. Lumayo na muna tayo sa kanila.
Sawa ka na ba sa mga tao sa paligid mo na naninira at hinuhusgahan ka? Nako. Hayaan mo na. Ibig sabihin lang niyan ay nasa likod mo lang sila. Hindi sila karapat-dapat para bigyan ng oras at pansin mo. Iwanan na natin yang mga yan. Halika na. Lumayo na muna tayo sa kanila.
Hindi ka binayaran ng kaibigan mo na nangutang sayo dahil bibili daw ng ticket para sa concert ng Super Junior. Na kapag sinisingil mo ay siya pa ang may ganang magalit. Ang tibay ng mukha niyan. Magsara sana ang butas ng pwet niyan. Pabayaan mo na. Alis na lang tayo. San mo ba gusto pumunta? Halika na. Lumayo na muna tayo sa kanila.
Um-order ka ng Jolly Spaghetti pero kakapiranggot ang sauce tapos wala pang hotdog. Ay sus. Talagang nakaka-beastmode yun. Pero wala kang magawa. Andyan na yan eh. Huwag ka na mag-reklamo at baka duraan pa nila yang spaghetti mo. Kainin mo na lang yan tapos lipat tayo sa kabila. Ano? Halika na. Lumayo na muna tayo sa kanila.
Yung nagpakatanga ka dahil buong akala mo na forever na talaga kasi sobrang saya ninyong dalawa. Tapos ipinagpalit ka niya sa iba dahil nung 3rd weeksary niyo, hindi mo naibigay ang gusto niya. Forever ka ng forever hanggang sa na-realize mo na lang na ang forever lang naman pala talaga ay ang kalandian niya. Hay. Wag mo na pag-aksayahan ng oras yan. Ano? Halika na. Lumayo na muna tayo sa kanila.
Kanina malungkot ka tapos biglang sumigla nung nag message siya. Ilang saglit lang, nabagok ang ulo mo sa hindi malaman na kadahilanan at bigla na lang nag beastmode ka. Easy ka lang. Pag-usapan natin yan. Ano? Halika na. Lumayo na muna tayo sa kanila.
Madalas mapapaisip ka rin. Unti-unti mong nakikita kung paano tumatakbo ang buhay. Kung hanggang ngayon wala kang nakikita, mag isip-isip at lumingon ka. Maaaring may nakaligtaan ka. Ako, naniniwala parin ako na ang lahat ng nangyayari sa buhay natin ay may dahilan. Kung ano yun at bakit, hindi ko alam. Pero sigurado ako na hindi papayag ang tadhana na hindi natin matuklasan kung ano ang sagot diyan. Bakit kaya ito nangyari? Nagkataon lang? Siguro. Pero kung titignan mo, kung nagkataon man, may isa na kagad na dahilan.
Sabi nga ni Kuya Stephen Covey, 10% lang ng mga nangyayari sa buhay natin ang hindi natin hawak. Wala tayong control sa sampung pursyento na yon. Sa 90% na natira, tayo ang nagde-decide kung paano natin haharapin ang mga nangyayari sa atin. Tayo ang nagpapasiya kung ano ang susunod. Kung paano tayo uusad, kung paano natin mamahalin ang buhay.
Maaaring kasalanan mo na natapakan mo yung tae kasi hindi ka tumitingin sa iyong dinadaan. Pero hindi mo na kasalanan kung sumakabilang-bahay na ang haligi ng inyong tahanan. Maaaring kasalanan mo na wala kang pera ngayon dahil hindi ka marunong magtipid. Pero hindi mo na kasalanan kung tumataas ang presyo ng mga bilihin. Maaaring kasalanan mo na sumobra ka sa ibinigay mong pagmamahal dahil sa pangako na iyong pinanghahawakan. Pero hindi mo na kasalanan na hindi siya marunong makunteto at iniwanan kang sugatan. Maaaring hindi mo kasalanan na marami kang pagsubok na pinagdadaanan pero kasalanan mo kapag hindi ka natutong humarap at lumaban.
Ngayon, ano bang kinukuda ko rito? Wala naman. Gusto lang talaga kitang samahan. Hindi ko naman sinasabi na kalimutan natin lahat ng problema at bigla na lang tatakas. Rest day lang kumbaga. Kalimutan muna natin sandali ang mga punyeta dahil masaya ako kapag maaayos ang lahat at nakikita ko na masaya ka.
So, paano? Halika na. Sabihin mo lang sakin kung saan. Sasamahan kita at lalayo muna tayo sa kanila.
@itscarloanthony
#Feels
Bakit, sinabi ko ba?
May tatlong oras na rin kayong hindi nagkikibuan. Ang mahabang usapan at kwentuhan ay napalitan ng iling at tanguan. Ang hindi maipaliwanag na ingay at sigla ay bigla na lang nasundan ng nakakabinging katahimikan.
"Ano bang problema? Ba't bigla kang natahimik diyan?"
"Ewan ko. Hindi ko alam."
"Hindi ka ba masaya?"
"Hindi ko na maipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko."
"Sabihin mo sakin kung ano para magawan ko ng paraan. Kung kailangan mo ng oras para makapag-isip, ibibigay ko. Kung yan ang hiling mo."
