Bago ka pa man pumasok sa isang relasyon
syempre single ka diba
Mapa-NBSB ka man, o may naging past ka
kalaban mo sarili mo sa patience ng pagiintay ng taong mamahalin mo at para sayo
Nasa sayo kung mas pipiliin mong humanap ng pagibig
O matututunan mo muna mahalin ang sarili mo ng buo at tapat, na handa ka sa isang relasyon
Love is a battlefield
Love is a battlefield
Eto na yung stage na kinikilig kilig ka na
tipong nababaliw ka na sa unfamiliar na feeling na nararamdaman mo towards another person
Eto yung panahong hindi mo alam kung paano mo kikimkimin, o sasabihin sa kanya yung nararamdaman mo
Kung magkakaron ka ng lakas ng loob para masabi lahat sa kanya
Sisisihin mo pa si Kupido na sa kanya ka natamaan
Malamang lamang pa, kakalabanin mo rin sya kasi in denial ka
Baliw ka nga. Pinana ka eh.
Love is a battlefield.
Third opponent: “Mutual Feelings”
Tipong start kayo as “friends”, di nyo namamalayan may namumuo na palang samahan sa inyo
Tipong “good morning” hanggang “good night” to “kain na” “tulog ka na”, unti unting nagkakaroon ng meaning, ng essence
Ramdam nyo na sa sarili nyo na namumuo na yung “sparks”
Intayan game lang kayo kung sinong mauunan sa aminan
Nagkaaminan na kayo
yung love story nyo, araw araw nang nasusulatan ng magagandang chapters gaya ng sa mga libro
Paano bang battlefield parin ito?
Labanan parin kasi ito ng mga desisyon na ginagawa nyo bilang couple, bilang partners
Labanan sa pagpili ng kakainan
hanggang sa pagkakasagutan
Labanan, kung pipiliin nyong salbahin ang relasyon
O tuluyan nyong gagawing panandalian ang lahat
Labanan kung pipiliin nyong mapasaya ang isa’t isa
O araw araw nyong hahayaang kayo'y lumuha
Mabigat na ba? Pagibig nga yan eh.
*at kung man hindi magwork ang relasyon (na sana naman ay hindi mangyare)*
Fifth Opponent: SARILI ULIT
Natalo kayo sa labanan ng pagiging kayo
Hindi nyo pareho naipanalo yung bagay na nung una pinangako nyong ipaglalaban nyo
Yung bagay na dapat sabay nyong winowork para mapagtagumapayan nyo
Ngayom, bumalik ka sa pagiging “ikaw” ulit
Single ka nanaman. Hintay ka nanaman.
Yun nga lang, may kaakibat na sakit sa nakaraan
Ngayon, hahayaan mo ba ang sarili mo na matalo sa laban na to?
Papatalo ka nalang ba sa emosyon na hindi mo dapat nararamdaman?
Na dapat pinaglaban din nya habang kayo,
na dapat pinahalagahan nya at iningatan nya habang kayo
Tumayo ka, pahirin mo bawat luha na pumapatak sa mata mo
Chin up. Show that person kung anong nawala sa kanya
Ikaw dapat ang manalo dito.