Sa Pagitan ng P. Faura at Sarili
Bakit ka ganyan? Totoo naman ako Maniwala ka _______________
Seryosong tao Ang nasa harapan mo Sana’y masanay
_______________ Saan ang punta? Biglaan naman yata ‘Di nagpaalam
_______________ Kukuha ulit Ng perang hindi kanya Ganid talaga
_______________ May nakaupo Sa ginintuang trono Ayaw umalis
_______________ Dugo at pawis Binili ng kapital Inaping uri
_______________ Mura nang mura Ang Matandang Kalabaw Lason sa bata
_______________ Ang mamamayan Sa sama-samang laban Magtatagumpay