"Tama pa ba to?"
"Wala naman ako nakikitang mali sa ginagawa natin."
"Hindi na ako natutuwa. Hindi na ako komportable na kasama ka."
"Bakit mo nasasabi yan? Ano bang nagawa ko na hindi mo nagustuhan?"
"Basta. Hindi na ako masaya sayo, sa nangyayari dito."
"Anong problema? Lahat naman nakita at naramdaman mo. Lahat ipinaliwanag ko. Halos lahat naman ginawa ko ah?"
"Bakit, sinabi ko ba? Sinabi ko ba na gawin mo to? Sinabi ko ba na ibigay mo ang oras mo at gawin mo lahat yan?"
"Hindi, pero..."
"Yan ang hirap eh. Hindi ko naman hiniling sayo na gawin mo yan. Kaya wag mong isusumbat sakin ang isang bagay na hindi ko naman hiningi pero buong kusa mong ibinigay."
"Dahil gusto kong iparamdam sayo na mahalaga ka sa akin. Gusto ko na maging masaya ka."
"Yun na nga. Pero una pa lang sinabi ko na sayo, huwag kang umasa. Hindi naman ako um-oo! Pumayag ako dahil akala ko ganito lang ang gusto mo. Steady lang. Ngayon, malalaman ko na iba pala ang intensyon mo!"
"Pero..."
"Wag ka nang magsalita. Ayoko ng marinig pa ang mga kasinungalingan na lalabas sa bibig mo. Kung interisado ako, ako mismo ang kusang lalapit sayo!"
Sa tindi ng mga eksena at palitan ng salita, napatingin na ang lahat. Dala ng emosyon at pati na rin ng hiya, nagpasya na siyang umalis at iniwan kang nakatulala.
"Salamat. Paalam."
Yan kasi. Nagpadala ka sa libreng kape. Ako, kung alam ko na ku-questionin lang ang pagiging open-minded ko, hindi na ako sasama.
Kaya sa susunod, mag ingat ha?
2 months lang may auto na? Power!!!
Bwiset.
@itscarloanthony
Just uploaded Eighth to Mixcloud. Listen now!
Five Tewsand! Congratulations!
July 22, 2010. Ang araw kung kailan ako unang nag-tweet.
Oo na. Alam ko hindi magandang basahin. Wag mo na akong i-judge. 5 years ago pa naman yan.
August 2009 nung una akong sumabak sa mundo ng Twitter. And I was like "OMG! What's with this site ba? There are no games and what so ever! So boring naman."
Joke lang. Inimbento ko lang yun. Hindi pa ako marunong mag-ingles nun.
Noon, hindi ko pa alam kung ano ang ginagawa at ipino-post dito. Halata naman siguro sa pinaka una kong pinost.
Maraming nagsasabi na ayaw nila mag Twitter, kesyo pang-celebrity at mga peymus people lang daw ito. Pero ang totoo, ayaw talaga nila sa nasabing site dahil sa dalawang kadahilanan. Una limitado lang ang pwede mong sabihin kada isang tweet at pangalawa, hindi lang talaga nila maintindihan kung paano ito gamitin.
Eh ang simple lang naman niya gamitin. Diba? Una, kumuha ng mga visual aid o kaya mga educational films. Pagdating sa banyo, maglagay ng konting lotion sa kamay at... Teka, ibang Twitter yata yang tinutukoy mo Carlo Anthony!
Mas nagustuhan ko siya kesa sa FB kasi konti lang ang pina-follow ko at ang followers ko. So ibig sabihin, mas konti yung bullshit na nakikita ko. Tulad nga ng sinabi ko kanina, limitado lang ang pwede mong sabihin kada isang tweet. 140 characters lang. All-in. Kaya walang puwang ang mga mahahaba at pambobong post. Nasa sayo na kung trip mong i-follow ang mga idol mo at makisali sa mga trending. Makipag-diskusyon tungkol sa mga nakakapraning, pinakamainit at pinakamahahalagang issue sa lipunan kagaya ng #AnneCurtisNipSlip, #KrisAquinoOOTD, #PNoyPnot, #JaDineForever #DanielPadillaUmutot #PBBTeensEvictionNight at marami pang iba.
Tapos, ayun na. Hindi ko na namalayan. 6 years na pala kami. Anim na taon ko na siyang kasama. Sa hirap at ginhawa. Sa tamis at pait. Sa ligaya at lungkot. At higit sa lahat, sa tigas at sa lambot... ng tuhod para tumayo at malampasan ang mga pagsubok na ating inabot.
Kaya nga eto, ang ika-limanglibong tweet ko ay i-aalay ko sa para sayo oh Twitter ko.
Salamat dahil:
Nasasabi ko sayo kung ano ang gusto kong sabihin. Kahit anong oras, kahit saan. So clean. So good.
Pwede kong sabihin sayo na badtrip ako pero hindi ka nababadtrip saken. O baka naman badtrip ka na at di mo lang sinasabi?
I think before I tweet. Kasi, bawal mag edit ng tweet kaya dapat isiping maigi at tignan kung may mga typo. Pag nagkamali ka, uulit ka ulit.
Marami-raming hugot narin ang nai-share ko sayo.
