KAMUSTA KA NA?
Kamusta ka na? Okay ka lang ba?
Simula noong nag break tayo, wala na akong balita sayo. Hindi ko alam kung okay ka na, naka move on ka na sa masamang nangyari sayo. Alam mo naman sa sarili mo kung bakit ako nakipaghiwalay sayo. Hindi na healthy ang relasyon natin, hindi na maaring ipagpatuloy pa dahil sa tagal ng panahon na hindi tayo nagkakaintindihan, hindi tayo gumagawa ng paraan para maibalik yung “spark”. Akala ko, wala lang saakin yung break up natin, akala ko hindi kita mamimiss, hindi na ako iiyak. Pero nang i-stalk kita sa facebook, hindi mo pa rin dinedelete pictures natin. Bakit? Siguro, wala ka pang oras para aalisin yun dahil bihira ka nalang mag online. Naging assuming tuloy ako. Makapal ba mukha ko na ako yung nakipagbreak tapos umaasa pa rin ako nababalikan mo ko balang araw? Alam ko naman kasi na malabo. Nakakatawa nga eh, yung puso ko kasi ayaw na magbalikan tayo, pero yung isip ko yung nagsasabi na baka PWEDE PA. Baliktad no? Manhid na kasi yung puso ko. Sa dalawang taon na nagsama tayo, sa unang pitong buwan lang ang masasabi kong matatawag ko na relasyon. Iniisip ko, nasaktan ka ba noong nakipagbreak ako? umiyak ka ba? Pero, naiisip ko rin na mukhang hindi ka naman nasaktan dahil parang wala lang sayo noong sinabi ko sa mga kaibigan mo na wala na tayo. Nakakatawa na habang tinatype ko to naiiyak ako, sabayan pa ng kanta na Til I die. Hahaha. Hayy. “Its hard to believe that you weren’t meant for me” Akala ko talaga tayo na hanggang huli. Akala ko lang yun. Ang hilig ko kasi umasa, mag assume, at maniwala sa happily ever after. Dapat pala hindi ako nanunuod ng mga love story eh, lalo akong umaasa na magkakaroon din ako ng happy love story. Heto na nga pala ako, malapit na mag graduate. Sayang, hindi na natin magagawa yung mga plano sana natin. Sana mahanap mo yung taong para sayo talaga. Yung taong makakapagpasaya sayo. Maraming salamat sa mga aral na binigay mo. God bless you :)








