Damgo
Ayan ka nanaman,
Sa pakikipagkwentuhan
Ng matagalan
Ng may kabuluhan
Sa isang nilalang
Na alam mo namang
Noon pa man
Maaari mong magustuhan.
Ayan ka nanaman.
Ayan ka nanaman.
Isasangkalan
Ang tulog mong kailangan
Para ang antok kinabukasan
Ay mapuksa kundi man malabanan
Ayan ka nanaman
Maging ang baga nakasalalay
Para sa ilang minutong makasabay
Sa pagkunsumo ng usok na lumalatay
Sa baga mo
Alam mong masama sayo
Tulad na lang nito
Ang patuloy mo na pag-damgo
Sa isang tinitingalang tao
Na alam mo naman ang totoo
Na wala kang pag-asa rito.