Updated ako sa mga nangyayari sa buhay ni crush. Alam ko kung anong OOTD niya pati narin kung saan siya kumain ng dinner niya.
Tinuruan mo ako maging patient. Tinuro mo sakin na huwag palaging mag favorite ng mga tweets at selfies niya para hindi halata na abangers ako sa bawat galaw niya.
Kapag wala akong masabi, kahit lyrics lang ang mai-post ko okay na sayo.
Hindi gumagamit ng Twitter ang mga kamag-anak ko.
Malaya akong magsalita at magmura nang wala masyadong nagre-react.
at higit sa lahat
Salamat dahil palagi kang andyan at hindi ka napapagod na makinig sa akin. Kahit na sa totoong buhay, sarili ko lang naman pala talaga ang kinakausap ko.
Ayan. Tuloy-tuloy lang tayo ah. Tweet lang ng tweet.
Kung may account ka at handa kang makakita ng mga walang ka kwenta-kwentang mga tweet. I-follow mo ko. Parang awa mo na please. Hahahahaha!
Joke lang. Kahit wag na.
Oh siya sige na. Happy 5k at Twitterversary! Hahaha. :)))
K.bye.
@itscarloanthony
Shout? Out! #1
Yo! Magandang araw sa inyo!
Eto na ang unang edition ng Shout? Out!:
Shoutout nga pala kay crush na nakakasalubong ko sa metro tuwing umaga. Ilang buwan ko ng tinatanong sa sarili ko kung "anong lahi kaya siya? Tangina, napakaganda nun ah". Ilang beses narin tayong nagkatitigan at dun pa lang ramdam ko na yung spark. Lalo na nung nagtanggal ako ng shades para lang masilayan ka ng may high definition na quality habang slow-motion kang naglalakad patungo sa puso ko. Kung hindi mo na maitatanong, sabi ko sa sarili ko, soulmate na kita. Oo, dineclare ko na. Soulmate tayo ha? hart hart. haha.
May ilang linggo na rin tayong hindi nagkikita ah. Kamusta ka na kaya? Andito ka pa ba sa Dubai? Namimiss ko na ang strikta pero maamo mong mukha.
Alam mo ba? Kung ano-anong pumapasok sa isip ko sa tuwing nakakasalubong kita. Huwag kang mag-alala hindi naman kagaya ng mga eksena na makikita sa mga bomba films. Wholesome naman ito. In fact, may mga movie title pa nga akong naisip if ever maisa-pelikula itong imaginary love story natin:
"Ako'y Ibigin Mo, Babaeng Matapang."
"Give Me Chance. One Chance. More Chance."
"Metro Love Story Over Fake Taxi."
"Crush: Ang ganda mo kahit parang hindi ka naligo."
"Walang forever, pero mamahalin kita if ever."
Nagustuhan mo ba? Kung ano ang gusto mo, ikaw ang masusunod.
Baka naman nag asawa ka na? Huwag naman sana. Marami na akong plano para sa ating dalawa. Napa-design ko na yung bahay at naisip ko na nga kung anong motif ng kasal natin (kasal agad?). Gusto ko sana yung parang pang wild wild west ang datingan tapos ikaw yung magandang leading lady na nakatali sa riles. Siyempre, ako yung magiting na binata na magliligtas sayo. Yun ay kung papayag ka na pakasalan ako. Pag hindi ka pumayag, magkandalasog-lasog sana ang katawan mo. Joke lang. Hindi ko gagawin yan sayo. Aalagaan kita pati na ang labindalawa nating supling na iluluwal mo.
Crush, hindi ko pa alam kung ano ang pangalan mo at pasensya ka na kung mapaglaro itong utak ko. Huwag kang mag-alala dahil isip ko lang ang paglalaruan ko at hindi ang damdamin mo. Sana andiyan ka lang sa tabi-tabi at sana iniisip mo rin ako kahit hindi mo rin alam ang pangalan ko. Sana naalala mo pa yung unang beses na nagkasalubong at nagkatitigan tayo. Yun lang ang tanging pinanghahawakan ko para ipaglaban ang pag-iibigan nating ito.
At sana sa susunod na pagkakataon na magkakasalubong tayo ulit at hindi ka naman nagmamadali, sana kunin mo na yung number ko. Promise, ibibigay ko agad. Hindi na ako magpapakipot. :))
See you soon!
Yun lang. Salamat. Time!
#Umiegat #LastVega
@itscarloanthony
Shout? Out! (Beta)
Hello! How are you? Fine? Good! Oh, mag-ingay oh!
Alam mo ba kagabi, habang nagba-browse ako sa fb, bigla ko lang tong naisip.
Bakit kaya hindi ako mag shoutout? Tungkol sa mga bagay-bagay na nakikita ko sa internet o sa totoong buhay. Yung kaaya-aya sa mata, nakakatawa, nakaka-asar, nakakabwiset, nakakadiri at kung ano-ano pa. Pwede rin kayo mag-share o magpashoutout sakin na para bang sikat ako na tao at magpapabati kayo sakin kahit wala naman masyadong makakabasa neto. Hahaha. Joke lang. Basta kung may gusto kang ibahagi, sabihin mo sakin at iki-kwento natin sa iba. Ano, game?
Dalawang klase ang gagawin natin. Una, ang shoutout ng papuri, pasasalamat at pagsuporta. Pangalawa, yung mamumuna at mang-aasar lang tayo pero walang name-dropping na magaganap. Yung tipong maaapektuhan o masasaktan ka kahit hindi para sa sayo yung isinulat. Bright idea ba yun? Gagawin kong creative sa abot ng makakaya ko. Hahahahaha. :))
At dahil nga nakatambay ako sa newsfeed magdamag, eto ang napili ko para sa beta edition ng kagaguhan kong ito. Ang Shout? Out!:
Yo! Shoutout nga pala sa kakilala ko na panay ang pagbibida-bida at pagpapasikat sa social media.
Medyo naa-alarma lang ako dahil hindi lang ibang tao ang niloloko mo, pati sarili mo niloloko mo na rin. Ang masama pa niyan, alam na ng mga tao na niloloko mo sila, so technically, sarili mo na lang talaga niloloko mo. Ibang klase rin yang trip mo ano? Mukhang okay yang gamit mo ah? Good shit ba yan? Share mo naman samin.
Panay pa ang hirit mo ng ingles, mali-mali naman ang grammar mo! Concerned lang kami sayo. Magbasa ka naman din kasi minsan. Hindi yung puro banat lang ng banat. Paano ka magiging effective sa ginagawa mo niyan? Dapat ayusin mo yan.
At bakit panay ang post mo ng mga litrato ng gamit na hindi naman sayo? Ganyan na ba ang uso ngayon? Pag sinukat mo ang isang bagay ibig sabihin sayo na? Tama pala talaga yung sinabi ko tungkol diyan sa mga ganyan. Pag hindi sayo yung gamit, mas cool ipagyabang.
Hindi mo rin pinapatawad ang Twitter ah. Kada-isang minuto, may 3 hanggang 5 tweet ka. Kulang na lang pati bawat pagtibok ng puso mo o kaya pag utot mo eh i-tweet mo na. Hindi naman kami galit, nagpapaliwanag lang.
Ano rin tong nababalitaan namin na may imaginary syota ka na? Bumi-babe babe ka na raw ngayon sa cellphone kahit wala ka namang kausap. Pakilala mo naman kami sa kanya. Yung totoong pagpapakilala ah. Hindi yung ipapakilala mo siya samin sa pamamagitan ng malupit mong video gamit ang hulicam. Wow ha, Hayden Kho ang peg. Keep it up!
Nakakaaliw ka tignan sa totoo lang. Hindi namin alam kung bakit mo ginagawa yan pero, sige tuloy mo lang. Gusto mo yan eh.
Nga pala, wala talaga kami masyadong pakelam sayo. Nakakaurat lang talaga minsan. Pero trip mo naman yan so, tuloy-tuloy mo lang. Malay mo balang araw may mapala ka. Basta wag mo lang kakalimutan na bistado ka na at wala ka ng maloloko pa dito. Skoba lord.
Ayun lang. Time!
Oh, ayan. Testing lang yan ah. See you sa Shout? Out! #1 :))
@itscarloanthony
TANGA. PAULIT-ULIT KA NA LANG. TANGA KA.
Ang mga taong mahilig magtanong at humingi ng advice. Alam na ang sagot pero naghahanap parin ng mapapagtanungan. Mga mahilig makipagtalo at papakinggan lang ang gusto nilang mapakinggan. Mahilig humingi ng opinyon kung ano ang dapat at sunod na gagawin pero sarili parin yung susundin. Mahilig mangulit pero ang eksaktong kabaliktaran naman ng mga sinabi mo ang gagawin. Ang mga tao na nagsu-survey para malaman kung meron pang ibang kagaya nila na tatanga-tanga rin. Ang mga tao na nagtatanong lang para merong maitanong. Sino pa ba? Edi ang mga magigiting na "ASKHOLES".
Paulit-ulit na lang at minsan nakaka-urat narin pero wala kang magawa. Lalo pa't mga taong malalapit sayo ang madalas na gumagawa niyan. Yung tipong gusto mo ng paluin ng vase sa ulo para magising sa katotohanan at pakainin ng etyas para matauhan.
Heto ang mga iilan sa mga FAQs na mai-encounter mo mula sa mga dakilang askholes:
"Mahal niya din kaya ako?"
Punyeta. Bakit hindi mo sa kanya itanong? Hindi ko naman hawak ang puso at itlog niyan. Siya lang ang makakasagot kung ano ang tunay na nararamdaman niya para sayo. Malay ko ba kung nalilibugan lang sayo yan.
Sariling sagot: "Hindi niya siguro ako mahal."
"Niloloko niya lang ako. Dapat ko na ba siyang iwanan?"
Ganun? Sigurado ka ba diyan? (kunwari interisado ka)
Sariling sagot: "Baka napa-paranoid lang ako."
"Sino ang pipiliin ko? Ikaw ba na pangarap ko o siya bang kumakatok sa puso ko?"
Oh anong paiiralin ko? Isip ba o ang puso ko. Nalilito litong litong lito. Sinong pipiliin ko, mahal ko o mahal ako?
Kanta na lang tayo: Chorus 2x. *Repeat until fade*
"Uy. Bumubukol ba ang utot sa pantalon?"
Di ko lang sure. Ang alam ko hindi eh. Check mo nga.
Sariling sagot: "Holy Shit."
"Mataba na ba ako?"
Burger, chips, cake, buffet o unli-rice?
Sariling sagot: *Grabs all*
"Panget ba ako?"
Mukha ba akong sinungaling?
"Panget ba yung jowa ko?"
Aba. Hindi ba yung mga password mo, ikaw lang rin ang nakakaalam?
"Ganun na lang yun? Tinapon na lang niya lahat?"
Hindi ka na niya mahal. Yun na yun. Ano pang di malinaw dun? Ang bottomline, hindi ka na niya mahal.
Sariling sagot: "Close ba tayo? Tangina ang sakit mo magsalita ah? Oo. Galing sa pelikula yon.
"Mali ba ako? Wala naman ako ibang kasalanan kundi ang umibig ako ng dalawa."
Sabi nga ni F. Scott Fitzgerald: "There are all kinds of love in this world, but you can never love two person at the same time. Burikat! Punyeta ka. Malandi kang haliparot ka."
"Ano bang dapat kong gawin para makalimot?"
Mula sa cooking tips na nagkalat sa FB: Binating itlog (Regular) - Basagin ang itlog at ilagay ang laman sa isang mangkok. - Tantsyahin ang asin. Hindi ko talaga alam kung gaano kaalat ang gusto mo, pero sa akin, mga isang kurot na asin kada isang itlog lang ayos na. - Kumuha ng tinidor at batiin ang itlog hanggang maghalo ang puti at dilaw nito. - Maglagay ng konting mantika sa kawali habang pinapainit ito sa lutuan. - Ibuhos ang binating itlog. - Hayaang maluto ang ilalim nito, tapos baliktarin. Huwag hayaang masunog ito. - Tapos na! Maari mo nang kainin ang iyong binating itlog. Nakamove-on ka na at may nagawa ka pang matino.
@itscarloanthony
Swabe Anniversary
August 17, 2014. Linggo.
Hindi ko na namalayan, lumipas na pala ang isang taon.
1 year. 12 months. 52 weeks. 365 days. 8760 hours. 520,200 minutes at 312,012,000 seconds.
So?
Isang taon. Isang taon sa lugar na itinuring ko na liwanag sa dulo ng poso negro. Parang puso na nakapag move-on pagkatapos masaktan at maloko, ang relief operation pagkatapos ng isang matinding delubyo at ang cute na rainbow pagkatapos ng pabebeng bagyo. Totoo bang may Leprechaun dun sa dulo?
Andami ko nanaman sinabi. Sorry na, nagpapaka-artsy lang talaga minsan. Please don't judge.
Anyways, bakit ko nga ba sinasabi to? Wala naman. Importante lang naman sakin ang araw na to dahil ito ang una kong anibersaryo sa halos tatlong taon ko na pag ta-trabaho. Lalo na't malayo ako sa Pilipinas nating mahal. Oha, una pa lang yan. Kahit papaano meron narin pwedeng mapatunayan. Yung iba nga diyan ilang buwan lang nagbi-break na agad eh. Teka, mali yata ang example.
Pero hindi ba't halos lahat naman ng mga first time natin ay memorable? Merong masaya, nakakatawa, nakakainis, nakakabwiset, nakakagalit, nakakaaliw, nakakabaliw, malungkot, masakit, makirot, tas nung hinugot, kinurot.
Sa isang taon na yun, marami akong natutunan. May mga nakilala at nagkaroon ng mga bagong kaibigan. Nakaranas ng pagod, na-stress, nagutom, kumain, nag lasing, nagkamali, natuto at bumawi.
Pero kung meron man akong maise-share sa inyo mula sa isang taon na yun, ito ay ang makita kung anong meron at kung ano ang ginagawa ng isang swabeng empleyado. Ano ba yung swabeng empleyado? Mahirap ipaliwanag pero kung gusto mong malaman, itong mga sumusunod ang magiging gabay mo para maintindihan kung paano maging swabe. Ayon sa mga nakita ko, ang tunay na swabe ay:
1. Medyo punctual. Tulad ng sinabi ko, swabe hindi perfect so, pwede ka namang siguro ma-late pero dapat di lalagpas ng 5 minutes. Kung mahigit limang minuto, magsabi ka sa immediate supervisor mo kalakip ng iyong valid na reason. Example: "Pasensya na po at na-traffic po. May nagsi-sex na tatlong camel sa highway. Kahit sino naman po siguro mababadtrip kapag nabitin. Kaya pinatapos na po namin. 2. Hindi trying hard! Sa kahit anong klase ng trabaho, ang mga tao na trying hard ang madalas na sumasablay. Steady ka lang, gawin mo lang ng tama at mahusay ang trabaho mo. Ipakita na normal lang sayo ang pagiging amazing at siguradong may makakapansin at magsasabi sayo na "Keep it up. Mahusay ka sa ginagawa mo." 3. May remote para sa mood swings. Kung hindi maganda ang gising mo o meron kang pinagdadaanan, iwanan mo na sa bahay yan. Pwede mo ring iwanan sa byahe. Daanan mo na lang ulit kung trip mo pang iuwi sa inyo. Hindi ko sinasabing kalimutan mo ang problema mo pero may tamang oras para diyan. Hindi dapat dinadala sa trabaho yan. Sige ka, baka yung mukha mo pa ang ma-swing ng boss mo. 4. Hindi nagjo-jowa ng katrabaho. Wag kang magjo-jowa ng katrabaho mo! Una, hassle pag nag-away kayo. Pangalawa, bantay sarado ka sa mga bawat kilos mo at pangatlo, uhm, wala. Ayoko lang talaga ng ganun so dapat ayaw mo rin. haha. 5. Hindi showbiz reporter. Tigil-tigilan niyo yan. Walang magandang maidudulot sa inyo yan. Imbis na i-chismis niyo kung ano yung nabalitaan niyo tungkol sa kabit ng katrabaho niyo, eh mas maigi pa sigurong magtrabaho ka na lang. Una, dahil wala ka naman kinalaman diyan at pangalawa, baka maakusahan ka pa na ikaw ang kabit. Sige ka. 6. Nagsi-share ng knowledge. Sabi nga ni ka-erni, kung walang knowledge walang power. Kaya wag kang madamot. Ibahagi sa mga ka-trabaho mo ang iyong mga natutunan o kung ano ang mga bago mong natuklasan na maaaring makatulong sa inyo para mas gumanda ang inyong performance. Sa kama. 7. Team player! Parang Voltes V ang datingan. Mas pipiliin niyang sabihin na ginawa namin to, tayo ang bahala dito, kami ang nakaayos nito instead of AKO. Hindi yung sa bawat magandang nangyayari lang binabanggit yung salitang ako at pag nagkanda leche-leche na, yung sila at kayo lang ang maririnig mo. Sa ganitong mga palabas, maaaring frontliner yung ulo pero tandaan niyo na hindi mabubuo ang Voltes 5 kung wala ang ibang parte nito. 8. May kusa pero hindi adib-adib. Hindi ka Sugababe kaya hindi na kailangan na may mag push pa ng button mo para gumana ka. Pero not to the point naman na magbibida-bida ka. Kung hindi sigurado, komunsulta sa doktor. Wala naman masamang magtanong. Ang masama eh yung tipong kahit hindi na alam ang gagawin, patuloy parin na nagmamagaling para lang masabi na marunong. Ingat ka baka magka-STD ka niyan. 9. Natututo sa mga pagkakamali. Normal naman na magkamali tayo. Pag hindi ka nagkakamali, ibig sabihin hindi ka tao. O kaya naman sobrang GGSS ka. Walang problema kung nagkamali ka. Ang mahalaga tanggap mo sa sarili mo at may natutunan ka. Tulad nga ng sabi ng karamihan, ito oh. Bagong-bago lang. "Make a mistake once and it becomes a lesson. Make the same mistake twice and it becomes a choice." 10. Marunong tumanggap ng constructive criticisms. Huwag masamain. Kaya nga constructive criticism eh. From the root word constructive, sinasabi yun sa atin para mag-improve tayo. Para magkaroon ng positibong pagbabago sa atin o sa ginagawa natin. Kung hindi natin magawang maintindihan ngayon, easyhan mo lang. Mare-realize din natin yan balang-araw. Better late than never. 11. May respeto, disiplina at dedikasyon. Hindi ko na siguro kailangang ipaliwanag pa yan. Wala tayong karapatan na mawalan ng ganyang klase ng cells sa loob ng ating katawan. Hinuli ko kasi nga basic. Mga katangian na hindi lang ng swabeng empleyado kundi ng bawat isa sa atin na walang katulad dito sa mundo.
Oh siya siya, hanggang dito na lang. Inaantok na ko eh. Simula na ng panibagong taon na bubunuin ko.
Happy anniversary sakin at sa inyo ng kabit mo.
Joke lang.
Basta ako, wala man akong ka-anniversary, meron naman akong salary monthly.
Wala lang, nag-rhyme lang ako.
hahahahaha :))
Sige good night! :)
@itscarloanthony
Pa-sosyal Media (Social Climbing 101)
"Chilling and having coffee with my besties. Just a normal day. Good morning everyone!" (@somewhere in Dubai, UAE) checked in 32 minutes ago via iOS
Sabay post ng picture ng kape sa Instagram. Minsan, may selfie pa na nakasupsup yung straw sa bibig at hindi matatapos yung post kung walang hashtag IGers hashtag Chill hashtag Coffee hashtag blessed hashtag dagukan kita eh.
Ay wait. Ang boring.
Coffee coffee tirada nanaman. Yan na lang lagi ang pinapansin ninyo. Iba naman uy! Kayo talaga napaka-judgemental niyo. Hindi ba pwede na coffee lover lang talaga? Metikuloso pag dating sa coffee beans? Hindi umiinom ng walang extra shot? Or baka naman wala lang silang thermos o takure? Grabe kayo. Social climber na agad? Inggit lang kayo kasi di kayo makapag-kape sa pang sosyal eh! Diyan na nga kayo. Ipo-post ka pa yung picture ng coffee ko sa IG. Ikaw? May IG ka ba? Hindi mo siguro alam yun. Wala ka kasing LTE! ew.
Sa totoo lang, wala dapat tayong pakialamanan. May sari-sarili tayong mga account. Kanya-kanyang trip lang yan. Walang basagan. Wala kang magagawa kung gusto nila mag post ng kung ano-ano sa profile nila. Nakikitingin ka lang kaya wag kang mag reklamo. Have you heard about this button called "Unfollow"? No? ew. You're so angatch talaga. I'll never let you post on my timeline na. #jirits
Lahat naman tayo at some point nagkaroon at mayroon din konting kabayabasan sa katawan na naibahagi o ibinabahagi sa social media. Minsan narin tayong nangarap na makapag share ng konting pasikat at nag-asam ng papuri galing sa iba. Oh diba? Umamin ka! Pipitikin kita sa apdo.
Naaalala mo ba nung Friendster pa lang ang meron at pigil na pigil kang bisitahin ang profile ni crush kasi makikita sa "who's viewed me?" ayiee. harot mo gago (biro lang). Yung time na hindi ka makapasa sa Math pero ang ganda ng page mo sa site na Multiply? Yung time na nakakapag post ka ng mga salita kagaya ng..........(wag na lang) na walang hipokrito na mag-rereact at walang awa na magsasalita ng mas masakit laban sayo? Halos lahat tayo napagdaanan yan.
Dati, kuntento na tayo mag post ng "What a happy day" bilang shoutout at mag-iwan ng makalaglag panty na testimonial sa profile ng ating crush.
Noon, medyo acceptable pa na tatanga-tanga ka sa internet at social media. Bago pa ang lahat eh. Marami pang ang hindi nakakaalam kung ano ang dapat at hindi dapat i-post dito.
Pero, anong taon pa ba yun? Juice colored. 2015 na! Masasabi ko na wala na dapat tayong karapatan na maging mangmang dahil halos lahat ay pwede na nating ituro sa sarili natin.
Eh anong nangyari? sa nakikita ko, naging platform lang ng mga engot ang social media para ipamahagi sa buong mundo kung gaano sila ka-bopols. Ito narin ang naging daan para maibahagi nila sa kanilang mga itinuturing na super friends kung ano ang ulam nila kagabi, kung saan sila kumain ng brunch, kung saan sila nag spend ng kanilang summer at kung ano ang bago niyang cellphone, sapatos at damit. Sa madaling salita, "Highlight Reel".
Eto ngayon ang problema. Ikaw, bilang isang audience, hindi mo dapat ikinukumpara ang iyong off the cam na pamumuhay sa highlight reel ng iba. Kaya nga highlight eh. Ibig sabihin matindi o maganda sa mata.
Eh anong malay mo sa nangyayari behind the scenes? Hindi mo naman malalaman kung sino ba ang inutangan niya para makabili ng sinasabi mong ganito at ganyan. O kung paano siya nag-tantrums sa mall na tila isang bata na ginawang mop ang damit kakalupasay sa sahig para lang ibili siya ng nanay niya. Kung paano niya katakot-takot na hinaras ang kanyang mga magulang para lang makabili lang ng ticket sa concert ng idol niyang 1D na ngayon ay watak-watak narin dahil, ewan ko. Pakelam ko sa mga yan. Malalaman mo ba kung ilang beses siyang nag OT sa trabaho para lang sa mga bagay na nakikita mo sa page niya ngayon? Oh, diba? Epal ka kasi. Sorry. Joke lang ulit. :)
Wala na tayong magagawa. Andiyan na yan eh. Its either you leave or just live with it. Puro ka kasi tambay sa social media eh! Magdamag nakangudngod sa mukha mo ang cellphone mong mas smart pa kesa sayo. Tapos, mababadtrip ka pag hindi mo gusto ang nakikita mo. Mag trabaho ka nga.
Ngayon, bilang mga inggitero't inggitera kayo, ang gusto niyo ay may highlights rin kayo sa social media at hindi lang sa buhok. Gagawin mo ang lahat para makipagsabayan sa iba at makapagpakitang gilas sa iyong pinopormahan na isa namang tatanga-tanga rin.
At dahil concerned ako sa inyo, bibigyan ko kayo ng easy tips para maging effective sa napili niyong career. Pero bago natin simulan, linawin muna natin. Huwag natin isipin ang mga super friends ng iba. Focus tayo dun sa super friends natin. Sa sampung kaibigan natin sa isang social networking site, may tatlo hanggang pito dito na walang ginawa kundi magpasikat at mag bida-bida araw-araw. Insecure? Hindi siguro. Lalo na kapag talagang kilala mo ang isang tao at alam mo ang tunay na klase ng pamumuhay meron siya behind the scenes. Yung tipong 101.88% sure ka na siya ay isang kupal lamang.
Ang mga sumusunod na idea ay hinango ko mula sa aking newsfeed. Ibig sabihin, subok ito at talagang mabisa. Ano, are you ready to climb? Okay, game:
OOTD (Ogag of the Day). Make sure na hindi sayo yung sinusuot mo. Hindi kasi cool pag sarili mong damit yung pinopost mo eh. Walang dating. Gamitin mo yung hiniram mo sa tropa o sa kapatid mo tapos mag hashtag ng "Earned not given" o kaya ng "Broke men/Broke women goals".
Coffee Lover. Sweet Lover. Picture-an ang magandang barista na gagawa ng iyong kape. Para may silbi ka naman. Post mo narin kung saang branch para alam namin kung saan namin siya pupuntahan. Hindi yung kape lang lagi ang kinukuhanan mo ng litrato.
Party Animal. Tumambay sa paborito mong superclub. Kung maaari, maging promoter sa nasabing club at yayaiin ang iyong mga mayayaman na super friends. Papuntahin sila sa siksikan na dance floor at dito mo sila dudukutan ng wallet at cellphone.
Traveling Violation. Kunan ng litrato ang iyong ticket habang naka-ipit sa iyong passport kahit na ang sasakyan mo lang naman talaga ay bus papuntang Monumento.
Check-in or it didn't happen. Gamit ang iyong malupit na app, mag-check in sa isang lugar o sa isang sosyal na event na hindi mo naman talaga napuntahan. Malay ba nila kung talaga andun ka o kasalukuyang naglalaro lang ng COC habang tumatae. O kaya, sabihin na nakasabay mong kumain sa isang restaurant si Daniel Padilla kahit na ang tanging participation mo sa mga oras na yun ay ang mag-abot ng bill niya.
1 + 1 = 2 Carry 1 borrowed P1000. Dahil kating-kati kang makapagpasikat, mangutang ka para makabili ka kaagad ng iPhone na dual sim. Sabihin mo sa uutangan mo, baka kako pwedeng 2 gives. Mas okay kung hindi ka magbabayad. Mas sosyal yun.
Englishing while wrong gramming. Mag status o mag comment in english sa iyong mga friends on a regular basis. O kaya mag-ingles sa tuwing nakikipagkwentuhan sa iyong mga amigo sa maling lugar at maling panahon. Mas mali, mas maganda.
Wala yan sa Lolo ko. Huwag na huwag magpapatalo pagdating sa kwentuhan. I-bida ang lahat ng kaya mong i-bida. Siguraduhin mo na palagi kang meron pantapat na istorya at ikaw ang pinakamalupit. Ikaw ang may pinaka-interesting na karanasan sa buhay.
Pulpolitiko. Aba, hindi naman yata pe-pwede na wala kang ganito? Ipagkalat na mayroon kang kamag-anak na pulitiko o may roots kayo ng mga ma-impluwensyang tao sa lugar niyo para gangstah.
Star for all reason. Aba. Ipagkalat na mayroon karing kamag-anak na artista. Sabihin na nasa bloodline talaga ninyo ang pagiging artista. Mas pinili mo lang talaga na hindi pasukin ang industriya dahil baka masapawan mo lang sila.
Food Porn. Kaano-ano ba to ni Youporn? I-share mo sa amin kung saan ka kumain at kung magkano yung kinain mo. Magsulat narin ng konting review. For example: "Just wanted to share this with you guys. I ordered a dish from this resto and it is freakin' delicious! You can have it for as low as P35/kilo. They call it "Fish Fillet La El Niño". Sa madaling salita, "Tuyo".
I Block You! Para bongga ang pagpapasikat, I-block mo sa social media ang mga taong malapit sa buhay mo. Yung mga kaibigan at kamag-anak mong alam kung ano yung nangyayari sa totoong buhay mo para walang magre-react o manlalaglag sayo kapag naka pasikat mode-on ka. Sa ganung paraan, hindi namin malalaman na niloloko mo ang sarili mo.
Marami pang iba pero tama na siguro yan. Sumasakit na ang brain cells ko.
Eto seryoso.
Para sakin, kahit low profile lang sapat na dapat. Simplehan mo lang. Wala namang masama kung simple ka. Diba? Magkaiba yung talagang sikat at mayaman sa nagpapasikat lang at nagyayaman-yamanan. Alam kong masarap sa pakiramdam ang pansamantalang pagtayo sa gitna ng itinuturing mo na limelight at makatanggap ng pekeng papuri at maling suporta. Tandaan natin na mas importante parin kung sino ka bilang ikaw at kung ano ka sa totoong buhay.
Sabi nga ng matalik kong kaibigan na si Berting: "Magkaiba yung nilalait ka at alam lang ng mga tao na niloloko mo ang sarili mo. Kung nilalait ka dahil alam nilang niloloko mo lang ang sarili mo, ibig sabihin lang nito ay ipinipamukha lang nila sayo na tatanga-tanga kang sosyalista ka na kahit anong mangyari tatanga-tanga ka pa din."
Pasensya na kayo, medyo galit siya.
Gayunpaman, malaki ka na. Diskarte mo parin. Gawin mo kung anong gusto mong gawin. Bahala ka diyan. Malaya tayong lahat. Pananaw ko lang naman ito. Alam mo na kung ano ang dapat dahil ikaw naman ay nasa tamang edad. Basta wag lang nating kalimutan na "lahat ng mga ginagawa natin sa buhay ay may kadikit na responsibilidad".
Okay?
Super friends parin tayo. hehe. :)
Cheers mga dude!
@itscarloanthony